Sunday, June 6, 2010

Hunyo 06 2010 Abante Tonite

Tagilid pa rin si Baham
Rey Marfil


Bagama’t nanalong go ber nador, may kalabuan pa ring makaupo si Palawan Cong. Baham Mitra at hanggang ngayon, nalalagay sa balag ng alanganin ang pla nong pamunuan ang lalawigan lalo pa’t marami ang nakakaalam na labag sa batas ang pagtakbo sa nakaraang halalan -- ito’y malinaw sa deklarasyon ni Mary Ann Tejada, spokesman ng Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP), ang namumukod-tanging local political party sa lalawigan na kinikilala ng Commission on Elections (Comelec), as in hindi kinikilala si Mitra bilang gobernador at inaakusahang walang karapatang tumakbo.

Kung hindi nagkakamali ang Spy, nagsumite ng supplemental comment sa Supreme Court (SC) sina PPP founding member at incumbent San Vicente, Palawan Mayor Antonio Gonzales at Orlando Balbon Jr. -- ito’y naglalayong pabulaana n ang petition for certiorari bilang kasagutan sa request ni Baham na ipawalang-bisa sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang unang hatol ng Comelec na nagbabasura sa kanyang kandidatura o Certificate of Candidacy (COC) dahilan sa kabiguan nitong patunayan ang pagiging lehitimong residente ng Aborlan, Palawan, katulad ng nakasulat sa kanyang COC.

Ang isyu ngayon: gustong malaman ni Tejada, sampu ng mga taga-Palawan kung ano ang nangyari sa desisyon ng Comelec, aba’y sa kabila ng pagbasura sa COC noong Mayo 4, 2010, ilang araw bago ang eleksyon, bakit pinayagan pang makatakbo si Papa Baham at naiproklama pang gobernador, aba’y paanong mananalo ang isang taong hindi naman kandidato?

***

Napag-usapan si Papa Baham, ating i-flashback ang kaganapan: Kinansela ng Comelec ang COC ni Mitra matapos madiskubreng hindi umabot sa ‘resi dency requirements’. Ang ipinagmamalaking tirahan ni Mitra sa isang feed mill sa bayan ng Aborlan, ito’y lumabas na ‘scripted’, as in imbento lamang, animo’y idol sina Isaac Newton at Albert Einstein? Take note: wala ni isang kubeta at kusina ang inaangking bahay ni Mitra sa Aborlan gayong nalalaman ng buong Pilipinas kung gaano kayaman at kaimpluwensiya ang mga Mitra sa Palawan. Mantakin n’yo, kahit tatlong pira so ng bato para pagsaingan, hindi nakitaan ang bahay, maliban kung dating pinaglalarua n ng ‘bahay-bahayan’ ang Aborlan? Ang tanong lamang: sino ang umaaktong tatay at nanay sa paglalaro ni Papa Baham ng bahay-bahayan?

Hindi kaila sa buong Palawan ang katotohanang taga-Puerto Princesa ang pamilya ni Mitra. Ibig sabihin, simula nang magka-isip at magbinata si Papa Baham, isama natin ang ilan pang naitalang kapil yuhan, iisang lugar ang tinira han hanggang mag-congressman. Ang problema ni Mitra, naging highly-urba nized city noong 2007 ang Puerto Princesa at natanggal ang karapatan ng mga taga-lungsod na makilahok sa mga political affairs ng lalawigan, kabilang ang political elections.

Ang pinakamala king sakit ng ulo ngayon ni Mit ra, ayaw palampasin ng grupo ni Tejada ang panloloko sa mga taga-Palawan -- ito’y napilitang u malma at inaakusahang sinungaling si Papa Baham. At nainsulto kay Mitra ang grupo ni Tejada dahil pinapalabas pang hindi kaila ngan ang isang palikuran para makatira sa isang bahay gayong nalalaman ng buong mundo kung gaano kahalaga sa buhay ng isang tao ang kubeta. Hindi lang iyan, sabit din ang sedula ni Mitra, aba’y pinapalabas pang 2008 nakatira sa Aborlan gayong malinaw sa address ang Sta. Monica, Puerto Princesa, katulad din ng nakapaloob sa isinumiteng statement of assets and liabilities (SAL) sa Congress noong April 2009, nangangahulugang taga-Aborlan.

Ang argumento ni Mit ra, ito’y lehitimong taga-Palawan kaya’t may karapatang tumakbong gobernador ng lalawigan gayong hindi naman isyu sa korte ang pagi­ging Palaweño kundi ang katanungan kung nasunod ang isinasaad ng batas, ito’y maliwanag sa Comelec decision na ipinapawalang-bisa ang certificate of candidacy. Kung walang makikialam sa Comelec, posibleng mauupo sa Hulyo 1 ang mahigpit na katunggali -- si Cong. Jose Alvarez.

(mgakurimaw.blogspot.com)