Friday, October 30, 2009

spy on the job: october 30 2009 abante

spy on the job: october 30 2009 abante

october 30 2009 abante

Senador nagregalo ng cobra

Sa kagustuhang magmukhang bata at makasabay sa kakisigan ng ilang miyembro ng Kongreso, kamuntikang himatayin ang isang retiradong heneral matapos regaluhan ng cobra ng isang maaksyong senador.


Halos maglulupasay sa katatawa si Mang Teban matapos mangarag ang isang retiradong heneral nang madiskubreng cobra ang iniregalo ng maaksyong senador taliwas sa pagkakaintinding energy drink ang ibibigay dito.


Hindi produktong ‘Cobra energy drink’ ang regalong natanggap ng retiradong heneral kundi literal na cobra, as in ahas ang iniregalo ng solon kaya’t muntik nang himatayin nang i-deliver sa opisina ang regalo.


Nakasilid sa isang sako ang cobra na iniregalo ng maaksyong senador sa retiradong heneral, kalakip ang mensaheng ‘katasin ang dugo ng ahas at inumin habang mainit para gumanda ang daloy o sirkulasyon ng dugo sa kanyang katawan’.


Wala namang choice ang retiradong heneral kundi sundin ang utos ng maaksyong senador, kipkip ang dalangin at paniniwalang nakakapagpabata ang pag-inom sa dugo ng cobra.


Hindi naman nagsisi ang retiradong heneral dahil gumaan ang kanyang katawan nang mak
ainom ng dugo ng cobra kaya’t abot-langit ang pasasala mat sa senador.


Pintahan n’yo na: Is
a sa opisyal ng Senado ang retiradong heneral habang napakabulakbol ng maaksyong senador.

Thursday, October 29, 2009

spy on the job: october 29 2009 abante tonite

spy on the job: october 29 2009 abante tonite

october 29 2009 abante tonite

Putulin ang tali!
Rey Marfil


Habang nalalapit ang November 30 deadline ng Come lec sa pagsumite ng certificate of candidacy, bawat oras ay nagkakaroon ng ‘realignment’ sa pulitika -- pinaka-latest ang pag-atras ni Ronnie Puno sa vice presidential race, kasabay din ang pagdeklarang Vice President ng ‘kaibigang matalik’ ni Edong Angara -- si Loren Legarda, as in Sinta.

Kaya’t maraming naglalaro sa isipan ng mga kurimaw, katulad ang katanungang ‘coincident’ lang ba o meron kababalaghang nagaganap sa likod ng camera lalo pa’t maugong ang ‘pagpapaligaw’ ni Sinta kina Gibo Teodoro at Manny Villar, maliban kung ‘tinatakot’ ang inaanak sa kasal -- si Chiz Escudero bilang bahagi ng ‘trick or treat’ ngayong Undas?

Bago ang declaration ni Chiz sa Club Filipino, maraming nagaganap -- ito’y pinagdudahang aatras at iisa ang linya ng kakamping TV station ni Noynoy Aquino, ‘pang-VP lang si Keso’. Ang rason: Malaking banta kay Tito Noy ang pagtakbo ni Keso, hindi dahil parehong dilaw ang ‘favorite color’ kundi solido ang suporta ng mga kabataan dito.

Kundi nagkakamali ang Spy, nasa 65% ang young voters ang naitala ng Comelec ngayong 2010 election. Ibig sabihin, bentahe kay Keso ang pagiging aktibo ng mga kabataan at estudyante sa presidential derby, hindi pa kasali riyan ang ‘solid vote’ mula Bicol region. Kaya’t hindi nakakapagtakang ‘dagain’ sa dibdib ang kampo ni Tito Noy lalo pa’t meron pitong buwan bago ang itinakdang ‘big day’ at paghahatol ni Lolo Jose Melo sa lahat ng presidentiable!
***
Napag-usapan si Sinta, samu’t-saring kuwento ang umiikot, mapa-coffee shop at media forum, ka tulad ang ‘pagpapaligaw’ kina Manny at Gibo kahit ‘ka-MU’ si Keso bilang ka-tandem, as in meron mutual understanding sa hanay ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Isang linggo bago nagdeklara si Sinta sa Luneta Park noong nakaraang Biyernes, naisulat ng inyong lingkod ang pakikipag-meeting kay Sec. Puno, hindi nga lamang nabigyan ng espasyo.

Ibig sabihin, hindi ikinagulat ng mga kurimaw ang pag-atras ni Puno, ito’y isa sa napag-usapan sa pagitan ni Sinta. Take note: Dalawang beses nag-usap ang magkabilang kampo, hindi nga lamang malinaw kung anong topic at mismong lady solon, inamin sa harap ng Senate reporters ang ‘panliligaw’ ng Lakas-Kampi.

Hindi kailangang graduate ng La Consolation College para maintindihan ang diskarte ni Sinta. Kung hindi interesado sa mga nagpapalipad-hangin, aba’y dapat ‘binasted’ sa unang akyat pa lamang ng ligaw at sinabihang “I am sorry. Ako’y engaged kay Keso”.

Bakit naka-dalawang bisita pa si Puno kundi nagpakita ng interes si Sinta? Hindi naman siguro manhid si Puno para hindi mapansin kung paano kinilig si Sinta kaya’t humirit ng isa pang pagbisita?

At nangyari nga ang inaasa hang pag-atras ni Puno, katulad ng kanilang napag-usapan, alinsunod sa impormasyong nakuha ng mga kurimaw pero iba ang lumalabas sa bibig ni Sinta, maliban kung bahagi ng drama dahil nakikipag-negotiate rin kay Villar?

Hindi lang iyan, mismong si Sinta ang nag-leak sa kanilang confidential meeting ni Ronnie -- naganap ang inisponsorang dinner (Oct. 23) sa Manila Yacht Club, kasama ang Senate reporters na nag-cover sa kanyang jobs fair.

Maging ang nangyaring ‘mock elections’ sa harap ng Senate reporter pagkatapos ng briefing sa climate change hearing ng nakaraang Huwebes (Oct. 22), si Sinta pa rin ang humirit. Take note: Pangalan nina Villar at Escudero ang pinagpipiliang ka-tandem.

Ganito rin ang hirit ng kampo ni Villar sa Se nate reporters noong Lunes (Oct. 26) bago nakisalo sa lunch ang kanilang bossing, ito’y nakiusap magpa-mock election upang mapulsuhan kung sino ang karapat-dapat ka-tandem.

Pinaka-latest ang paghirit ng mock election ni Sinta sa mga mayor ng Batangas noong Martes ng gabi (Oct. 27) at iisa ang katanungan ni Loren: Sino kina Villar at Escudero ang sasamahan sa 2010. Siyempre, nanalo ng isang boto si Manny, as in Money. Kaya’t napapanahong putulin ni Escudero ang tali! Anyway, kumalas na si Keso sa NPC, kasing-labo sa sabaw ng pusit kung matutuloy ang Chiz-Loren! (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, October 28, 2009

spy on the job: october 28 2009 abante tonite

spy on the job: october 28 2009 abante tonite

october 28 2009 abante tonite

Isang trak ng lugaw ipinaanod ng lady solon
(Rey Marfil)

Sa hangaring magpa-beauty bilang preparasyon sa 2010 national election, naghalo ang basura at lugaw sa Pasig River matapos magkasabit-sabit ang “Operation: Lugaw” ng isang ambisyosang miyembro ng Kongreso.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘nagkulay-lugaw’ ang Ilog Pasig matapos ‘langawin’ ang pagpapakain ng lugaw ng ambisyosang lady solon dahil malamig ang pagtanggap ng mga residente kahit mainit ang inihandang pagkain nito.

Ang masakit sa lahat, nasayang ang isang truck ng pagkain dahil napilitan ang inarkilang catering service na itapon sa Ilog Pasig ang ilang toneladang lugaw, kalakip ang pangambang ma-food poison ang mga residente, lalo pa’t nangangamoy panis.

Dahil nag-aambisyon sa mas mataas na posisyon, isang malaking event ang inisponsoran ng ambisyosang lady solon at isa sa naging pakulo ang magpakain ng lugaw sa mga residente, kalakip ang paniniwalang magiging blockbuster ito.

Humigit-kumulang 1,500-katao ang puntir yang pakainin ng lugaw ng ambisoyosang lady solon kaya’t kinuha ang serbisyo ng isang restaurant, subalit halos walang gumalaw sa lugaw hanggang sa mapanis.

Halos ipagduldulan ng mga staff ng catering service ang lugaw sa mga residente at dumalo sa event para maubos subalit walang gustong tumikim, kaya’t tinangka pang i-divert sa evacuation center para hindi masayang.

Sa bandang huli, hindi itinuloy ng mga staff ng catering service ang planong ipamahagi ang lugaw sa evacuation center dahil nangangamoy panis na at posibleng ikasira lamang ng ambisyosang lady solon kapag maraming evacuees ang madadale ng food poisoning hanggang sa napagdesisyunang ipaanod na lamang ito sa Ilog Pasig.

Clue: Saksakan ng ‘plastic’ ang lady solon at numero unong ‘political butterfly’. Kung senadora o congresswoman, ito’y merong letrang “A” at “L” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Abangan kung Lilipat sa 2010 election(mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, October 27, 2009

spy on the job: october 27 2009 abante tonite

spy on the job: october 27 2009 abante tonite


october 27 2009 abante tonite

Maagang nangikil!
Rey Marfil


Kung hindi tinanggap ni Joey De Venecia III ang imbitasyon ni Erapsky sa sena­torial slate, sa malamang ‘aalog-alog’ ang ipinagmala king jeep ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP), aba’y dalawa lamang ang ‘legitimate draftees’-sina Juan at Jose. Maliban kina Senate President Juan Ponce Enrile at pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr., walang iba pang pangalan ng personalidad ang may tsansang manalong senador sa 2010. Kaya’t dagdag-puwersa sa Estrada-Binay tandem ang pagpasok ni Joey lalo pa’t walang partido ang makakabuo ng 12-man senatorial slate.

In fairness kay Joey, ito’y napakalayo sa amang si Joe De Venecia, hindi lamang sa estilo ng buhok kundi sa pananalita. Sa naimbestiga hang broadband scandal, mas pinili ni Joey ang ‘kumanta’ sa Upper House keysa manahimik at tanggapin ang multi-milyong inaalok ni banker Ben Abalos.

Ang masakit lamang, walang nasasampolan ang Ombudsman sa mga kawatan. Ibig sabihin, ‘exciting’ ang 15th Congress sa Manila Film Center kung mananalong senador ang batang De Venecia, aba’y posibleng makatabi ng upuan si Dick Gordon. Kaya’t ugaliin ni Joey ang magdala ng payong, aba’y mahirap ang walang panangga sa ulan!
***
Napag-usapan ang 2010, hindi pa man nakakapag-file sa Comelec, maagang ‘pinagpapartehan’ ng mga kapamilya at ka-tropa ng isang presidentiable ang cabinet position. Pinaka malupit ang ‘pre-bidding’ sa mga government contract na ngayo’y hawak ng mga ‘crony’ ni Mrs. Arroyo- ito’y ipinangakong ibibigay sa natalong bidder kapag naupo ang presidentiable, kapalit ang multi-milyong campaign donations na hinihingi nito.

Hindi natin babangitin ang pangalan subalit ang tumatayong ‘broker’, aba’y mismong bayaw ni Mr. Presidentiable. Mantakin n’yo, hindi pa nga nagsisimula ang kampanya, gusto kaagad maka-boundary!

Sa report ng Spy, nakipag-meeting at diretsa hang kinikilan ni Bayaw, as in pre­sidentiable-bro ther-in law’ ng kontribusyon ang isang talunang bigtime bidder sa multi-bilyong po wer contract. Sa kaalaman ng publiko, natalo sa bidding ang ‘D Brothers’ at isang crony ni Mrs. Arroyo ang nakinabang sa project.

Take note: P200 milyon ang hinihingi ni presidentiable-brother-in law. Ang diga ni Bayaw sa ‘D Bro­thers’, kung makapagbigay ng P200 milyong down payment, kaagad ipapawalang-bisa ni Presidentiable ang pagkaka-award ng multi-bil yong power contract sa isang crony ni Mrs. Arroyo kapag nanalo ito.

Dalawang bagay lang ang malinaw: mas masahol ang mga ‘kapamil ya’ ni Presidentiable sa lahat ng naupong Pangulo, aba’y maagang nangingikil at pinapalabas pang meron balanse ang ‘D Brothers’.

Si brother-in-law, ito’y mister ng nakakatandang kapatid ng presidentiable at nakapasok lamang sa negosyo, gamit ang impluwensiya ng kanyang ‘mother-in-law’. Kaya’t tumayong ‘broker’ dahil sanggang-dikit ni Brother-in-law ang talunang big time bidder (D’ Bro thers) habang ang negosyanteng nanalo sa power deal (Arroyo crony), ito’y maagang tumaya sa isang mayamang presidentiable.

Sa simpleng explanation, kasinungalingan ang campaign slogan ni Presidentiable dahil iisang mukha ang nakapalibot, as in napapaligiran ng sindikatong umaastang “Mr. Clean” gayong traidor at balimbing, patunay ang pag-iwan sa dating kakampi.

Kung maagang ‘ibinibenta’ ng mga kapamilya ng Presidentiable ang government facilities upang makapangalap ng pondo, isa sa pinakamalakas na negosyo ang candle-making pagkatapos 2010, siguradong ‘balik-brown out’ sa entire Philippines.

Kung sino si presidentiable-brother-in law, ito’y meron letrang C, as in cable ang business! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, October 26, 2009

spy on the job: october 26 2009 abante tonite

spy on the job: october 26 2009 abante tonite

http://www.abante-tonite.com/issue/oct2609/hulaan_blues.htm

october 26 2009 abante tonite

Lady politician, namwersa sa TV coverage
(Rey Marfil)

Walang kupas ang pagiging primadona at pagka-plastic queen ng isang lady politician matapos puwersahin ang grupo ng mga mediamen na i-cover ang inisponsorang event nito.

Pinakamalala sa pag-uugali ng primadonang lady politician na nasaksihan ng Tonite Spy, ito’y nagawa pang magyabang sa harap ng mediamen na kaya nitong bayaran ang ‘airtime’ sa telebisyon basta’t maisahimpapawid lamang ang pagpapa-cute sa camera.

Sukdulan hanggang langit ang pagka-bad trip ng mga reporter nag-cover sa inisponsorang event ng primadonang lady politician matapos umariba sa pagiging ‘plastic’, as in nasobrahan sa pagiging polite ito.

Nagsimula ang lahat ng ‘ka-plastikan’ ng primadonang lady politician matapos madiskubreng ‘chop-chop’ ang media coverage sa inisponsorang event kaya’t kaagad sumagi sa isipan ang matinding inggit sa mga kalabang kandidato.

Kahit walang kalatuy-latoy ang inisponsorang event, gustong ipa-cover ng primadong lady politician ang pagpapa-cute sa mga botante gayong ka­sing-liwanag sa sikat ng araw ang katotohanang nagpapapansin sa ibang kampo at puro ka-plastikan ang kanyang gimik.

Ang ikinagulat ng mga kurimaw, mismong sa bibig ng primadonang lady politician nagmula ang alegasyong kaya’t nagpatawag ng media coverage para masigurong front page at banner sa mga peryodiko ang kanyang gimik.

Ang malupit sa lahat, nagawa pang tanungin ng primadonang lady politician ang reporter ng dalawang higanteng television station kung bakit ‘putol-putol’ ang cove­rage sa kanyang event, sabay pagyayabang na kaya nitong bayaran kung magkano ang live cove­rage.

Clue: Isa sa ‘political butterfly’ ang primadonang lady politician. Kung gabinete, congresswoman o senadora. Ito’y meron letrang “R” sa real name, as in Rina-raket ang pagtakbo sa 2010. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, October 24, 2009

spy on the job: october 23 2009 abante tonite

spy on the job: october 23 2009 abante tonite

october 23 2009 abante tonite

Lady solon, terror sa mga staff
(Rey Marfil)

Kung ‘Enemy No. 1’ sa eskuwelahan ang mga titser, ganito rin ang pag-uugali ng isang primadonang lady solon kung kaya’t nilalayasan ng mga tauhan kahit malaki ang pasahod nito.

Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, napaka-terror, as in terorista sa mga staff ng primadonang lady solon kaya’t walang tumatagal sa kanyang opisina at napupuwersang maghanap ng ibang amo.

Ang pinakamalupit sa pag-uugali ng primadonang lady solon, mistulang nabubuhay sa panahon ng mga Kastilalo’y dahil astang-reyna sa harap ng mga tauhan kung saan pinalilinya sa alinmang gatherings ang mga ito.

Kapag dumadalo sa malalaking gatherings o event ang primadonang lady solon, kailangang nakahanay ang mga tauhan sa tagiliran ng entrance gate o kaya’y pintuan, animo’y ginagawang alipin ang mga staff nito.

Hindi lamang itinuturing na alipin ang mga staff bagkus araw-araw sinisinghalan sa kanyang opisina kaya’t nagkakaroon ng niyerbyos at nagkaka-trauma ang mga tauhan - isang rason kung bakit nagre-resign.

Bilang patunay sa pagiging ‘terror’ ng primadonang lady solon, isang media relation officer (MRO) ang nag-resign at lumipat sa ibang kampo ang kamuntikan hinimatay nang makita ang primadonang dating amo sa isang political event.

Bago pa man nag-resign ang dating MRO, humigit-kumulang dalawampung (20) media handler ang lumayas sa poder ng primadonang lady solon dahil sa napa­kasamang pag-uugali nito, kabilang dito ang isang sikat na fashion designer na ginawang taga-bitbit ng pasador at taga-bantay sa comfort room (CR).

Katulad ng nakaugalian, pinapila ng primadonang lady solon ang mga staff sa entrance gate at nagkataong amo ng dating MRO ang kausap ng mambabatas kaya’t nagpangita ang dalawa sa malaking political event at hindi maiwasang magkasalubong ang mga ito.

Sa nangyaring event, isa-isang ipinakilala at kinamayan ng primadonang lady solon ang mga tauhan ng kasamahan sa trabaho subalit nilagpasan ang dating MRO, sabay ismid at taas ng kilay nito.

Nang malampasan ang dating MRO, pansamantalang tumigil sa pagkakamay ang primadong lady solon, sabay balik sa linya o puwesto ng dating tauhan kung saan nagbugtong-hininga ng malalim, sabay bigkas ng katagang “pinatawad na kita”.

Ikinagulat ng mga kurimaw ang binitawang pahayag ng primadonang lady solon lalo pa’t wala namang kasalanan ang dating MRO, sampu ng mga tauhang nag-resign bagkus mismong mambabatas ang nag malupit at nang-aalipin ng mga staff.

Clue: Saksakan ng ‘plastic’ ng primadonang lady solon at naninita ng reporter kapag hindi maganda ang naisusulat sa interbyu. Kung senadora o congresswoman, ito’y meron letrang “A” as in Ang hilig sa matandang karelasyon.(mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, October 23, 2009

spy on the job: october 23 2009 abante

spy on the job: october 23 2009 abante

october 23 2009 abante

Lady solon, nagsungit sa reporter

Hindi lamang ipokrita at nandidikta kung anong isusulat ng reporter tungkol sa nila laman ng kanyang press conference, bagkus nang-away at nagsungit pa sa harap ng mga mediamen.


Matinding pagkadismaya ang naramdaman ni Mang Teban matapos sungitan at awayin ng primadonang lady solon ang ilang reporter na kritikal o radikal magsulat laban sa kanya.


Sa kasagsagan ng press conference, mu ling umariba ang pagiging ‘ma-epal’ ng primadonang lady solon at isa-isang sinisita at dinidiktahan ang mga reporter kung bakit hindi lumalabas sa peryodiko at hindi isinusulat ang mga advocacy nito.


Ang malupit sa lahat, harapan pang inuutusan ng primadonang lady solon ang mga reporter na isulat ang mga magagandang ginagawa nito.


Pintahan n’yo na: Kung pagiging plastic ang pag-uusapan, taob ang Tupperware at Orocan sa primadonang lady solon. Kung senadora o congresswoman, kayo na ang puminta

Thursday, October 22, 2009

spy on the job: october 22 2009 abante tonite

spy on the job: october 22 2009 abante tonite

october 22 2009 abante tonite

Na-Hayden ang P2.3M senate camera!
Rey Marfil


Nakakalungkot isiping sa loob mismo ng bakuran ni Senate President Juan Ponce Enrile nagkakalat ng dumi ang ilang tiwaling opisyal ng Upper House, pinaka-latest ang ma-anomalyang pagbili ng P2.3 milyong camera recorders (Sony Camera) na nabisto ni Sen. Ping Lacson at hindi man lamang natakot gayong ‘Stop Kurakot’ ang campaign slogan nito.

Kung sino man ang ‘mastermind’ sa maanomalyang camera recorders, mas makakabuting mag-resign keysa walang makuhang retirement fee. Mantakin n’yo, tatlong unit ng camera recorders, binili sa halagang P395 libo gayong P150 libo hanggang P175 libo sa ibang supplier at baka meron pa ngang libreng hopia!

Hindi natin babangitin kung sino ang tinutumbok ng imbestigasyon pero nakakagulat ang nadiskubre ng Spy, isang napaka-pangit na apartment ang address ng nagpakilalang supplier sa biniling camera ng Public Relation and Information Bureau (PRIB) at naglahong parang bula, isang araw makaraang pa-imbestigahan ni Sen. Ping (committee on accounts chair) ang pagbili ng tatlong ca­mera recorders.

Take note: Hindi nagbibiro si Lolo Johnny dahil saksi ang Senate reporters kung paano nag-init ang ulo nang madiskubreng napalusutan ng ilang tiwaling Senate employees. Mahigpit ang tagubilin ni Lolo kay Sen. Ping, ‘kahit piso o P100 ang ipinatong, ito’y pinasisibak at pinagbalot-balot ng mga gamit’!

Lingid sa kaalaman ng publiko, ilang director ang tumatanggap ng P70 libo hanggang P180 libong allowance kada buwan, hindi pa kasali ang ilang perks kapag meron ‘maimpluwensyang nakakausap’ at nagla-lobby sa Upper House. Kaya’t hindi ipinagtataka ng mga kurimaw kung maraming ‘nagpapa-alila’ at umaaktong utusan sa foreign trip kahit ilang pang bagahe ang hila-hila, huwag lamang maalis sa kapangyarihan.

Ibig sabihin, hindi masisisi sina Lolo Johnny at Senator Ping kung ma-bad trip, aba’y lahat ng benipisyo at ikagagaan sa buhay ng mga Senate employee, ito’y ipinagkaloob pagkatapos hindi makuntento sa walang katapusang wage hike!
***
Napag-usapan ang imbestigasyon, bumuo ng komite ang Senate leadership upang tanggalan ng maskara kung sinong miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) ang ‘kumita’ sa transakyon, tanging concern ng isang Secretariat insider- pawang malalapit sa isang Director na natutumbok sa imbestigasyon ang dalawang tauhan ng investigating body.

Isa pang nakakapagtaka, makailang-beses nang sumabit sa eskandalo ang director at nasuspendi sa kahalintulad na kaso, ito’y nakabalik at binigyan pa ng mas mataas na posisyon. Ibig sabihin, malakas ang kapit kaya’t hindi masibak-sibak. Teka lang, hindi kaya obsession ni Director ang mag-ala Hayden Kho, aba’y napakahilig sa camera?

Ang pinaka-latest report, meron nakuhang dokumento ang investigating body sa Commission on Audit (COA), malinaw ang ‘small note’ ng isang Director ng Upper House at pinapa-revise ang budget allocation sa PRIB camcorders purchase request, maliban kung nakalimutan ni Madame Rose J kung sinong Director ang nag-request at umaktong kinatawan ng PRIB kahit ibang department ang hina-handle?

Take note: walang makuhang basehan kung bakit nag-request ng revision kay Madame Rose J si Director dahil normal na panuntunan: Ini-increase lamang ang certificate of availability of allocation (CAA) sa ilalim ng inaprubahang pondo.

Hindi lang iyan, meron panibagong anomalyang umalingasaw, aba’y lumabas sa Senate inventory, bumili ng kaparehong modelo ng ca mera recorders noong 2005 ang PRIB at nadiskubreng mas mura ang halaga. Mantakin n’yo, lumang modelo at napaglipasan ng apat na taon, halos doble pa ang presyo ng camera. Kahit sinong barado ang ilong, maamoy ang senaryong merong kumita sa Senate-BAC kaya’t napapanahong magsibak si Lolo Johnny para huwag pamarisan! (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, October 21, 2009

october 21 2009 abante tonite

Esmi ng solon, ‘namitik’ ng kubyertos sa resto
(Rey Marfil)

Kung nagmatigas sa harap ng waiter at hindi ibinalik ang mga ‘hinarbat’, kamuntikang nakulong ang mi sis ng isang miyembro ng Kongreso matapos ‘pumitik’ ng kubyertos sa loob ng restaurant.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, gumawa ng eksena sa isang foreign trip ang misis ng isang nakakalbong solon matapos pagdiskitahan ang maga­garang kubyertos ng restaurant.

Sa puntong ito, lumabas ang pagiging ‘Makati Girl’ ng ‘commander-in-chief’ ng solon, matapos puntiryahin ang magagarang kubyertos sa lamesa, maging mamahaling table napkin.

Kundi lamang malapad ang tablecloth na nakalatag sa kanyang harapan at walang ibang kasama sa lamesa, posibleng naisama sa mga kasangkapang ‘pinitik’ o hinarbat ng misis ng nakakalbong solon.

Dahil nangangati ang kamay, pasimpleng isinilid ng misis ng nakakalbong solon sa malaking bag nitong dala ang isang set ng kubyertos o iba’t ibang hugis at laki ng mga tinidor at kutsara na ‘napitik’ sa lamesa.

Lingid sa kaalaman ng misis ng nakakalbong solon, mala-department store o mall ang security system sa loob ng restaurant kung saan ilang security personnel ang naka-civilian cloth kaya’t hindi mapagkakamalang bantay o guwardiya ng sinumang customer.

Hindi naman kaagad sinita ng naka-civilian clothed na security personnel o guwardiya ang misis ng nakakalbong solon bagkus hinintay pang makapagbayad ng restaurant bill ang grupo ng mambabatas.

Eksaktong pagkalabas ng restaurant, ilang metro ang layo sa pinagkainan, saka pa lamang sinita ng guwardiya ang misis ng nakakalbong solon upang hindi mapahiya.

Hindi naman pumalag ang misis ng nakakalbong solon nang sitahin ang laman ng kanyang bag at pinagsabihang isoli na lamang ang mga napitik o naharbat kesa mapahiya kapag dinampot at kasuhan sa lupain ng mga dayuhan.

Mabilis ding inilabas ng misis ng nakakalbong solon ang mga nakulimbat na kubyertos sa loob ng restaurant at kaagad ding humingi ng ‘sorry’ sa security personnel na nanita, kalakip ang depensang nakursunadahan lamang at gustong gawing souvenir sa kanyang bahay pag-uwi ng Pilipinas.

Clue: Palaging magkasama ang mag-asawa kahit saang foreign trip. Kung senador o kongresistang ang nakakalbong solon, ito’y malapit nang magretiro kaya’t naghahanap ng ibang matatakbuhan. (mga kurimaw.blogspot.com)

Tuesday, October 20, 2009

october 20 2009 abante tonite

Kanino ang puso ni Sinta?
Rey Marfil


Kahit giniginaw sa tubig-baha ang mga taga-Pangasi­nan, mainit ang posibleng paglipat ni Loren Legarda, alinman sa kampo ng dalawang junior - sina Gibo Teodoro at Manny Villar - ito’y hindi nakakagulat dahil sadyang ganito ang pulitika. Kahit kasing-labo sa dalang putik ni Ondoy sa Metro Manila, ‘tumitining’ ang linyahan ng bawat isa at marami pang magaganap sa loob ng 43-days habang nalalapit ang November 30 deadline.

Sa alinmang labanan, pinakamahalaga ang diskarte at taktika kaya’t hindi masisisi ni Loren Sinta kung malisyoso mag-iisip ang mga kurimaw lalo pa’t makinarya at pera ang pinakamalakas na sandata kapag sasabak sa karera. Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy, DILG Asec. Brian Yamsuan!

Sa kabilang banda, hindi rin nakakagulat kung mauwi sa ‘Gibo-Loren’ ang ilalarga ng Malacañang lalo pa’t 2-taon pa lamang ang itinagal ni Sinta sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) - ito’y pumasok noong 2007 at ex-party mates si Gibo. Ang masakit lamang sa panig ni Keso, as in Chiz Escudero, animo’y ‘kinakaliwa’ lalo pa’t walang pinag-iba sa mag-boypren ang sitwasyon ng mag-Ninang.

Ibig sabihin, kundi kinikilig, bakit ‘nagpapaligaw’ kina Gibo at Manny, as in nag-entertain ng suitors gayong ka-MU (mutual understanding) si Keso, maliban kung sadyang nakahiligan ng lady solon ang maging ‘salawahan’ sa pag-ibig at pulitika?
***
Napag-usapan ang pagiging salawahan, balikan ang background ni Sinta, ito’y ex-member ng Lakas-NUCD at ‘favorite’ ni Tabako (President Fidel Ramos) kaya’t naipasok sa senatorial ticket noong 1998. Take note: nagkaroon din ng Lakas-Laban coalition noong 1995 election - sina Tabako at Edong Angara (LDP President) ang promotor.

Hindi lang iyan. Sina Joe De Venecia at Mrs. Arroyo ang ka-tiket ni Sinta noong 1998 habang si Edong ang running mate ni Erapsky. Ang pagpasok ni Loren Sinta sa Lakas ticket ang rason kung bakit naudlot ang pagtakbo ni Finance Sec. Gary Teves (ex-Negros Congressman) dahil mas pinili ni Tabako si Sinta at nanalo naman ang lady solon dahil sa kasikatan nito!


Simula 1998 hanggang 2004, naging tapat si Sinta sa Lakas-NUCD party sa loob ng anim na taon, patunay ang pag-“Crying Lady” at pag-walk out sa impeachment trial ni Erap, as in, subalit nagbago ang lahat nang ambisyuning tumakbong Vice President noong 2004, aba’y ‘nilunok’ ng lady solon ang lahat ng pride at kulang na lamang ibalik ang luhang dumaloy sa magkabilang mata.

At nangyari ang dapat asahan, ito’y tinanggap at pinatawad ni Erapsky kaya’t natuloy ang tambalang ‘Da King and I’, sa pamamagitan ni Edong Angara. Ang resulta: Walang selection process at na-etsapuwera si Sen. Ping Lacson (LDP), as in ginamit ni Edong ang kapangyarihan para ibigay ang suporta kay Fernando Poe Jr., kahit outsider.

Maging ang ‘Villar-Legarda tandem’, ito’y hindi nakakagulat dahil parehong ‘ex-members’ ng Lakas-NUCD noong 1998 at nagkasama sina Legarda at Villar (guest candidate) sa GO senatorial ticket noong 2007. Take note: magka-tropa sa majority bloc sina Villar (pro-tempore), at Legarda (majority leader) nakaraang 12th Congress, simula 2001 hanggang 2004. Balikan ang background ni Villar, ito’y palaging kaalyado ng Malacañang, simula kay Ramos hanggang pumasok si Gloria, katulad din ni Angara.

Kung ‘namana’ ni Villar ang Nacionalista Party (NP) at nabili ang ancestral house ni ex-Vice President Doy Laurel sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong Pebrero 2004 kahit walang blood line, hindi malayong masusungkit si Loren bilang running mate hangga’t nasa tabi si Edong. Kahit i-flashback ang nakaraan, mabibilang ang panahong nasa oposisyon si Loren. Kung sino ang ‘nagmamay-ari ng puso’ ni Sinta, ito’y magkakaalaman sa birthday (October 24) ng kanyang ina! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, October 19, 2009

october 19 2009 abante tonite

Lady solon nagpatintero sa interbyu
(Rey Marfil)

Kung nagkataong nasa hurisdiksyon ng bayaning isinusuka ng mga sidewalk vendor na si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Ba yani Fernando ang session hall ng Kongreso, sangkatutak ang violations ng isang lady solon.

Ang rason, nakipag-patintero sa mga reporter ang matapobreng lady solon dahil sa hangaring mainterbyu tungkol sa iniimbestigahang eskandalo ng Kongreso, animo’y napakahalaga ng kanyang sasabihin o sound bite sa telebisyon.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano pagtawanan ng mga reporter ang lady solon, katulad ang alegasyong makakasuhan ng jaywalking dahil kung anu-anong gimik ang ginawa sa session hall para lamang mapansin ng mga mediamen ito.

Kahit iniiwasan ng mga reporter at itinuturing lamang na ‘hanging dumaan’ ang lady solon, halos harangan ng mambabatas ang lahat ng puwedeng daanan para mapansin at mai-interbyu ito.

Pagkatapos ng public hearing, animo’y nakikipag-patintero palabas ng committee room ang matapobreng lady solon, kalakip ang hangaring mapansin at mapuwersang makunan ng sound bite tungkol sa iniimbestiga hang eskandalo.

Maliban dito, pa-simple pang lumalapit ang lady solon sa nag-uumpukang reporter, animo’y nakikiramdam kung hihingan ng sound bite lalo pa’t mismong mambabatas ang principal author ng iniimbestiga hang eskandalo.

Kung susuriin ang sitwasyon ng lady solon, nakakaawang tingnan dahil habang pinagkakaguluhan ng mediamen ang mga kasama hang mambabatas at halos magkaubusan ng battery ang mga camera at tape recorder sa interbyu, isang malaking miron lamang ang papel ng kumag sa ‘di kalayuan, kasama ang mga staff.

Ang nakakatawa lamang ay umuwing luhaan ang ambisyosang lady solon dahil kahit isang reporter, hindi nagtangkang lumapit at kausapin ito, as in dinidedma lamang sa isang tabi ang kumag kahit panay ang pagpapa-cute o pagpaparamdam ng mga tauhan na puwedeng ma-interbyu ang kanilang MAM.

Clue: Hindi na nga makaangat sa re-election bid survey, nag-aambisyon pang makasungkit ng mas mataas na posisyon ang matapobreng lady solon. Kung senadora o Congresswoman, ito’y meron letrang M, as in Matapobre dahil ‘patay-gutom’ ang turing sa media na nagko-cover sa kinabibilangang chamber. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, October 17, 2009

october 17 2009 abante tonite

Session nilubog sa tubig-laway ng solon
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang mahirap ituwid ang matandang sanga, sadyang walang kupas sa kadaldalan ang isang miyembro ng Kongreso dahil muntikan pang abutan ng panibagong kalamidad bago naaprubahan ang P12 bil yong calamity fund at nalubog sa ‘tubig-laway’ ang session hall.

Bago naaprubahan ang P12 bilyong supplemental budget ipinagkaloob ng Kongreso bilang bahagi ng rekonstruksyon at reha bilitasyon sa mga imprastrakturang winasak ng magka-tropang Pepeng at Ondoy, gumawa ng eksena sa session hall ang daldalerong solon.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nang-agaw eksena ang daldalerong solon habang tinatalakay sa floor ang P12 bilyong supplemental budget o calamity fund, katulad ang pag-astang ‘Boy Bida’.

Dahil kapakanan ng mga tinamaan o sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng ang P12 bilyong calamity fund ipinagkaloob ng Kongreso, halos walang kumontra sa proposed measureas, simula sa first reading hanggang 2nd reading.

Maging ang ilang ambisyosong pulitikong nagdadalawang isip sumuporta sa proposed measures dahil maaring gamitin ng presidential bet ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamumulitika ang P12 bilyong calamity fund, ito’y nagbago ng isip, as in hindi nagawa pang mag-ingay sa floor dahil kapakanan at interes ng mga biktima ng kalamidad ang nasa isipan ng mga ito.

Sa simula, hindi nag-ingay ang daldalerong solon, as in tahimik sa kanyang upuan nang isalang sa 1st reading at 2nd reading subalit ikinagulat ng mga ka-tropang mambabatas, sampu ng naglipanang kurimaw sa session hall nang biglaang tumayo ang una, sabay astang-Boy Bida.

Halos kahalating oras nagdaldal ang solon sa floor at kung anu-anong pagbubuhat ng bangko ang ipinangangalandakan, kabilang ang pagkukumpara sa kanyang sarili, partikular ang mga achievement at performance nito.

Sa haba ng paghu-homilya, naging biruan ng mga kasamahang solon, maging mediamen nagko-cover sa Kongreso na posibleng abutin ng panibagong kalamidad o maabutan ng dalawa pang bagyo, hindi pa rin ma-aaprubahan ang P12 bilyong calamity fund.

Maliban dito, naging biruan din ang senaryong ma-doble o pumalo sa P24 bilyon dahil maaring bahain ang session hall, hindi sa tubig-baha mula sa iba’t ibang dam o kaya’y putik kundi sa dami ng laway pinakakawalan nito.

Clue: Nag-aambisyong makarating sa palasyo ng daldalerong solon subalit napakalayo sa katotohanan, patunay ang mahinang rating sa survey. Kung senador o gabinete, ito’y mas kilalang “Mulaway”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, October 16, 2009

october 16 2009 abante

Presidentiable, ‘di marunong manligaw

Kung anong husay manligaw sa babae ng isang presidentiable, kabaliktaran ito sa pulitika dahil idinadaan niya ito sa pambabraso sa ilang local officials upang mapuwersang manumpa sa kanyang partido.


Hindi maiwasang mapakunot ng noo ni Mang Teban matapos madiskubreng pinupuwersa ng presidentiable ang mga kawawang local officials para manumpa sa kanyang partido, sa pamamagitan ng pang-iipit sa mga benepisyong hinihingi ng mga ito.


Maraming local officials ang nagrereklamo sa panggigipit ng presidentiable kaya hindi rin ikinagulat ng mga miron kung nalalagasan ng puwersa o nilalayasan ito ng miyembro lalo pa’t dismayado ang karamihan sa mga ka-partido.


Isa sa ikinakadismaya ng mga kapartido, hindi marunong ‘manligaw’ ang presidentiable para dumami ang kanilang ka-tropa bagkus idinadaan sa pagpapa-cute at inaasa sa mga ‘kapamilya’ nito.


Ang feeling ng pre sidentiable, hindi kailangan pang kausapin ang mga local officials at pinapalabas pang ‘utang na loob’ ng mga ito ang sumapi sa kanyang partido at itulak bilang maging standard bearer dahil siya lamang ang tagapagligtas ng Pilipinas.


Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang
presidentiable, ito’y malupit sa mga bebot at pawang personalidad sa TV ang nakakarelasyon.

Thursday, October 15, 2009

october 15 2009 abante tonite

Tatak-Mike D!
Rey Marfil


Sa delubyong dala nina Ondoy at Pepeng, maraming bayaning hindi nabigyan ng espasyo sa peryodiko, walang media coverage at advisory, katulad sa naging raket ng mga pulitiko at ilang presidential wannabe.

Ngayong lubog sa tubig-baha ang mga taga-Central at Northern Luzon, maging ilan pang bahagi sa Metro Manila, ‘hindi kailangan ng mga residente ang isang bida kundi salbabida’ - isang makakapitan para makabangon sa krisis at trauma.

Sa dami ng nagpapaka-hero sa telebisyon at namumudmod ng donasyon, naisip kaya ng mga botante kung anong kapalit sa mga nagpi-feeling martir at concerned citizen sa harap ng mga taong nagsisisikan sa evacuation center?

Ang tunay na hero, hindi ipinangangalandakan ang pagsasakripisyo, katulad ni ex-Sec Mike Defensor, aba’y kamuntikan naging ‘The Late Mike Defensor’ dahil isinubo ang buhay para iligtas ang ilang residente sa Quezon City - ito’y inanod ng baha sa kasagsagan ng bagyong Ondoy noong Oktubre 26.

Lingid sa kaalaman ng publiko, maraming buhay ang naisalba ni Little Mike, hindi nga lang nai-report. At kung hindi nagkakamali ang Spy, humigit-kumulang 50-katao ang nasagip ng grupo ni Mike pero walang press release.

Ikumpara si Mike sa pagpapa-hero sa relief operations ng mga pulitiko, malinaw ang media mileage para paboran ang kandidatura ng mga ‘ka-family’, animo’y aral sa kantang ‘Mang Jose’ ng Parokya ni Edgar - ang Super Hero na kailangan pang arkilahin. Kahit itanong n’yo kay Kris!

Sa nagdaang panahon, marami ang masasamang naisulat laban kay Mike, ito’y sawsaw sa tuwing mapa-trouble si Mrs. Arroyo. Pero balikan ang sinabitan ni Mike, simula ng maupong Congressman noong 1995- kung hindi tinulungan ang mga kababaihang minor de edad na-aresto sa Padi’s Point, ito’y hindi nalagay sa balag ng alanganin.

Pagkatapos ng ‘dyokards controversy’, nasundan nang pag-rescue kay Udong Mahu sa y - ang Senate witness sa Jose Pidal scandal. Sa kaalaman ng publiko, staff ni Mike ang isa sa ‘Mahusay brothers’ at humingi ng tulong kaya’t muling nagpaka-bayani.

At katulad ng ‘dyokards scandal’ sa Padi’s Point, hindi inisip ni Mike ang epekto ng pagsawsaw sa eskandalo kaya’t natalong senador ito!

Pinakahuli ang pag-rescue kay Jun Lozada - ang Senate witness sa $230 milyong broadband controversy. Sa humigit-kumulang 15-taon, hindi nagbabago ang karakter ni Mike, ito’y sadyang matulungin kaya’t hindi ikinagulat ng mga kurimaw kung inabutan ng P50 libong ‘pamalengke’ ang isang kaibigang nangangailangan ng weekly budget.

Sa karakter ni Mike, hindi bago ang pag-rescue sa mga inaanod ng baha kahit pa matinding kahihiyan ang abutin o buhay ang maging kapalit - ito’y paulit-ulit na gagawin at hindi pagsisihan.

Isang tunay na kaibigan at handang magpaka-lunod ni Mike, hindi katulad ng mga dating ka-tropa sa Liberal Party (LP), aba’y unang tumatalon sa bangka ni GMA gayong puwede pang pasakan ng Elastoseal at ngayo’y umaastang taga-pagligtas ng RP.

Kung papipiliin ang Spy, mas gugustuhin nito ang taong tapat sa amo keysa traidor at balimbing. Iyan ang ‘tatak-Mike’!
***
Panawagan: Sinumang kliyenteng nakakilala kay Atty. Edgar Navales - ipagbigay-alam kay Prof. Edelita Reyes ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Hanggang ngayon, hindi mahagilap si Navales at hindi nakikipag-coordinate sa estado ng inihaing petisyon tungkol sa maling ‘entry’ ng Transfer of Certificate of Title (No. N-180860) na pag-aari ng kanyang kapatid - si Daisy Suministrado sa San Francisco del Monte, Quezon City.

Pagkatapos tumanggap ng P17,000 attorney’s fee, naglahong parang bula si Attorney. Maliit na halaga subalit responsibilidad ni Navales bilang abogado na ipaalam ang status ng kaso. Puwedeng ipagbigay-alam o tumwag sa 454-8356 kay Professor Reyes. Sana’y hindi umabot sa disbarment charges sa Integrated Bar of the Philippines (IBP). Take note: Piso lang naman ang text at may libreng tawag sa PLDT!(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, October 14, 2009

october 14 2009 abante tonite

Presidentiable, ibinenta ng P1B ang sarili
(Rey Marfil)

Sa pulitika, mabibilang sa daliri ang naniniwala sa prinsipyo kaysa pera, patunay ang pagiging obsessed ng isang presidential aspirant sa multi-milyon pisong campaign fund, kapalit ang suporta sa kauring kandidato.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, palihim na ibinebenta ng isang presidential aspirant ang sarili sa ibang presidentiables, kapalit ang multi-milyon pisong campaign fund kahit magmukha pang katawa-tawa at kasuklam-suklam ang pagkatao nito.

Habang nakatengga ang deklarasyon ng ilang presidentiables, sikretong nakikipagtransaksyon ang isang presidential aspirant sa kauring kandidato at isa sa option ang tumalon ng ibang kampo.

Pangunahing misyon ngayon ng presidential aspirant ang kumita ng milyones sa 2010 national election, as in ibebenta ang sarili sa ibang aspirante at iwanan ang ‘napupusuang presidentiable’, kapalit ang multi-milyon pisong halagang inaalok ng kabilang kampo.

Ang matinding revelation sa lahat, gumamit ng ibang tao ang presidential aspirant sa pakikipag-usap sa kampo ng kauring presidentiable, sa pamamagitan ng isang mayamang negosyanteng sanggang-dikit ng isa pang pulitiko.

Ang mayamang negosyanteng kinakasangkapan ng isang presidential aspirant bilang lobbyist at ‘negosyador’ sa kampo ng kalabang presidentiable, ito’y kaibigang matalik ng pulitikong nakarelasyon ng presidential aspirant at nagmamay-ari ng isang ‘steak house’ sa Metro Manila.

Hindi lamang milyones ang hinihinging kapalit ng presidential aspirant sa gagawing pagtalon sa ibang bakuran dahil bilyon ang inila-lobby ng ipinadalang negosyador, as in tumataginting na P1 bilyon, kapalit ang pagiging running mate nito.

Clue: Meron letrang “M” ang negosyanteng negosyador habang “A” ang initial ng nakarelasyong pulitiko. Kung sino ang presidential aspirant, ito’y madaling matukoy lalo pa’t pababa sa survey. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, October 13, 2009

october 13 2009 abante tonite

‘Di nakakatawa si Yoyong!
Rey Marfil


Kontrobersyal ang unread messages sa facebook account ni Jorge Cariño - reporter ng ABS-CBN na naglabas ng vi deo footage sa pag-agaw diumano ni Pasig Vice Mayor Yo yong Martires sa rubber boat habang sakay ang ilang senior citizen’s dahil gagamiting pang-rescue sa kanyang pamilya na-stranded din noong Oktubre 26.

Ang tanong ng mga kurimaw: Anong aksyon ang gagawin ng ABS-CBN, maging National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP), Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG), aba’y puno ng masasamang salita ang facebook account ni Jorge!

Nakaraang Oktubre 9, natanggap ng Spy ang kabuuan ng unread messages sa facebook account ni Jorge at nadiskubre lamang ng kanyang misis. Sa ipinadalang email ni Daisy (misis ni Jorge), ganito ang mensahe :

‘Kapatid pina-email eto ni Jorge sa iyo para kung meron mangyari man sa kanya or sa amin, alam n’yo kung sino ang mga puwedeng hanapin. Nabasa ko ‘to sa facebook n’ya kanina lang. Nasa unread inbox message ang mga ito kasi nasa Cagayan province pa si Jorge kaya ‘di n’ya pa nababasa. Pero itinawag ko na ito sa kanya. Pina-forward n’ya na sa office, kina Brian Yamsuan (DILG Assistant Secretary).”

Narito ang kabuuan ng unread messages sa facebook account ni Jorge. Kayo ang tumimbang lalo pa’t nauuso ngayon ang media killings!

Message No.1: Dice Lumauig Martires; October 3 at 11:33pm Report:
Bobo mo! Tang...na wag ka magpauso ng report kung wala ka ma-report! Wag ka gumawa ng pangalan sa maling paraan! Wag mo sanang maranasan mga nangyari sa amin pagdating ng araw. Sana nakita mo ‘yung kapatid ko na babae na bumaba para makasakay ‘yung senior citizen na sinasabi mo. Mararanasan din ‘yan ng mga anak mo! Kup..l ka! Mga apo lang kasama hindi pamilya! Tang... ka! Sinisira mo pangalan namin pati dignidad ng Vice Mayor ng Pasig! You should have done more research bago ka magreport.

Message No. 2: Von Tan Gana; October 2 at 12:04am Report:
Tang... mo Jorge Carino ng TV Patrol ABS-CBN. Kung wala kang mai-balita huwag kang mag-imbento ng storya at ikalalaos mo iyan. Practice responsible journalism. Hayop ka, sana makarating sa iyo itong message na ito! Hindi kita titigilan! Mag-aral ka mabuti. Kung paano mag-report ha? Hindi padalos-dalos. Kung may problema ka tawagan mo ko 09178842335. Sa aking mga kaibigan, ikalat nyo itong mensahe ko.

Message No. 3: Mandel Martires http://www.facebook.com/taga.ilog:
JORGE CARINO of ABS CBN FALSE field report SEPT 28 2009: 1. Vice Mayor of Pasig PRIORITIZED the RESCUE of his family; 2. Vice Mayor of Pasig asked SENIOR CITIZENS to STEP OUT OF RUBBER BOATS to giveway to his family. FACT AND WHAT REALLY HAPPENED: 1. Family of Vice was stranded 3 days 2 nights while Vice was stranded in Bgy. Sta. Lucia; 2. Vice Mayor got home Monday morning to check house AS A FATHER would do, but left right away to visit other affected areas, while his family got left behind to clean the house; 3. Vice only picked up grandchildren ages 6, 5 & 2 years old AND NEVER asked the senior citizens to get out of the boat, you ass....!!!
***
Sa kaalaman ng publiko, hindi kamag-anak ni Jorge si ex-Pasig Congressman Toti Carino na isang araw lang naupo, ito’y ka-apelyido lamang. Ni sa panaginip, ayokong isiping may kinalaman ang kampo ni Martires lalo pa’t napakadaling gumawa ng facebook account at magpakilalang kapamilya ng vice mayor.

Higit sa lahat, wala sa mukha ni Yoyong ang manakot lalo pa’t pagpapa-kenkoy at pag-dribble ang puhunan kaya’t umangat ang political career, maliban kung nagbago ng diskarte ito? Kung genuine ang mensaheng nasa facebook ni Jorge, aba’y mag-isip ang ABS-CBN at hindi magandang joke ng mga kapamilya ni Yoyong ito! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, October 12, 2009

october 12 2009 abante tonite

Lady solon nabosohan sa hearing
(Rey Marfil)

Kung meron pinakamasaya sa public hearing na ipinatawag ng isang miyembro ng Kongreso, hindi ang lady solon na nakakuha ng libreng media mileage at exposure kundi ang mga kalalakihang mediamen na nagko-cover dito.

Ang rason, labas-panty ang lady solon sa kabuuan ng public hearing at kahit mumurahing juice at kakapiranggot ang sandwich na ipina-merienda ng committee staff sa lahat ng mga resource person at nag-cover sa event, nabusog ang mata ng mga miron.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nabosohan ng karamihan sa mga kala­lakihang mediamen, maging kababaihang reporter ang ‘paglabas-panty’ ng lady solon sa public hearing.

Bagama’t hindi nabosohan ng malapitan ng mga inimbitahang resource person ang lady solon, halos buong public hearing nakalitaw ang panty ng mambabatas dahil bukas ang zipper ng pantalon nito.

Sa sobrang init ng isyu at diskusyon sa public hearing, mistulang nagpalamig ang lady solon dahil bumuka ang zipper ng kanyang pantalon at lingid sa kaalamang nabobosohan ito.

Makaraan ang public hearing, kaagad nakiusap ang media relation officer (MRO) ng lady solon kung puwedeng ma-ambush interview ang kanyang amo at mabilis din pinagbigyan ng mga reporter ang special request nito.

Sa kasagsagan ng ambush interview, nadiskubre ng mga reporter ang nakasungaw na underwear ng lady solon at inakala pang girdle ang nakabalot sa bahaging pang-ibaba ng mambabatas, sa pangunguna ng mga cameramen.

Taliwas sa pag-aakalang girdle, malinaw ang mga mata ng mga kalalakihang mediamen at nagawa pang pagpustahan ang underwear ng lady solon, katulad ang biruan kung anong tatak o brand nito.

Kulay pink ang kasuotang panty ng lady solon at halos kita ang kabuuan ng itinatagong kayamanan sa ibaba kundi makapal ang tela ng kanyang underwear na dapat ipagpasa lamat nito.

Kung meron pang ipinagpasalamat ng lady solon, ito’y malayo sa mga resource person kaya’t hindi makikita ang kulay ng kanyang underwear.

Clue: Ito’y meron pang ‘asim’ kaya’t nakakabingwit ng mga ‘forgets’ ang age. Kung senador o congresswoman ang lady solon. Iyan ang malaking secret. (mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, October 10, 2009

october 10 2009 abante tonite

2 pulitiko nagpalitrato lang sa relief operations
(Rey Marfil)

Sa halip makakuha ng ‘pogi points’, matinding pagkadismaya at pagkainis ang natikman ng dalawang ambisyosong pulitiko sa kamay ng libu-libong biktima ng bagyong Ondoy matapos mauwi sa photo ops ang relief operations ng mga ito.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nairita ang mga residenteng biktima ng pagbaha sa Metro Manila dahil nagpakuha lamang ng litrato at video footage ang dalawang pulitikong tatakbo sa 2010 national election habang namumudmod ng relief goods.

Dahil kapit sa patalim ang mga biktima ng bagyong Ondoy, walang ibang choice kundi pumila para makakuha ng konting donasyon, mapa-concerned citizens o pulitiko ang namumodmod ng relief goods sa mga evacuation centers.

Ang matinding revelation lahat, humingi pa ng media coverage, as in naglabas ng media advisory ang dalawang pulitiko para ipangalandakan ang pamamahagi ng relief goods kaya’t ‘to the rescue’ ang isa sa giant network na tumataya sa kandidatura ng dalawang mokong.

Katulad ng inaasahan, halos maglulundag sa tuwa ang mga residente ng isang lungsod sa Metro Manila nang mabalitaang namumudmod ng relief goods ang dala wang pulitiko dahil maiibsan ang matinding pagkagutom ng mga ito.

Mas tumindi ang kagalakan ng mga residente nang makitang dalawang malalaking truck ang binitbit ng dalawang ambisyosong pulitiko dahil walang uuwing luhaan at mabibiyaan ng grasya ang lahat ng mga pumila sa relief goods.

Tanging nakakalungkot, kaagad umeskapo ang mag-partner matapos makunan ng litrato at video footage, makalipas ang ilang minutong pananatili sa evacuation center, as in iniwanan sa ere ang mga lehitimong nagkakawanggawa, sampu ng mga nakapila sa relief goods.

Hindi man lamang tumagal sa pamumudmod ng relief goods ang dalawang pulitiko dahil pagkatapos makapag-abot ng humigit-kumulang dalawampung plastic bag ng relief goods kaagad tumalilis ang dalawang kumag, sakay ng magarang sasakyan.

Clue: Madaling makilala ang dalawa dahil napaka-visible sa television. Kung gabinete o senador, ipagtanong sa mga haciendero at heredero. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, October 9, 2009

Senador, inggit sa TV coverage

Sa halip magtrabaho ng tahimik, matinding pagkainggit ang naramdaman ng isang miyembro ng Upper House sa ‘special’ na trato ng isang media organization sa pinapa­borang presidentiable nito.


Bagama’t may punto ang mestisuhing senador lalo pa’t napupulitika ang relief operation at ginagamit sa media mileage ng ilang presidentiable, hindi maiwasang ma-bad trip ni Mang Teban dahil sukdulan hanggang langit ang pagkainggit ng mambabatas.


Sa harap ng mga reporter, harapang sinermunan ng mestisuhing senador ang mga mediamen, kabilang ang alegasyong ‘hindi patas’ sa coverage at kahit kakapiranggot lamang ang ipinamudmod ng ilang presidentiables, ito’y nasa TV na at headline pa sa peryodiko.


Sa kabila ng pagmamarakulyo ng mestisuhing senador, walang napala ang mambabatas dahil hindi naman hawak ng mga reporter ang istasyon lalo pa’t sumusunod lamang sa mga big boss, as in, nag-aksaya ng laway sa kasisermon ang solon.


Pintahan n’yo na: Kapatid ng isang kapamilya ang kinaiinggitang presidentiable habang nakakalbo ang mestisuhing senador at nagbaba­lak sa mas mataas na posisyon.

Thursday, October 8, 2009

oct 8 2009 abante tonite

Labanan ng yellow!
Rey Marfil


Walang pinag-iba sa ba hang taglay ni Ondoy ang rumaragasang text brigade laban sa ABS-CBN at kampo ni Noynoy Aquino, pinaka-latest ang alegasyong “Political campaign ba ang relief operations? Bakit ibinalot sa dilaw na bag ang relief goods at pinipilit ang Kapamilya na magsuot ng dilaw na T-shirt kapag namimigay ng donasyon? ‘Pag naka-dilaw ka, bibigyan ka ni Kris ng 2 grocery bags. Mula news hanggang donation, bukong-buko na tumataya na ang ABS-CBN kay Noynoy”.

Sabagay, white T-shirt ang original color ng ‘Sagip Kapamilya’ at naka-sulat sa asul ang bawat letra, bakit nga naman biglaang naka-yellow T-shirt ang namudmod ng relief goods at pati plastic bag, ito’y kakulay ng campaign co lor ni Noynoy? Hindi kay a buma ngon si Ninoy at Tita Cory sa pi nagagawa ng Channel 2?

In fairness sa grupong nasa likod ng text brigade, sinuman sa kampo nina Manny Villar, Gilbert Teodoro, Dick Gordon, Jamby Madrigal, Bayani Fernando, Chiz Escudero, Loren Legarda, at Erap Estrada, napaka-accurate ng mensaheng pinakakawalan, aba’y ilang araw nang dumidepensa ang Kapamilya network, katulad ni Tina Monzon-Palma, maging si Kris Aquino, ito’y napikon sa The Buzz at laman ng showbiz column ang pagka-irita.

Ibig sabihin, lumalatay sa kaloob-looban ng kanilang kalamnan ang bawat katagang ‘nakapalaman’ sa text brigade. Kung hindi apektado ang Dos, bakit kailangan pang magpa-interbyu, simula sign on hanggang sign off ang mga big boss?

Maganda ang hangarin ng ABS-CBN, gamit ang programang ‘Sagip Kapamilya’ subalit habang maaga, mas makakabuting tigilan ang pamumulitika, katulad ng mensaheng nakapaloob sa text brigade, aba’y ‘plakado’ ang pagtaya kay Noynoy, mali ban kung hindi pa rin nadala noong Edsa 3, hindi ba’t sinunog at tinaob ang OB-van sa galit ng pro-Erap?

Maging sa pagtakbo ni Fernando Poe Jr., noong 2004 hindi ba’t nasampolan ni Susan Roces ang mga reporter ng Channel 2 dahil ‘all out’ ang pagtaya kay Mrs. Arroyo sa ngalan ni Vice President Noli De Castro? Dapat pagnilayan ng ABS-CBN ang campaign slogan ni senator Ping Lacson “Patas na laban, Para sa lahat”, maliban kung GMA-7 lamang ang may puso?
***
Napag-usapan ang pulitika, bago pa man nanalasa si Ondoy, ilang linggo ng nagpaalam si Cong. TG Guin gona III kay Villar, ito’y inabutan lamang ng baha kaya’t na-delayed ang balita. Ang nakakatawa, sa lapad ng katawan ni TG, ito’y naiipit sa gitna dahil Chiz ang puso ng kongresista subalit Noynoy ang dikta ng ama -- si ex-Vice President Teofisto Guingona.

Kaya’t hindi nakakapagtaka kung nagpa-reserve ng silya sa Liberal Party ang batang Guingona dahil mahirap nga naman ‘mapandilatan’ ng ama. Ang kawawang Villar, wala na ngang makuhang Vice Presidential candidate, ito’y iniwanan pa ng mga senatorial bets at siguradong itikan ang bagsak ngayon pang lagapak sa presidential survey. Sa survey sa Davao -- sina Noynoy at Chiz lamang ang pinag-uusapan. Halos milya-milya ang agwat ng dalawang senador kina Estrada, Villar at Teodoro.

Mismong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nagpa-survey, ito’y may petsang September 28 hanggang October 3. Sa kabuuang siyam na libong respondents, nakakuha si Noynoy ng 34% at dumikit si Chiz, hawak ang 26% habang si Erap, ito’y 17%, kasunod sina Villar (8%) at Gibo (5%).

Sa simpleng paliwanag, tanging 8% ang agwat ni Noynoy kay Chiz, ito’y madaling ma-overtake lalo pa’t hindi deklaradong presidential wannabe. Take note: pumalo ng 56% ang popularity ni Noynoy sa panahong nagluluksa ang sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni Tita Cory at meron pang walong buwan bago sumapit ang May 10.

Kaya’t abangan ang susunod na kabanata pagkatapos ng 40th birthday ni Chiz sa October 10 at siguradong mauuwi sa labanan ng ‘yellow’ ang 2010. Ang tanong ng mga kurimaw: Sino nga ba ang tunay na ‘yellow’-- ang Haciendero o Keso? (mgakurimaw.blogspot.com