Friday, February 6, 2009

feb 6 2009 abante

Senador sindami ng laway ang releases

Kung ano’ng dami ng laway ang sinasayang at pinapaulan sa public hearing, maging sa loob ng session hall, ganito rin kadami ang press releases na inilabas ng isang miyembro ng Upper House kada araw.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban tuwing mapag-uusapan ang daldalerong senador dahil halos malunod sa press releases ang Senate reporters, sampu ng mga ‘haosiao’ na napapadaan sa Media Center.


Kapag nasa public hearing ang daldalerong senador, wala nang maka­singit sa pagtatanong, as in, inari na ang buong pagdinig, maging chairman ng komiteng nagpapa-imbestiga ay inaagawan ng papel.


Kahit sariling public hearing, wala ring katapusan kung magpaulan ng laway ang daldalerong senador at halos nagkaka-flash flood sa dami ng saliva na nagtatalsikan sa committee room.


Ang tanging ikinakasuka ng mga miron, wala ring kasawa-sawa ang daldalerong senador kahit paulit-ulit binaba­terya ng mga kasama­hang solon at harap-harapang pinapa­tutsadahan ng mga reporter sa sobrang aksaya ng laway, maging ang kawalang kuwenta ng press releases nito.


Pintahan n’yo na: Nangangarap pang mag-Presidente ang daldalerong senador ga­-yong kakapiranggot ang popularity rating. Ito’y napaka-ingay at ayaw madikit sa dating amo gayong nanalo sa tiket nito.

No comments: