Kung hindi nga lamang kakailanganin ang suporta sa local elections, kamuntikang dinagukan ng dalawang local politicians ang isang binabangungot na presidentiable matapos silang takutin nito kapag hindi sinamahan sa pangangampanya. Sa halip kaawaan ang presidentiable, halos maglulupasay sa katatawa ang TONITE Spy matapos madiskubreng pinagtatakot ng presidentiable ang dalawang local politicians na hindi bibigyan ng basbas sa 2010 election kapag hindi sumama sa pangangampanya nito. Lalo pang lumutang ang kakaibang pag-uugali ng presidentiable, katulad ang pagkakaroon ng sapi sa ulo dahil pini-puwersa at pinagtatatako ang mga kaalayadong pulitiko sa local level na samahan ang kanyang maagang pag-iikot, kapalit ang suporta. Kilalang ‘political kingpin’ ang presidentiable sa kanyang teritoryo at mahirap manalo ang sinumang kokontra sa partido ng kumag, as in walang pag-asang manalo kung sa kabilang bakuran tatakbo ang mga ito. Dahil malalim ang koneksyon ng presidentiable sa mga constituents at kayang diktahan ang mga botante lalo pa’t naging maayos naman ang pamamalakad ng kumag sa kanyang termino, takot ang bumabalot sa 2 local politicians kapag hindi sumunod sa kagustuhan nito. Ang matinding revelation sa lahat, kinukuha pang campaign manager ng presidentiable ang 2 local politicians bilang preparasyon sa pagtakbong Presidente sa 2010 national election kahit ga-hibla ang tsansang lumusot ng mokong at napakalayo sa katotohanan kung papasok sa top 5 ito. Bagama’t labag sa kalooban, hindi direktang makapalag ang 2 local politicians dahil posibleng magkasamaan ng loob at tanggalan ng suporta sa 2010 election, as in ibang manok ang patatakbuhin at tatapatan ng kandidato ang mga ito. Dahil dito, madalas gumagawa na lamang palusot ang 2 local politicians kapag niyayakag ng presidentiable sa out of town trip, subalit hindi madalas makatakas at napupuwersang umangkas sa biyahe kahit binabato ng kamatis ang kumag. Clue: Parehong involved sa paglikha ng batas ang 2 local politicians habang consistent sa pangungulelat ang presidentiable sa alinmang survey. Ito’y isinusuka at isinusumpa ng mga nababambo sa kalsada. (www.mgakurimaw.kurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment