Kung meron pinakamanhid sa lahat, walang iba kundi ang ‘pagador’ ng isang presidentiable dahil patuloy na isinisiksik ang sarili sa kanyang amo kahit nirendahan ang tinatamasang kapangyarihan matapos mabisto ang pangongotong ng isang tauhan nito. Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, mala-cliff hanger ngayon ang kapangyarihan ng dating alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagsisilbing ‘pagador’, as in operator sa kampo ng isang presidentiable matapos magkabistuhan sa ‘tongpats issue’ ng inarkilang tauhan. Bago natapyasan ng kapangyarihan ni ex-Palace official bilang operator ng presidentiable, nabisto ang pangongotong nang kinuhang kanang kamay ng kumag at napuwersang mag-resign ang kapartner dala ng natikmang kahihiyan sa kanilang opisina. Ang masakit, mismong si ex-Palace official ang ‘naglaglag’, as in pinabayaan ang kapartner at hindi nagawang idepensa sa kanilang amo gayong lantad sa kanyang kaalaman ang ‘tongpats issue’, partikular ang pangungupit sa salaping inilaan sa special operations upang pabanguhin ang imahe ng presidentiable. Tanging ikinasusuka ng mga naglipanang kurimaw sa campaign headquarters ng presidentiable sa kanto ng EDSA Quezon City, patuloy na nagmamagaling si ex-Palace official at matinding pagpa-power trip ang ginagawa. Nang mabisto ang pangungupit ng inarkilang staff ni ex-Palace official, kaagad nirendahan sa paghawak ng pera ang kumag, as in dumadaan sa butas ng karayom at matinding diskusyon sa pagitan isa sa kapamilya ng kanyang amo ang hinihinging alokasyon. Maliban dito, inalis din sa hurisdiksyon ni ex-Palace official ang pagiging ‘pagador’ sa special operation kapag meron photo ops ang presidentiable subalit hindi pa rin nagre-resign sa kabila ng harap-harapang pagpaparamdam ng mga amo sa matinding pagka-bad trip dito. Clue: Nasentro ng eskandalo si ex-Palace official nang mag-opisina sa tabi ng presidential residence, maging sa pagbili ng luxury vehicles, at condominium, animo’y kabayaran sa pag-aktong hepe ng demolition team ng Malacañang. Kung Secretary o Undersecretary, ipagtanong kay Ferdie Maglalang na taga-bukas at taga-sara ng pintuan sa opisina ni senador Dick Gordon. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment