Bagama’t wala sa panahon ang pamumunga ng balimbing, kasing-lutong ng bagong lutong kornik ang matinding pagka-bad trip ng mga kapartido sa isang nangangarap maging kapalit ni Vice President Manuel ‘Kabayan Noli’ De Castro Jr. sa 2010 national election. Ang rason, mula campus ng University of the Philippines (UP) hanggang Pampanga area ang nararamdamang pagka-bad trip ng mga kapartido sa isang kasamahan na nangangarap maging Vice President, gayong saksakan ng balimbing ito. Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, hindi matanggap ng mga kapartido bilang Vice Presidentiable ang isang kasamahan dahil walang loyalty sa grupo, as in kinakasangkapan lamang ang kanilang organisasyon para masabing merong partidong sinasandalan ito. Sa mga official gatherings ng partido, halos sapilitan ang pagdalo ng vice presidentiable at hindi rin magawang isnabin ang pagtitipon dahil mapapasama ang imahe nito, as in puro kaplastikan ang pagpapakilalang katropa dahil kailangan ng media mileage ng mokong. Lingid sa kaalaman ng publiko, malalim ang sugat na nilikha ng vice presidentiable sa hanay ng mga kasamahan sa partido, subalit hindi magawang sipain dahil malalagay sa alanganin ang organisasyon at malaking kabawasan sa mata ng publiko kahit hindi kasali sa orihinal na bilang ito. Bagama’t hindi na itinuturing na katropa ang vice presidentiable, ito’y pinapakitaan pa rin ng magandang relasyon ng mga kasamahan dahil mapapasama ang kanilang partido at maaaring gamiting pakulo ng kumag ang pagkakasibak kapag tumakbo sa 2010 national election, lalo pa’t malabong mapiling running mate ito. Clue: Isa sa double personality ang vice presidentiable, hindi lamang sa kanyang misis at publiko, bagkus sa mga kapartido. Sa nagdaang eleksyon, gasgas ang pangalan ng isang kapamilya, as in gamit na gamit para manalo, lalo pa’t ‘no name’ ng pumasok sa pulitika ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment