Sunday, February 15, 2009

feb 14 2009 abante tonite

Bibig ng solon, nai-zipper ng Palasyo!
Rey Marfil

Kung anong tapang gumawa ng pagkilos laban sa gobyerno, napakalaking palamuti ngayon ang bagong papel ng isang mestisuhin at guwapitong miyembro ng Kongreso, patunay ang pagiging matatakutin sa Palasyo.
Sa dami ng eskandalong kinasasangkutan ng administrasyong Arroyo, kahit isang masamang kataga o letrang bumabatikos sa Palasyo, hindi magawang ilabas ng mestisuhing solon sa kanyang bunganga, dala ng matinding takot maresbakan ito.
Matapos maakusahang nakipag-secret deal sa MalacaƱang nang tumakbo noong 2007 elections, isang taon nang nasaksihan ng TONITE Spy kung paano naka-zipper ang bibig ng mestisuhing solon, as in nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan kahit labag sa kalooban ang ginagawang kabulastugan ng mga taga-Palasyo.
Kahit magpatawag ng public hearing, ito’y hindi magawa ng mestisuhing solon gayong samu’t-saring isyu ang nakapaloob sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Humahawak ng malalaking komite ang mestisuhing solon at napaka-powerful, kumpara sa mga kasamahang mambabatas dahil kaliwa’t kanan ang oversight committee, hindi kabilang ang membership sa makapangyarihang komisyon, subalit tikom ang bibig sa bawat eskandalo ng Arroyo government.
Bago nai-zipper ng MalacaƱang ang bibig ng mestisuhing solon, ito’y mahilig gumawa ng mga ‘illegal activities’ at kamuntikang madisgrasya ang political ambition kundi nagawang makipagkasundo o pumasok sa secret deal, kapalit ang pananahimik nito.
Halos hindi mabilang ang mga eskandalo at anomal­yang maaaring imbestigahan ng mestisuhing solon, lalo pa’t nasa hurisdiksyon ng komite ang mga isyu, subalit kahit isang public hearing, walang inisponsoran ang mambabatas at madalas pang iwasan ang media interview, kalakip ang pangambang masaktan ang Palasyo at maresbakan ito.
Clue: Mahilig mag-adventure ang mestisuhing solon kaya’t nagkakasabit-sabit ang political career. Ito’y sinalo lamang ng isa sa tinaguriang ‘political kingpin’ na kinikilalang ‘ama-amahan’ kung kaya’t nakabalik at naituwid ang maling landas. (www.mgakurimaw.blogspot.com

No comments: