Thursday, February 12, 2009

feb 12 2009 abante tonite

Done Deal o Danding?
Rey Marfil


Nakaraang weekend, laman ng text brigade ang ‘Done Deal issue’ sa pagitan ng mag-Ninang -- sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Senador Francis ‘Chiz’ Escudero III bilang ‘manok’ sa 2010 national elections, kapalit ang pag-absuwelto sa lahat ng eskandalo at katiwaliang kinasasangkutan ng First Family kapag naupong Pangulo ito. Nag-ugat ang lahat sa National Prayer Breakfast na parehong dinaluhan ng mag-Ninang sa Washington, D.C. Ang tanong lamang kay Super Dodong, as in Press Secretary Cerge Remonde, sino ang nabigyan ng invitation card sa White House at naging ‘gate crasher’ sa party ni US President Barrack Obama, na malamang, walang imbitasyon ang misis ni Jose Pidal?
Kung malapit kay Chiz ang kausap -- isang lehitimong lakad ang biyahe sa Estados Unidos at deklarado ang imbitasyon ng taga-White House sa senador. Ibig sabihin, ‘sumugal’ ang mga kaporal at sipsip kay Mrs. Arroyo, as in nagbabakasakaling maka-tsamba at makamayan si Obama kapag nakitang pakalat-kalat sa audience ito. Ang problema ni Super Dodong, malabong mapansin ang “Mahal na Pangulo”. At kahit tumayo ang kanyang amo sa harapan ng miron, isang maliit na nunal lamang sa hanay ng 3 libong pulitiko si Mrs. Arroyo. Ang ending: Umuwing luhaan ang ina ni Lion King, bitbit ang litrato ni US State Secretary Hi­lary Clinton bilang consolation prize sa napakamahal na biyahe nito.
Sa kabilang banda, isang source ang nagsabing may kinalaman sa World Bank (WB) report ang biyahe ni Escudero. Ang report: Sobrang ‘bad trip’ ng Amerika sa Ninang ni Escudero sa dami ng eskandalong kinasasangkutan ng administrasyon kaya’t itinaon sa National Prayer Breakfast ang biyahe para maisingit sa schedule ni Obama, as in coordinated sa Security Service ang pagtungo ng White House ng senador.
***
Napag-uusapan ang National Prayer, hindi lang malinaw kung ‘successful’ ang ‘secret meeting’ ni Escudero, alinman kay Obama o opis­yal ng World Bank (WB) na umano’y nangakong maglalabas ng iba pang katiwalian sa Arroyo admi­nistration hangga’t hindi tumitino at nirerendahan ang malawakang corruption, ma­liban kung ‘propaganda’ lamang ng kampo ni Escudero ang Obama at WB meeting upang matakpan ang ‘Done Deal issue’ sa pagitan ni Mrs. Arroyo, lalo pa’t malaking kasiraan bilang isa sa presidential candidate ng Nacionalist People’s Coalition (NPC) ang maakusahang nakikipag-secret meeting sa Arroyo government.
Kung hindi imbitado si Mrs. Arroyo at ‘pa-tsamba’ lamang ang lakad ng mga sipsip sa Palasyo nang i-divert ang biyahe patungong Estados Unidos, ni sa panaginip ayokong isiping natunugan ng MalacaƱang ang meeting ni Escudero at nainggit ang “Mahal na Pangulo” dahil mauunahan pang makamayan si Obama ng inaanak nito. Ika nga ng kanta ni Gary V, ‘Di na Natuto’ si Mrs. Arroyo, aba’y kahit pinagtaguan sa campaign trail at ‘out of reach’ ang cellular phone para batiin nang manalong US President, tinangka pa ring magpa-picture taking. Sabagay, mala-Dagul na sampal nga naman kay Madame Pre­sident kung mauuna­han ni Chiz.
Sa ngayon, kontodo-tanggi si Super Dodong sa ‘secret meeting’ nina Mrs. Arroyo at Chiz, lalo pa’t napakalayo ang 2010. Kung merong malinaw, hindi ang ‘Done Deal’ kundi ang solidong suporta ni Boss Danding, as in ex-Ambassador Eduardo Cojuangco kay Escudero. Kaya’t asahang luhaan si Ma’am Loren kapag naibaba ang final verdict ni Boss Danding, sampu ng NPC party mates bago mag-September. Well, abangan nyo na lang kung meron ngang naganap na ‘Done deal’ sa US, maging ang pagkanta ng ‘September Morn’ ni Ma’am Loren kapag na-itsapwera bilang standard bearer. Anyway, naka-standby ang LDP ni Kuya Ed, siguradong ipaghehele at kakantahan ng ‘Loren-Loren Sinta’ si Legarda. Iyon nga lang, ‘mababali ang sanga kaya’t pisak ang dalang papaya!’ (www.mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Reuschristianocreto said...

Iyakan moment na naman si loren.