Friday, February 13, 2009

feb 13 2009 abante

Senador, taga-kaway ang trabaho!

Bagama’t matagal nang nakalaya sa rehimeng Marcos ang Pilipinas, animo’y nabubuhay sa Martial Law ang isang miyembro ng Upper House matapos makaugalian ang tumakas sa session hall pagkatapos magpa-check ng attendance o mag-roll call.


Sa nagdaang ilang buwan, nagbago ng diskarte ang senador dahil nawala sa hulog ang kasipagan at tiyaga sa trabaho matapos makahiligan ang mag-cutting classes, as in magbulakbol pagkatapos magpa-check ng attendance sa floor.


Naging estilo ng senador ang sumilip sa tagiliran ng session hall pagkatapos ng national anthem at opening prayer kung saan idinadaan lamang sa pagkaway sa mga taga-Secretariat o Page para magpalistang present ito.


Ang resulta, ikinagugulat ng mga kasamahang senador kung bakit ‘always present’ ang record.


Nauuwi lamang sa ‘kawayan blues’ ang pagpapa-check ng attendance ng senador at mabilis na umieskapo kaya mas marami pang oras na ginugugol sa pag-iikot kesa magtrabaho sa Senado.


Pintahan n’yo na: Nangangarap makarating sa MalacaƱang ang senador at mahusay sa pagnenegosyo subalit sumemplang ng diskarte sa inisponsorang proyekto kaya nagkasabit-sabit nang masilip ito.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: