Wednesday, February 11, 2009

feb 11 2009 abante tonite

Presidentiable nagwaldas ng P80M
Rey Marfil

Sa hangaring maiangat ang popularidad at matapatan ang ilang nangungunang presidentiables, isang pulitikong nangangarap makarating ng MalacaƱang ang nagwaldas ng P80 milyon.
Bagama’t tinamaan ng matinding krisis ang buong mundo, walang epekto sa presidentiable ang paghihirap ng mamamayan dahil nagpa­kawala ito ng P80 milyon para lamang ibangon ang kanyang imahe at mapabilang sa ‘winning circle’ ito.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, multi-milyong piso ang ibinuhos ng presidentiable sa ‘pre-campaign ads’, kalakip ang ambisyong pumaimbulog ang popularity ratings at maungusan ang mga kalaban na nagba­bayad ng mil­yones sa mga radyo, telebisyon at diyaryo para gumanda ang standing sa presidential survey.
Ang nakakapanghinayang lamang sa pagpapakawala ng milyones ng presidentiable, tila hindi umuubra ang P80 milyong media blitz dahil walang epekto ang naglalabasang ‘pre-campaign materials’ sa media.
Sa nagdaang presidential survey, hindi makaalagwa ang popularity ratings ng presidentiable kahit napakaraming isyung sinasakyan kaya’t ibinuhos ngayong buwan ang lahat ng resources upang mapulsuhan ang publiko sa planong pagtakbong pangulo sa 2010 national election.
Bagama’t maraming salapi, katulad ng iba pang katunggaling kandidato sa mga survey, napaka-trying hard ng diskarte ng kanyang kampo at hindi ‘dumidikit’ sa publiko ang naglalabasang propaganda para iangat ang imahe nito.
Ngayong nalalapit ang paglabas ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia survey, ibinuhos ng presidentiable ang P80 milyong resources sa loob ng dalawang buwan dahil nagsimulang magpakalat ng tauhan ang dalawang survey firm upang pulsuhan ang publiko kung sino ang napupusuang Presidente sa 2010 national election.
Puntirya ng presidentiable na mapansin ng mga respondents ang kanyang pagmu­mukha at maisama ang pangalan sa nangu­ngunang kandidato kaya’t nagmistulang barya lamang ang P80 milyong winaldas kahit nakakaranas ng financial crisis ang sanlibutan.
Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng presidentiable su­balit walang appeal kahit anong pagmamatigas ang gawin sa publiko. (www.mgakurimaw.blogspot.com)