Tuesday, February 24, 2009

feb 24 2009 abante tonite

Masakit at masikip!
Rey Marfil


Kung anong luwag ng senatorial line-up sa bawat organisasyon, siyang sikip ng tsansang makalusot ng isang senatoriable, lalo pa’t napakaraming re-electionist senators sa 2010 -- sina Mar Roxas, Dick Gordon, Miriam Defensor-Santiago, Bong Revilla, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Jamby Madrigal at Senate President Johnny Enrile. Paano na lang ang anak nina graduating Senators Nene Pimentel at Pong Biazon, sina Atty. Koko Pimentel at Cong. Ruffy Biazon, maging ang nagbabalik-Senado, sina Frank Drilon, Serge OsmeƱa, Jun Magsaysay, NEDA chief Ralph Recto, at DDB chief Tito Sotto? Take note: Subok ang ‘star magic’ ng mga taga-showbiz at angat sa kahit anong labanan ang incumbent at merong name recall.
Never mind si Prospero Pichay na hindi malaman ng mga taga-merkado kung gulay o tao, ito’y malabong tumubo sa Senado ngayon pang nagkasabit-sabit sa World Bank (WB) report. Kaya’t ipanalangin ng mga senatoriables na totohanin ni Lolah Miriam ang pangakong ipapahinga ang political career, lalo pa’t always absent, as in naka-sick leave dala ng chronic fatigue syndrome (CFS). Kaya’t ‘magpapagod’ lang ang karamihan sa mga senatoriables kapag anim ang tatakbong Presidente. Ibig sabihin, 72 ang pagpipiliang senador ni Aling Matet, hindi pa kasama diyan ang mga katropa nina Jose Cayetano at Mel Chavez!
Luluwag lamang ang upuan sa Upper House kung tatakbong Presidente ang boypren ni Ate Koring. Iyon nga lang, numero unong segurista si Mr. Palengke at kasing-labo ng mga itinitindang pusit sa Farmers Market kung tatakbong Presidente kapag lumabas sa ‘winning circle’, ngayon pang mala-buntot pagi sa presidential survey. Sa kaso ng magkaibigang Bong at Jinggoy, mas ‘sure ball’ ang dalawa bilang re-electionist at maghintay sa 2016, maliban kung bahagi ng ‘grand plan’ ang pag-substitute ni Jinggoy kapag na-diskuwalipika ang amang si Erap sa presidential race?
***
Napag-uusapan ang presidential race, tila wala nang atrasan si Erapsky kung pagbabatayan ang out of town trip, maliban kung substitute dahil bagong opera si Jinggoy at bawal bumiyahe? Kundi nagkakamali ang Spy, limang (5) senatoriable ang bitbit ni Erapsky -- sina Joey de Venecia, Grace Poe, Jojo Binay, Adel Tamano, plus Jinggoy. Ang panalangin lamang ng mga kurimaw, sana naman tantanan ni Manong Ernie Maceda ang ambisyong makabalik sa Upper House, aba’y hindi na uso ang lumang mukha. Ika nga, dapat mapagbigay ang mga nakatatanda dahil nagiging tama sa mata ng bata ang ginagawa ng mga matatanda!
Ang masakit lamang kapag tumakbo si Erapsky, mauuwi sa karambola ang opposition bloc at binigyan ng tsansang manalo si Vice President Noli De Castro Jr., maliban kung ‘done deal’ ang pagiging running mate ni XP Manny Villar Jr., sa ilalim ng ‘Nacionalista.
Ang katotohanan, malabong umatras sina XP Manny Villar, Loren Legarda, Ping Lacson at Chiz Escudero, lalo pa’t ‘nothing to lose’ sa 2010, as in makakabalik sa Upper House kahit madisgrasya sa presidential race, hindi katulad ni Roxas, ito’y bakasyon-grande ng 3-years kapag natalo. Kung ‘two things’ si Villar, dalawang bagay din ang kakaharapin ng boypren ni Ate Koring kapag hindi umangat sa presidential survey -- ito’y maghanap ng standard bearer at tumakbong Vice President. Ang tanong: Sino ang susuportahang presidentialble ng Liberal Party at sino ang itatakbong Vice President kung walang tiwala sa mister ni Ate Shawie. Sabagay, mas tataya ang LP, alinman kina Kris at Noynoy Aquino kung ‘super noted’ ang loyalty ni Mr. Noted Francis Pangilinan kay Lolo Manny! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: