Wednesday, February 18, 2009

feb 18 2009 abante tonite

Solon nanguryente ng media
Rey Marfil

Mas lalo pang lumutang ang pagkakaroon ng sapi sa ulo ng isang solon matapos mapraning at harap-harapang ‘kuryentehin ang mga mediamen na nagko-cover para protektahan ang maimpluwensyang nasasangkot sa eskandalo.
Isang ‘high voltage’ ang natikman ng mga reporter matapos subuan ng ma­ling impormasyon ng isang bugnuting solon, as in ‘kinur­yente’ para lamang isulong ang pansariling interes at hangaring makapagbango sa kanyang amo.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nag-hallucinate nang sariling bersyon ang bugnuting solon na nagresulta sa ‘pagka-kur­yente’ ng mga mediamen nagko-cover sa Kongreso matapos baliktarin ang nilalaman ng dokumentong napasakamay at gawing sinungaling ang mga ito.
Lingid sa kaalaman ng mediamen, isang napaka­laking kasinungalingan ang interpretasyon ng bugnuting solon sa dokumentong napasakamay at nauwi sa ‘180 degrees’ ang ginawang pagbabago sa laman para lamang mapaboran ang interes ng maimpluwen­syang nilalalang, kapalit ang nakukuhang benefits sa pamahalaan.
Hindi naman masisisi ng mga kurimaw ang mga mediamen kung patulan ang dispalinghadong inter­pretasyon ng bugnuting solon sa nilalaman ng dokumento dahil umaasa lamang ang mga mamamahayag sa bawat katagang nagmumula sa bibig ng mga nai-interbyu.
Tanging nakakalungkot, naging katawa-tawa at engot ang naglabasang news report, partikular ang isinulat ng mga mediamen dahil napakalaking kasinungalingan ang isinubong impormasyon ng bugnuting solon at nagmukhang tanga ang mga ito.
Sa kabila ng malakas na boltaheng natikman ng mga mediamen, hindi man lamang nakitaan ng konting pagbabago ang bugnuting solon at patay malisya sa nagawang paglilinis sa maimpluwensyang nilalang, gamit ang maling interpretasyon sa dokumentong napasakamay.
Clue: Madalas ‘nagwawala’ ang bugnuting solon at nawiwindang ang mga kasamahan sa Kongreso kapag hindi nasusunod ang mga ‘special request’ sa session hall, maging ang hinihinging pabor sa palasyo. Kung bebot o kelot at kung saan Kongreso nag-opisina ang solon, abangan kung sasabak sa re-election ngayong 2010. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: