Friday, February 27, 2009

feb 27 2009 abante

2 presidentiables, napahiya sa party

Bagama’t nakakuha ng media mileage at nasuklian ang pagpapainit sa araw ng dala­wang presidentiables, mala­king sampal ang natikman ng mga ito sa isang pagtitipon matapos harap-harapang ma­pahiya sa mga miron.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban sa kahihiyang inabot ng 2 presidentiables matapos dumalo sa isang napa­kalaking pagtitipon sa Northern Luzon para magpabango ng imahe at maagang mangampanya.


Kontodo-porma ang dalawa sa pagtitipon, kasama ang mga alalay at iba pang advanced party, maging ka-tropa sa organisasyong nagbitbit sa naturang event.


Natupad naman ang pangarap ng dalawa na makunan ng litrato dahil maganda ang resulta ng photo ops sa pagtitipon subalit naisahan sa last two seconds at nalusutan ng ikatlong presidentiable.


Sa kasagsagan ng nagbibilad sa araw bilang bahagi ng photo ops, ipinakilala ng host ang guest speaker kung saan inilarawan bilang kapalit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Dahil dito’y mistulang nabuhusan ng malamig na tubig ang 2 presidentiables.


Pintahan n’yo na: Kapwa senador ang dalawang pre­sidentiables habang pamangkin ng kilalang business tycoon ang ikatlong presidentiable.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, February 26, 2009

feb 26 2009 abante tonite

Nakuryente nga ba?
Rey Marfil


Sa pinakahuling survey ng Ibon Foundation, da­lawa (2) sa tatlong (3) Pinoy ang pabor sa ‘force eviction’ ni Mrs. Gloria Macapagal-A­rroyo, palabas ng Presidential Palace, katumbas ang 66.67% sa kabuuang 1,500 respondents. Take note: Ibon pa lang iyan, paano pa kung naging sisiw o kaya’y inahin ang pinag-uusapan? Sa malamang, kahit ipot, pabor sa pagpapatalsik sa misis ni Jose Pidal, kahit kasing-baho at dumi ang administrasyong Arroyo.
Ang nakakapagtaka lamang, bakit kailangan pang mag-survey at gastusan ng Ibon Foundation ang pag-pulso sa ‘eviction’ ni Mrs. Arroyo, gayong kahit rugby boys sa ilalim ng LRT station, pinangarap ding uma­yos ang kanilang buhay kahit natuyuan ang kamala­yan sa masamang kalaga­yan ng Pilipinas. Mantakin n’yo, 800 libong Pinoy wor­kers ang biktima ng global finan­cial crisis, as in nawalan ng trababo. Kahit ka­tropa nina Herodes at Pilato, hindi matu­tuwa sa gobyerno ni Mrs. A­rroyo kung araw-araw puro pagnanakaw at pangongo­misyon sa proyekto ang mis­yon sa departamento!
***
Katulad ng kasabihang ‘ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim’, hindi kaya bubog ang tumagos sa talampakan ni Senador Manuel Araneta-Ro­xas II nang ibunyag ang P1.4 bilyong “bidding scandal” sa National Irrigation Admi­nistration (NIA) dahil wala pang final bidding, kaya’t may lusot ang mga taga-Department of Agriculture (DA)? Ni sa pana­ginip, ayo­kong isiping napra­ning lamang si ex-Undersecretary (Usec.) Bobby Capco sa mga dahong nasi­singhot sa kanyang environment o kaya’y nasubuan ng dispa­linghadong papel si ex-DepEd Secretary Butz Abad dahil trabaho bilang campaign manager ang mai­angat sa presidential survey si Mr. Palengke!
Bagama’t maganda ang intensyon ni Roxas, hindi ‘Mr. Suave’ ang pagkakatrabaho sa detalye, taliwas sa political ads noong 2004 campaign, maliban kung handang tayuan ang expose hanggang Senate blue ribbon committee. Subukang suriin ang report ng Bids and Awards Committee (BAC), ito’y nasa evaluation stage. Ibig sabihin, nasa post-qua­lification stage ang bidding process, alinsunod sa Republic Act 9184 o Government Procurement Act na inaprubahan ng Congress, as in wala pang nananalong bidder. Sa usapang reporter, hindi kaya ‘nakuryente’ sa NIA scandal expose si Mr. Palengke, katulad din sa inis­ponsorang Cheaper Medi­cine bill, aba’y P5.00 sa mga sari-sari store ang Bioge­sic. Nasaan ang bagsak-presyong gamot na ipinag­mamalaki ng boypren ni Ate Koring?
Pitong (7) kumpanya ang nagsumite ng letters of intent sa NIA bilang supplier ng mga hydraulic excavator at truck tractors bilang tugon sa invitation to bid noong December 2008, kinabibilangan ng Maxima Machineries Inc., Civic Merchandising Inc., Transport Equipment Corp. (TEC), Wilan Merchandising Phils., Transtar Corp., Internatio­nal Heavy Equipment Corp. (IHEC), at TKC Heavy Industries Corp. Ang tanong ng mga kurimaw: Alin sa pitong (7) kumpanya ang nilukuban ni Hudas Escariote at kaagad naamoy ang pagka­talo sa bidding?
Kundi nagkakamali ang Spy, nagsumite ng bid ang Civic, Maxima, TEC at IHEC noong Enero 19 at umatras ang Wilan at Transtar habang nanahimik ang TKC, as in hindi nag-submit ng bid at walang ipina­dalang letter of withdra­wal sa NIA. Naaprubahan ng NIA-BAC ang eligibility requirements ng Civic at TEC habang tablado ang Maxima at IHEC. Ang rason: Hindi nagsumite ng mga requirements, katulad ng registration sa Securities and Exchange Commission (SEC) at expired business permit ang ibinigay ng Maxima at expired din ang tax clea­rance ng IHEC. Ang masakit, na­ging ‘punching bag’ ang opisina ni DA Sec. Art Yap at nabugbog sa hilaw na expose ni Mr. Palengke, kahit itanong n’yo pa kay Kuya Noynoy! (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Wednesday, February 25, 2009

feb 25 2009 abante tonite

‘Pagador’ ng presidentiable bistado sa pangungipit
Rey Marfil

Kung meron pinakamanhid sa lahat, walang iba kundi ang ‘pagador’ ng isang presidentiable dahil patuloy na isinisiksik ang sarili sa kanyang amo kahit nirendahan ang tinatamasang kapangyarihan matapos mabisto ang pangongotong ng isang tauhan nito.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, mala-cliff hanger ngayon ang kapangyarihan ng dating alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagsisilbing ‘pagador’, as in operator sa kampo ng isang presidentiable matapos magkabistuhan sa ‘tongpats issue’ ng inarkilang tauhan.
Bago natapyasan ng kapangyarihan ni ex-Palace official bilang operator ng presidentiable, nabisto ang pangongotong nang kinuhang kanang kamay ng kumag at napuwersang mag-resign ang kapartner dala ng natikmang kahihiyan sa kanilang opisina.
Ang masakit, mismong si ex-Palace official ang ‘naglaglag’, as in pinabayaan ang kapartner at hindi nagawang idepensa sa kanilang amo gayong lantad sa kanyang kaalaman ang ‘tongpats issue’, partikular ang pangungupit sa salaping inilaan sa special operations upang pabanguhin ang imahe ng presidentiable.
Tanging ikinasusuka ng mga naglipanang kurimaw sa campaign headquarters ng presidentiable sa kanto ng EDSA Quezon City, patuloy na nagmamagaling si ex-Palace official at matinding pagpa-power trip ang ginagawa.
Nang mabisto ang pangungupit ng inarkilang staff ni ex-Palace official, kaagad nirendahan sa paghawak ng pera ang kumag, as in dumadaan sa butas ng karayom at matinding diskusyon sa pagitan isa sa kapamilya ng kanyang amo ang hinihinging alokasyon.
Maliban dito, inalis din sa hurisdiksyon ni ex-Palace official ang pagiging ‘pagador’ sa special operation kapag meron photo ops ang presidentiable subalit hindi pa rin nagre-resign sa kabila ng harap-harapang pagpaparamdam ng mga amo sa matinding pagka-bad trip dito.
Clue: Nasentro ng eskandalo si ex-Palace official nang mag-opisina sa tabi ng presidential residence, maging sa pagbili ng luxury vehicles, at condominium, animo’y kabayaran sa pag-aktong hepe ng demolition team ng Malacañang. Kung Secretary o Undersecretary, ipagtanong kay Ferdie Maglalang na taga-bukas at taga-sara ng pintuan sa opisina ni senador Dick Gordon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, February 24, 2009

feb 24 2009 abante tonite

Masakit at masikip!
Rey Marfil


Kung anong luwag ng senatorial line-up sa bawat organisasyon, siyang sikip ng tsansang makalusot ng isang senatoriable, lalo pa’t napakaraming re-electionist senators sa 2010 -- sina Mar Roxas, Dick Gordon, Miriam Defensor-Santiago, Bong Revilla, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Jamby Madrigal at Senate President Johnny Enrile. Paano na lang ang anak nina graduating Senators Nene Pimentel at Pong Biazon, sina Atty. Koko Pimentel at Cong. Ruffy Biazon, maging ang nagbabalik-Senado, sina Frank Drilon, Serge Osmeña, Jun Magsaysay, NEDA chief Ralph Recto, at DDB chief Tito Sotto? Take note: Subok ang ‘star magic’ ng mga taga-showbiz at angat sa kahit anong labanan ang incumbent at merong name recall.
Never mind si Prospero Pichay na hindi malaman ng mga taga-merkado kung gulay o tao, ito’y malabong tumubo sa Senado ngayon pang nagkasabit-sabit sa World Bank (WB) report. Kaya’t ipanalangin ng mga senatoriables na totohanin ni Lolah Miriam ang pangakong ipapahinga ang political career, lalo pa’t always absent, as in naka-sick leave dala ng chronic fatigue syndrome (CFS). Kaya’t ‘magpapagod’ lang ang karamihan sa mga senatoriables kapag anim ang tatakbong Presidente. Ibig sabihin, 72 ang pagpipiliang senador ni Aling Matet, hindi pa kasama diyan ang mga katropa nina Jose Cayetano at Mel Chavez!
Luluwag lamang ang upuan sa Upper House kung tatakbong Presidente ang boypren ni Ate Koring. Iyon nga lang, numero unong segurista si Mr. Palengke at kasing-labo ng mga itinitindang pusit sa Farmers Market kung tatakbong Presidente kapag lumabas sa ‘winning circle’, ngayon pang mala-buntot pagi sa presidential survey. Sa kaso ng magkaibigang Bong at Jinggoy, mas ‘sure ball’ ang dalawa bilang re-electionist at maghintay sa 2016, maliban kung bahagi ng ‘grand plan’ ang pag-substitute ni Jinggoy kapag na-diskuwalipika ang amang si Erap sa presidential race?
***
Napag-uusapan ang presidential race, tila wala nang atrasan si Erapsky kung pagbabatayan ang out of town trip, maliban kung substitute dahil bagong opera si Jinggoy at bawal bumiyahe? Kundi nagkakamali ang Spy, limang (5) senatoriable ang bitbit ni Erapsky -- sina Joey de Venecia, Grace Poe, Jojo Binay, Adel Tamano, plus Jinggoy. Ang panalangin lamang ng mga kurimaw, sana naman tantanan ni Manong Ernie Maceda ang ambisyong makabalik sa Upper House, aba’y hindi na uso ang lumang mukha. Ika nga, dapat mapagbigay ang mga nakatatanda dahil nagiging tama sa mata ng bata ang ginagawa ng mga matatanda!
Ang masakit lamang kapag tumakbo si Erapsky, mauuwi sa karambola ang opposition bloc at binigyan ng tsansang manalo si Vice President Noli De Castro Jr., maliban kung ‘done deal’ ang pagiging running mate ni XP Manny Villar Jr., sa ilalim ng ‘Nacionalista.
Ang katotohanan, malabong umatras sina XP Manny Villar, Loren Legarda, Ping Lacson at Chiz Escudero, lalo pa’t ‘nothing to lose’ sa 2010, as in makakabalik sa Upper House kahit madisgrasya sa presidential race, hindi katulad ni Roxas, ito’y bakasyon-grande ng 3-years kapag natalo. Kung ‘two things’ si Villar, dalawang bagay din ang kakaharapin ng boypren ni Ate Koring kapag hindi umangat sa presidential survey -- ito’y maghanap ng standard bearer at tumakbong Vice President. Ang tanong: Sino ang susuportahang presidentialble ng Liberal Party at sino ang itatakbong Vice President kung walang tiwala sa mister ni Ate Shawie. Sabagay, mas tataya ang LP, alinman kina Kris at Noynoy Aquino kung ‘super noted’ ang loyalty ni Mr. Noted Francis Pangilinan kay Lolo Manny! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 23, 2009

feb 23 2009 abante tonite

Vice presidentiable kinaiinisan sa pagkabalimbing
(Rey Marfil)

Bagama’t wala sa panahon ang pamumunga ng balimbing, kasing-lutong ng bagong lutong kornik ang matinding pagka-bad trip ng mga kapartido sa isang nangangarap maging kapalit ni Vice President Manuel ‘Kabayan Noli’ De Castro Jr. sa 2010 national election.
Ang rason, mula campus ng University of the Philippines (UP) hanggang Pampanga area ang nararamdamang pagka-bad trip ng mga kapartido sa isang kasamahan na nangangarap maging Vice President, gayong saksakan ng balimbing ito.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, hindi matanggap ng mga kapartido bilang Vice Presidentiable ang isang kasamahan dahil walang loyalty sa grupo, as in kinakasangkapan lamang ang kanilang organisasyon para masabing merong partidong sinasandalan ito.
Sa mga official gatherings ng partido, halos sapilitan ang pagdalo ng vice presidentiable at hindi rin magawang isnabin ang pagtitipon dahil mapapasama ang imahe nito, as in puro kaplastikan ang pagpapakila­lang katropa dahil kailangan ng media mileage ng mokong.
Lingid sa kaalaman ng publiko, malalim ang sugat na nilikha ng vice presidentiable sa hanay ng mga kasamahan sa partido, subalit hindi magawang sipain dahil malalagay sa alanganin ang organisasyon at malaking kabawasan sa mata ng publiko kahit hindi kasali sa orihinal na bilang ito.
Bagama’t hindi na itinuturing na katropa ang vice presidentiable, ito’y pinapakitaan pa rin ng magandang relasyon ng mga kasamahan dahil mapapasama ang kanilang partido at maaaring gamiting pakulo ng kumag ang pagkakasibak kapag tumakbo sa 2010 national election, lalo pa’t malabong mapiling running mate ito.
Clue: Isa sa double personality ang vice presidentiable, hindi lamang sa kanyang misis at publiko, bagkus sa mga kapartido. Sa nagdaang eleksyon, gasgas ang pangalan ng isang kapamilya, as in gamit na gamit para manalo, lalo pa’t ‘no name’ ng pumasok sa pulitika ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, February 19, 2009

feb 19 2009 abante tonite

World Bank ang may sala?
Rey Marfil


Ang sabi ni Eduardo de Luna, may-ari ng E.C de Luna Construction sa Senate hearing na ipinatawag ni Lolah Miriam, ito’y limang (5) minuto lamang na-interbyu ng mga taga-World Bank gayong dalawang (2) oras naisalang, simula alas-dos hanggang alas-kuwatro hapon noong Nobyembre 21, 2006, alinsunod sa report nina Tim Carrodus at Edil Duschenaliyev, maliban kung nauurat sa katatawag na ‘Pareng Ed’ kapag kausap si Big Mike at gustong ‘Pinnochio’ ang bagong palayaw?
Ibig sabihin, kinumpirma ni De Luna ang P70 milyong padulas na sumabog sa LTA Building noong 2003, maging ang ‘collusive bid schemes’ nina Atty. Mike, ex-senator Robert Barbers, ex-Surigao Cong. Prospero Pichay, ex-Negros Cong. Jacinto Paras, ex-DPWH Acting Sec. Florante Soriquez, project director Adriano Lope, Tito Miranda at Boy Belleza?
Isa pang pasabog ni De Luna: “He said that he has a lot ideas how to change the system but then noted that the system is deeply entrenched. He said that the Congressmen should not meddle in the public works projects and leave this job to the DPWH. The Congressman should only concentrate on the legislative work.”
Ang tanong: Bakit kinukunsinti ni De Luna ang suhulan kung paglikha ng batas at hindi kontratista ang trabaho ng mga Congressman? Kung meron dapat sisihin ang Malacañang sa isyu ng ‘suhulan’, walang iba kundi si De Luna. Ika nga ng mga kurimaw, hindi nagsisinungaling ang ebidensiya !
***
Ang sabi naman ni Noelito Policarpio, may-ari ng R.D Policarpio and Co. Inc., alinsunod sa one-on-one interview nina Terry Matthews, Tim Carrodus, Tom McCarthy at Edil Duschenaliyev noong Nobyembre 15, 2006 sa 17th floor Executive Lounge ng Edsa Shangri-La Hotel: “Mr. Policarpio informed INT that after the United States left the Philippines, corruption took over in the government. Now, Mr. Arroyo is very powerful and he uses his position to place officials in positions, and that these officials do what he wants.”
Ika nga ng mga kurimaw, kailangan pa bang i-memorized iyan, aba’y lahat ng eskandalong nabunyag at anomalyang naimbestigahan ng Upper House, simula nu’ng mapatalsik si Erap noong 2001, hindi ba’t puro kaporal ni Jose Pidal ang bida?
Excerpt No. 1. Mr. Policarpio stated that he knows that Tito Miranda and Boy Belleza both actively work to manipulate bidding. Mr. Policarpio state that Mr. Eduardo de Luna is ‘behind’ Tito Miranda and “Mr. A” is ‘behind’ Mr. De Luna. Mr. Policarpio then admitted that “Mr. A” is Mr. Mike Arroyo the husband of he President of the Philippines’. Mr. Policarpio stated that HE DOE NOT BELIEVE that Mr. Arroyo’s wife (GMA) is aware of the corrupt actions that he takes.”
Ang tanong ng mga kurimaw: Naniniwala ba kayong walang alam ang ina ni Lion King sa galaw ni Jose Pidal, maliban kung iba ang katabi ng tulugan, alam kaya ni Misis toh, Ma’am Vicky?
Excerpt No. 3. Mr. Policarpio stated that the late senator Barbers who died in December 2005, was very active in using his influence to participate in the collusive bid schemes. These activities, Mr. Policarpio stated, ARE BEING CONTINUED BY THE BARBERS SONS. Senator Barbers initially used Tito Miranda to arrange his schemes but later on was using Eduardo de Luna. Tito Miranda realized that Eduardo de Luna is very closed to Mr. Arroyo and has now formed a partnership with Mr. De Luna in making arrangement on collusive schemers ON BEHALF OF THE BARBERS SONS.
Ang final question ng mga kurimaw: Sino kina ex-Surigao Governor Lyndon Barbers, ex-PTA chairman Dean Barbers at incumbent Gov. Ace Barbers (dating Congressman ng Surigao) ang iningungusong ‘Barbers sons’ ni Policarpio, maliban kung aakuin ng mga may-ari ng barber shop at iba pang hair cutters ang responsibilidad? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 18, 2009

feb 18 2009 abante tonite

Solon nanguryente ng media
Rey Marfil

Mas lalo pang lumutang ang pagkakaroon ng sapi sa ulo ng isang solon matapos mapraning at harap-harapang ‘kuryentehin ang mga mediamen na nagko-cover para protektahan ang maimpluwensyang nasasangkot sa eskandalo.
Isang ‘high voltage’ ang natikman ng mga reporter matapos subuan ng ma­ling impormasyon ng isang bugnuting solon, as in ‘kinur­yente’ para lamang isulong ang pansariling interes at hangaring makapagbango sa kanyang amo.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nag-hallucinate nang sariling bersyon ang bugnuting solon na nagresulta sa ‘pagka-kur­yente’ ng mga mediamen nagko-cover sa Kongreso matapos baliktarin ang nilalaman ng dokumentong napasakamay at gawing sinungaling ang mga ito.
Lingid sa kaalaman ng mediamen, isang napaka­laking kasinungalingan ang interpretasyon ng bugnuting solon sa dokumentong napasakamay at nauwi sa ‘180 degrees’ ang ginawang pagbabago sa laman para lamang mapaboran ang interes ng maimpluwen­syang nilalalang, kapalit ang nakukuhang benefits sa pamahalaan.
Hindi naman masisisi ng mga kurimaw ang mga mediamen kung patulan ang dispalinghadong inter­pretasyon ng bugnuting solon sa nilalaman ng dokumento dahil umaasa lamang ang mga mamamahayag sa bawat katagang nagmumula sa bibig ng mga nai-interbyu.
Tanging nakakalungkot, naging katawa-tawa at engot ang naglabasang news report, partikular ang isinulat ng mga mediamen dahil napakalaking kasinungalingan ang isinubong impormasyon ng bugnuting solon at nagmukhang tanga ang mga ito.
Sa kabila ng malakas na boltaheng natikman ng mga mediamen, hindi man lamang nakitaan ng konting pagbabago ang bugnuting solon at patay malisya sa nagawang paglilinis sa maimpluwensyang nilalang, gamit ang maling interpretasyon sa dokumentong napasakamay.
Clue: Madalas ‘nagwawala’ ang bugnuting solon at nawiwindang ang mga kasamahan sa Kongreso kapag hindi nasusunod ang mga ‘special request’ sa session hall, maging ang hinihinging pabor sa palasyo. Kung bebot o kelot at kung saan Kongreso nag-opisina ang solon, abangan kung sasabak sa re-election ngayong 2010. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, February 17, 2009

feb 17 2009 abante tonite

Kahangalan ng GSIS!
Rey Marfil


Sa report ni United Nations (UN) Special Rapporteur on Extra-judicial, Summary or Arbitrary Execution, Philip Alston, humigit-kumulang 500 ang napapaslang sa Davao, simula 1998 at hanggang ngayon, walang nalulutas. Ibig sabihin, sikat pa rin sa patayan ang Davao City at walang ibang inginungusong salarin kundi ang tinaguriang Davao Death Squad (DDS) kaya’t hindi nakakapagtakang natabunan ang kaso ng pamamaslang sa dalawang (2) mediamen -- sina Ferdie ‘Batman’ Lintuan at Jun Pala kaya’t malaking katanungan kung anong ginagawang aksyon ni Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte.
Ni sa panaginip, ayokong isiping natutulog sa pansitan ang mga taga-Commission on Human Rights (CHR) kaya’t hindi nababalitaan ang patayang nagaganap sa Davao, ma­liban kung takot din bumisita si CHR chairperson Laila de Lima? Sabagay, anong asahan kay De Lima, hindi ba’t ‘binanlawan’ ang PNP-NCRPO sa ginawang paghuli sa mga mediamen sa Makati Peninsula siege noong November 2009? Kaya’t huwag ipagtaka kung mauwi sa ‘whitewash’ ang imbestigasyon sa extra-judicial killings na nagaganap sa Davao. At sa ma­lamang, hindi lang bareta ang ipangkukula ni De Lima, ito’y gagamitan ng “powder with fabric conditioner” para maba­ngo ang pagkakalaba!
Hindi biro ang pondong inilaan sa ‘peace and order program’ ng Davao City, katumbas ang P450 milyon kada taon at kung hindi nagkakamali ang Spy, tinatayang P836.2 mil­yon ang annual budget ng Mayor’s Office ngayong taon. Sa madaling salita, 53% sa kabuuang pondo ang ginagastos para maging matahimik ang lungsod. Talagang ‘tatahimik’ nga ang Davao City, aba’y P1.2 milyon ang daily allocation sa peace and order program kapag kinuwenta ang P450 milyon sa loob ng 365 araw. Kung milyones ang “itinatapon” ni Mayor Digong para panatilihing tahimik ang Davao City, bakit wala pa ring tigil at hindi maresolba ang patayan sa lungsod, katulad sa napapabalitang 28-katao ang naitalang napaslang noong Enero 21, 2009 at posibleng lagpas trenta ngayon?
***
“Your regular dividend for year 2007 has been credited to your eCard ATM account -- a New Year’s gift from President Gloria Macapagal-Arroyo and your GSIS family’ -- ito ang text message ng opisina ni Mang Inton, as in GSIS Pre­sident Winston Garcia sa lahat ng government workers noong nakaraang buwan (Enero), animo’y pag-aari ng Malacañang ang dibidendong ipinamudmod sa mga kawani ng gobyerno. Hindi na nga maayos ang eCard system at delayed ang transaksyon, inaangkin pa nang mag-among sina Mang Inton at misis ni Jose Pidal ang kakapiranggot na benipisyong ipinagkaloob sa mga ito. Kailan pa naging pera ni Mrs. A­rroyo ang kontribusyon ng mga miyembro?
Kundi ba naman hangal at saksakan ng ‘engot’ ang nag-isip ng ganitong gimik, aba’y paano magiging ‘New Year’s gift’ ang 2007 dividend, gayong pinaghirapan ng mga go­vernment workers ito? Isa lang ang malinaw sa kaisipan ng mga nag­lipanang kurimaw sa hallway ng GSIS, sadyang matakaw sa kredito ang mag-amo. Mantakin niyo, sa halip gumaan ang pakiramdam ng mga GSIS members dahil naka­tanggap ng dibidendo, lalo pang isinusumpa ang pamamalagi ng mag-amo sa gobyerno dahil lantarang pinabobola at niloloko sa nakuhang bonus. Higit sa lahat, wala ring karapatang magpakilalang ‘ka-family’ ang mga big boss ng GSIS dahil ‘walang puso’ kung ikukumpara ang tinatamasang bene­fits at allowances.
Isa pang kahangalan ng GSIS ang personal appearance ng mga senior citizen members para makubra ang monthly bene­fits. Kung sinong napakabugok na nag-isip nang ganitong ‘formula’, ito’y dapat ipinapa-kidnap sa Abu Sayyaf at huwag nang tubusin upang wala nang pahirapan pang GSIS member. Mantakin niyo, ilan ang nadisgrasya at namatay sa GSIS Compound dahil kailangan pang lumuwas ng Maynila mula Basilan at Apayao ang isang uugud-ugod na retira­dong public school teachers para lamang makubra ang P4 libong monthly benefits? Bakit hindi ilapit sa mga miyembro ang serbisyo, maliban kung saksakan ng sadista si Mang Inton at natutuwang guma­gapang sa hirap ang mga miyembro bago makuha ang kanilang benipisyo? Sabagay, ganyan din ang attitude ni Mrs. Arroyo, habang nasa poder, pa­tuloy ang pasakit ng samba­yanang Pilipino. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 16, 2009

feb 16 2009 abante tonite

Presidentiable nanakot ng supporters!
Rey Marfil

Kung hindi nga lamang kakailanganin ang suporta sa local elections, kamuntikang dinagukan ng dalawang local politicians ang isang binabangungot na presidentiable matapos silang takutin nito kapag hindi sinamahan sa pangangampanya.
Sa halip kaawaan ang presidentiable, halos mag­lulupasay sa katatawa ang TONITE Spy matapos madiskubreng pinagtatakot ng presidentiable ang dalawang local politicians na hindi bibigyan ng basbas sa 2010 election kapag hindi sumama sa pangangampanya nito.
Lalo pang lumutang ang kakaibang pag-uugali ng presidentiable, katulad ang pagkakaroon ng sapi sa ulo dahil pini-puwersa at pinagtatatako ang mga kaalayadong pulitiko sa local level na sama­han ang kanyang maagang pag-iikot, kapalit ang suporta.
Kilalang ‘political kingpin’ ang presidentiable sa kanyang teritoryo at mahirap manalo ang sinumang kokontra sa partido ng kumag, as in walang pag-asang manalo kung sa kabilang bakuran tatakbo ang mga ito.
Dahil malalim ang koneksyon ng presidentiable sa mga constituents at kayang diktahan ang mga botante lalo pa’t naging maayos naman ang pamamalakad ng kumag sa kanyang termino, takot ang bumabalot sa 2 local politicians kapag hindi sumunod sa kagustuhan nito.
Ang matinding revelation sa lahat, kinukuha pang campaign manager ng presidentiable ang 2 local politicians bilang preparasyon sa pagtakbong Presidente sa 2010 national election kahit ga-hibla ang tsansang lumusot ng mokong at napakalayo sa katotohanan kung papasok sa top 5 ito.
Bagama’t labag sa kalooban, hindi direktang makapalag ang 2 local politicians dahil posibleng magkasamaan ng loob at tanggalan ng suporta sa 2010 election, as in ibang manok ang patatakbuhin at tatapatan ng kandidato ang mga ito.
Dahil dito, madalas gumagawa na lamang palusot ang 2 local politicians kapag niyayakag ng presidentiable sa out of town trip, subalit hindi madalas makatakas at napupuwersang umangkas sa biyahe kahit binabato ng kamatis ang kumag.
Clue: Parehong involved sa paglikha ng batas ang 2 local politicians habang consistent sa pangungulelat ang presidentiable sa alinmang survey. Ito’y isinusuka at isinusumpa ng mga nababambo sa kalsada. (www.mgakurimaw.kurimaw.blogspot.com)

Sunday, February 15, 2009

feb 14 2009 abante tonite

Bibig ng solon, nai-zipper ng Palasyo!
Rey Marfil

Kung anong tapang gumawa ng pagkilos laban sa gobyerno, napakalaking palamuti ngayon ang bagong papel ng isang mestisuhin at guwapitong miyembro ng Kongreso, patunay ang pagiging matatakutin sa Palasyo.
Sa dami ng eskandalong kinasasangkutan ng administrasyong Arroyo, kahit isang masamang kataga o letrang bumabatikos sa Palasyo, hindi magawang ilabas ng mestisuhing solon sa kanyang bunganga, dala ng matinding takot maresbakan ito.
Matapos maakusahang nakipag-secret deal sa Malacañang nang tumakbo noong 2007 elections, isang taon nang nasaksihan ng TONITE Spy kung paano naka-zipper ang bibig ng mestisuhing solon, as in nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan kahit labag sa kalooban ang ginagawang kabulastugan ng mga taga-Palasyo.
Kahit magpatawag ng public hearing, ito’y hindi magawa ng mestisuhing solon gayong samu’t-saring isyu ang nakapaloob sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Humahawak ng malalaking komite ang mestisuhing solon at napaka-powerful, kumpara sa mga kasamahang mambabatas dahil kaliwa’t kanan ang oversight committee, hindi kabilang ang membership sa makapangyarihang komisyon, subalit tikom ang bibig sa bawat eskandalo ng Arroyo government.
Bago nai-zipper ng Malacañang ang bibig ng mestisuhing solon, ito’y mahilig gumawa ng mga ‘illegal activities’ at kamuntikang madisgrasya ang political ambition kundi nagawang makipagkasundo o pumasok sa secret deal, kapalit ang pananahimik nito.
Halos hindi mabilang ang mga eskandalo at anomal­yang maaaring imbestigahan ng mestisuhing solon, lalo pa’t nasa hurisdiksyon ng komite ang mga isyu, subalit kahit isang public hearing, walang inisponsoran ang mambabatas at madalas pang iwasan ang media interview, kalakip ang pangambang masaktan ang Palasyo at maresbakan ito.
Clue: Mahilig mag-adventure ang mestisuhing solon kaya’t nagkakasabit-sabit ang political career. Ito’y sinalo lamang ng isa sa tinaguriang ‘political kingpin’ na kinikilalang ‘ama-amahan’ kung kaya’t nakabalik at naituwid ang maling landas. (www.mgakurimaw.blogspot.com

Friday, February 13, 2009

feb 13 2009 abante

Senador, taga-kaway ang trabaho!

Bagama’t matagal nang nakalaya sa rehimeng Marcos ang Pilipinas, animo’y nabubuhay sa Martial Law ang isang miyembro ng Upper House matapos makaugalian ang tumakas sa session hall pagkatapos magpa-check ng attendance o mag-roll call.


Sa nagdaang ilang buwan, nagbago ng diskarte ang senador dahil nawala sa hulog ang kasipagan at tiyaga sa trabaho matapos makahiligan ang mag-cutting classes, as in magbulakbol pagkatapos magpa-check ng attendance sa floor.


Naging estilo ng senador ang sumilip sa tagiliran ng session hall pagkatapos ng national anthem at opening prayer kung saan idinadaan lamang sa pagkaway sa mga taga-Secretariat o Page para magpalistang present ito.


Ang resulta, ikinagugulat ng mga kasamahang senador kung bakit ‘always present’ ang record.


Nauuwi lamang sa ‘kawayan blues’ ang pagpapa-check ng attendance ng senador at mabilis na umieskapo kaya mas marami pang oras na ginugugol sa pag-iikot kesa magtrabaho sa Senado.


Pintahan n’yo na: Nangangarap makarating sa Malacañang ang senador at mahusay sa pagnenegosyo subalit sumemplang ng diskarte sa inisponsorang proyekto kaya nagkasabit-sabit nang masilip ito.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, February 12, 2009

feb 12 2009 abante tonite

Done Deal o Danding?
Rey Marfil


Nakaraang weekend, laman ng text brigade ang ‘Done Deal issue’ sa pagitan ng mag-Ninang -- sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Senador Francis ‘Chiz’ Escudero III bilang ‘manok’ sa 2010 national elections, kapalit ang pag-absuwelto sa lahat ng eskandalo at katiwaliang kinasasangkutan ng First Family kapag naupong Pangulo ito. Nag-ugat ang lahat sa National Prayer Breakfast na parehong dinaluhan ng mag-Ninang sa Washington, D.C. Ang tanong lamang kay Super Dodong, as in Press Secretary Cerge Remonde, sino ang nabigyan ng invitation card sa White House at naging ‘gate crasher’ sa party ni US President Barrack Obama, na malamang, walang imbitasyon ang misis ni Jose Pidal?
Kung malapit kay Chiz ang kausap -- isang lehitimong lakad ang biyahe sa Estados Unidos at deklarado ang imbitasyon ng taga-White House sa senador. Ibig sabihin, ‘sumugal’ ang mga kaporal at sipsip kay Mrs. Arroyo, as in nagbabakasakaling maka-tsamba at makamayan si Obama kapag nakitang pakalat-kalat sa audience ito. Ang problema ni Super Dodong, malabong mapansin ang “Mahal na Pangulo”. At kahit tumayo ang kanyang amo sa harapan ng miron, isang maliit na nunal lamang sa hanay ng 3 libong pulitiko si Mrs. Arroyo. Ang ending: Umuwing luhaan ang ina ni Lion King, bitbit ang litrato ni US State Secretary Hi­lary Clinton bilang consolation prize sa napakamahal na biyahe nito.
Sa kabilang banda, isang source ang nagsabing may kinalaman sa World Bank (WB) report ang biyahe ni Escudero. Ang report: Sobrang ‘bad trip’ ng Amerika sa Ninang ni Escudero sa dami ng eskandalong kinasasangkutan ng administrasyon kaya’t itinaon sa National Prayer Breakfast ang biyahe para maisingit sa schedule ni Obama, as in coordinated sa Security Service ang pagtungo ng White House ng senador.
***
Napag-uusapan ang National Prayer, hindi lang malinaw kung ‘successful’ ang ‘secret meeting’ ni Escudero, alinman kay Obama o opis­yal ng World Bank (WB) na umano’y nangakong maglalabas ng iba pang katiwalian sa Arroyo admi­nistration hangga’t hindi tumitino at nirerendahan ang malawakang corruption, ma­liban kung ‘propaganda’ lamang ng kampo ni Escudero ang Obama at WB meeting upang matakpan ang ‘Done Deal issue’ sa pagitan ni Mrs. Arroyo, lalo pa’t malaking kasiraan bilang isa sa presidential candidate ng Nacionalist People’s Coalition (NPC) ang maakusahang nakikipag-secret meeting sa Arroyo government.
Kung hindi imbitado si Mrs. Arroyo at ‘pa-tsamba’ lamang ang lakad ng mga sipsip sa Palasyo nang i-divert ang biyahe patungong Estados Unidos, ni sa panaginip ayokong isiping natunugan ng Malacañang ang meeting ni Escudero at nainggit ang “Mahal na Pangulo” dahil mauunahan pang makamayan si Obama ng inaanak nito. Ika nga ng kanta ni Gary V, ‘Di na Natuto’ si Mrs. Arroyo, aba’y kahit pinagtaguan sa campaign trail at ‘out of reach’ ang cellular phone para batiin nang manalong US President, tinangka pa ring magpa-picture taking. Sabagay, mala-Dagul na sampal nga naman kay Madame Pre­sident kung mauuna­han ni Chiz.
Sa ngayon, kontodo-tanggi si Super Dodong sa ‘secret meeting’ nina Mrs. Arroyo at Chiz, lalo pa’t napakalayo ang 2010. Kung merong malinaw, hindi ang ‘Done Deal’ kundi ang solidong suporta ni Boss Danding, as in ex-Ambassador Eduardo Cojuangco kay Escudero. Kaya’t asahang luhaan si Ma’am Loren kapag naibaba ang final verdict ni Boss Danding, sampu ng NPC party mates bago mag-September. Well, abangan nyo na lang kung meron ngang naganap na ‘Done deal’ sa US, maging ang pagkanta ng ‘September Morn’ ni Ma’am Loren kapag na-itsapwera bilang standard bearer. Anyway, naka-standby ang LDP ni Kuya Ed, siguradong ipaghehele at kakantahan ng ‘Loren-Loren Sinta’ si Legarda. Iyon nga lang, ‘mababali ang sanga kaya’t pisak ang dalang papaya!’ (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 11, 2009

feb 11 2009 abante tonite

Presidentiable nagwaldas ng P80M
Rey Marfil

Sa hangaring maiangat ang popularidad at matapatan ang ilang nangungunang presidentiables, isang pulitikong nangangarap makarating ng Malacañang ang nagwaldas ng P80 milyon.
Bagama’t tinamaan ng matinding krisis ang buong mundo, walang epekto sa presidentiable ang paghihirap ng mamamayan dahil nagpa­kawala ito ng P80 milyon para lamang ibangon ang kanyang imahe at mapabilang sa ‘winning circle’ ito.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, multi-milyong piso ang ibinuhos ng presidentiable sa ‘pre-campaign ads’, kalakip ang ambisyong pumaimbulog ang popularity ratings at maungusan ang mga kalaban na nagba­bayad ng mil­yones sa mga radyo, telebisyon at diyaryo para gumanda ang standing sa presidential survey.
Ang nakakapanghinayang lamang sa pagpapakawala ng milyones ng presidentiable, tila hindi umuubra ang P80 milyong media blitz dahil walang epekto ang naglalabasang ‘pre-campaign materials’ sa media.
Sa nagdaang presidential survey, hindi makaalagwa ang popularity ratings ng presidentiable kahit napakaraming isyung sinasakyan kaya’t ibinuhos ngayong buwan ang lahat ng resources upang mapulsuhan ang publiko sa planong pagtakbong pangulo sa 2010 national election.
Bagama’t maraming salapi, katulad ng iba pang katunggaling kandidato sa mga survey, napaka-trying hard ng diskarte ng kanyang kampo at hindi ‘dumidikit’ sa publiko ang naglalabasang propaganda para iangat ang imahe nito.
Ngayong nalalapit ang paglabas ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia survey, ibinuhos ng presidentiable ang P80 milyong resources sa loob ng dalawang buwan dahil nagsimulang magpakalat ng tauhan ang dalawang survey firm upang pulsuhan ang publiko kung sino ang napupusuang Presidente sa 2010 national election.
Puntirya ng presidentiable na mapansin ng mga respondents ang kanyang pagmu­mukha at maisama ang pangalan sa nangu­ngunang kandidato kaya’t nagmistulang barya lamang ang P80 milyong winaldas kahit nakakaranas ng financial crisis ang sanlibutan.
Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng presidentiable su­balit walang appeal kahit anong pagmamatigas ang gawin sa publiko. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, February 10, 2009

feb 10 2009 abante tonite

Ino-operate si Noggie!
Rey Marfil


Kahit mga bituin sa kalangitan, hindi naniniwalang mananalong Presidente ‘Ang Bayaning isinusuka ng mga vendor’ -- si MMDA Chairman Bayani Fernando, ito’y malinaw sa prediksyon ni Jojo Acuin na ‘hin­ding-hindi magiging Presidente’ at lumalabas pang ‘pahirapan’ kung makakalusot sa senatorial race. Sabagay, mas nababagay ang katulad ni Bayani sa Marikina City, at least, sanay nang ‘binabambo’ ang mga constituents. Isa pang masamang prediksyon ni Mang Jojo: Malili­bing sa limot ang NBN-ZTE deal. Tuluyan ding malilibing sa limot ang fertilizer scam na kinasasangkutan ni Jocjoc Bolante, at naganap na nga! Higit sa lahat, ‘walang nakikitang magaganap na kasalan kina Korina Sanchez at Senador Mar Ro­xas ngayon’. Ibig sabihin, magiging ‘hallucination’ ni ex-Press Undersecretary (Usec.) Bobby Capco na inakusa­hang adik ni ex-PCSO consultant Robert Rivero ang pagsuot ng magarang barong sa Roxas-Sanchez nuptial!
Ang magandang prediksyon lamang ni Mang Jojo, malaki ang pag-asang makalaya ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV at hindi kailangan pang pagtalunan ang Senate Rules o kaya’y harangin ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang teleconferencing proposal ni Senator Ping Lacson. Ang prediksyon ni Mang Jojo: Malaki ang pag-asa ni Senator Antonio Trillanes IV na makalaya, sapagkat may isa akong tao na nakikita na tutulong sa nasabing senador. Tatangkain nitong mapag-isa sa layunin ang administrasyon ni GMA at ni Trillanes”. Ang tanong lamang: Sino ang taong gagawa nito?
***
Sa pinagtatalunang quorum, hindi kailangang umabot ng Supreme Court (SC) ang iringan kung walang ‘nag-iskul bukol’ sa Upper House. Naturingang anim (6) ang minority bloc, puro pagmumukha ni minority lea­der Aqui­lino ‘Nene’ Pimentel Jr., ang makikita sa session hall. Mantakin n’yo, pagkatapos mag-roll call, naglahong parang itik ang grupo ni ousted Senate President Manuel Villar Jr., as in nauuwi sa ‘Noted’ ang presensya ni Senador Prancaceus Francis Pangilinan, makalipas ang 10 mi­nutes. Mabuti pa nga si Senador Lito Lapid, kahit ‘kinakati’ kapag nagbababad sa session hall kung kaya’t madalas umeskapo, aba’y mala-Judiel, nag-aaparisyon kapag kailangang magtaas ng kamay sa floor, Hindi lang ‘hero’ kundi isang ‘savior’ si Leon Guerrero sa quorum!
Kapag pinasuri ang pagkuwestyon ni Tatay Nene sa quorum, ito’y hindi kasiraan ng majority bloc, bagkus inilaglag ang mga bagong katropa, aba’y puro kasama­han sa minorya ang kontrabida. Ito’y hindi nangyari sa panahon ni Villar bilang Senate President, dahil mismong minority bloc -- sina Senators Loren Legarda, Ping Lacson, Pong Biazon, Noynoy Aquino, Mar Roxas, at Jamby Madrigal-Valade ang ‘always present’. Ngayong naiba ang nagtitimon, nasaan ang katukayo ni Joselito Cayetano -- si Alan Peter, ito’y hindi mahagilap sa session hall gayong napaka-aga ng 3:00 o’clock session para magtinda ng balut at penoy.
***
Noong nakaraang linggo, tinangkang patalsikin si House Speaker Prospero ‘Noggie’ Nograles ng mga taga-KAMPI party, as in tatlumpong (30) Congressman ang ‘gumalaw’ at ginagamit ang pre-need scandal upang wasakin ang imahe ni Noggie gayong Charter Change (ChaCha) ang lehitimong agenda kung bakit nanggigigil sa House Speakership. Mabuti na lang, maagap ang mga katropa sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) at tapat sa Lakas-CMD kung kaya’t natunugan ang mga coup plotter, kung hindi, nabangasan ang mukha ni Noggie. In fairness kay Nograles, maging sa iba pang nabiktima ni Sto. Domingo Albay Mayor Celso delos Angeles, ito’y naghangad lamang kumita sa Legacy Group Consolidated dahil ‘double your money’ ang offer at nagkataong minalas kaya’t walang tubong nakuha si Noggie, maliban sa sama ng loob kay Angeles. At least, balik-taya ang P20M!
Kundi nagkakamali ang Spy, inakala ng mga ‘kaporal’ ni Camarines Cong. Luis Villafuerte sa KAMPI, mag-snowball ang pre-need scandal kay Noggie kaya’t gumalaw para patalsikin, katulad ng nangyari kay ousted Speaker Jose de Venecia Jr., Isa lang ang mala-Avelino Razon kung bakit gustong sipain si Noggie ng mga taga-KAMPI, ito’y ‘non-believer’ sa term extension ni Mrs. Arroyo at napilitang isulong ang economic provision upang hindi mapag-initan ng Palasyo, as in may katigasan ang ulo at dini-dribble ang Charter Change kung kaya’t nagwawala ang mga ganid sa extra term at patuloy pinagtatangkaan patalsikin dahil mas mabilis ang pagratsada ng ChaCha train patungong SC kapag kauri ni Villafuerte ang may hawak ng ‘magic gavel’. Sabagay, welcome sa oposisyon si Noggie! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 9, 2009

feb 10 2009 abante tonite

Presidentiable ‘nadugo-dugo’ ni ex-Palace boy
Rey Marfil

Kung anong talino sa numero at kunat sa pondo, ito’y kabaliktaran lahat kapag kausap ng isang presidentiable ang inar­kilang media handler dahil puro tango at hindi maru­nong magsabi ng “No” na animo’y biktima ng ‘Dugo-Dugo Gang’ na na-hipnotismo at sunud-sunuran sa bawat ipag-uutos.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, ma­raming tauhan ang na­babahala sa estado ng ka­nilang operasyon nga­yong nakapasok ang dating opis­yal ng Malacañang bilang handler ng presidentiable, patunay ang walang kapa­rarakang paggastos sa pondo subalit iisang bulsa lamang ang bumubukol at final destination.
Ang ipinagtataka ng mga kurimaw, abot sa kaalaman ng presidentiable ang mga pangongotong at lantarang pangra-raket ng ex-Palace official sa kanyang opisina, katulad ang paghingi ng napakalaking budget sa media operations subalit walang magawa at hindi makapagsabi ng katagang “No” sa bawat hinihinging alokasyon nito.
Sa nagdaang panahon, makailang-beses nilaya­san ang presidentiable ng mga inarkilang media hand­ler at makailang-beses din nagpalit ng tauhan dahil napakakunat ng go­vernment official sa pag­labas ng pondo kahit lehitimong gastusin ang inila-lobby sa mga magulang at kapatid nito.
Kontrolado ng ina at kapatid, as in ‘family matters’ ang bawat sentimong inilalabas ng presidentiable kung kaya’t walang tumatagal na media hand­ler dahil ‘pahirapan’ kung makahirit ng sala­ping ipanglalarga sa propaganda at iba pang media operations.
Subalit ngayong pumasok si ex-Palace official, kahit walang kuwenta ang paggagastusan sa ‘media operation’, nagbago ng estilo ang presi­dentiable at ipinaglalaban sa ina at kapatid ang pangangailangan ng pondo kung kaya’t nababahala ang mga tapat nitong tauhan sa pinaggagawa ng kanilang amo.
Ang masakit sa lahat, bulag at bingi ang presidentiable sa mga sumbong tungkol sa mga dispalinghadong galaw at desisyon ni ex-Pa­lace official, as in binabalewala ang mga reklamong pinagkakakitaan lamang ang kanyang opisina at kinokotongan ang salaping inilalabas para sa propaganda o media operations.
Clue: Masyado pang malayo sa katotohanan ang popularity rating ng presidentialbe at kontodo-kayod para umangat, sa pamamagitan ng pagmamatapang sa entablado kahit takbuhin at mahilig magtago sa saya ng ina habang nasamsaman ng ‘dahon’ sa airport si ex-Pa­lace official, as in dating Undersecretary (Usec). Kung senador ang presidentiable, itanong kay ex-PCSO consultant Robert Rivero. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, February 6, 2009

feb 6 2009 abante

Senador sindami ng laway ang releases

Kung ano’ng dami ng laway ang sinasayang at pinapaulan sa public hearing, maging sa loob ng session hall, ganito rin kadami ang press releases na inilabas ng isang miyembro ng Upper House kada araw.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban tuwing mapag-uusapan ang daldalerong senador dahil halos malunod sa press releases ang Senate reporters, sampu ng mga ‘haosiao’ na napapadaan sa Media Center.


Kapag nasa public hearing ang daldalerong senador, wala nang maka­singit sa pagtatanong, as in, inari na ang buong pagdinig, maging chairman ng komiteng nagpapa-imbestiga ay inaagawan ng papel.


Kahit sariling public hearing, wala ring katapusan kung magpaulan ng laway ang daldalerong senador at halos nagkaka-flash flood sa dami ng saliva na nagtatalsikan sa committee room.


Ang tanging ikinakasuka ng mga miron, wala ring kasawa-sawa ang daldalerong senador kahit paulit-ulit binaba­terya ng mga kasama­hang solon at harap-harapang pinapa­tutsadahan ng mga reporter sa sobrang aksaya ng laway, maging ang kawalang kuwenta ng press releases nito.


Pintahan n’yo na: Nangangarap pang mag-Presidente ang daldalerong senador ga­-yong kakapiranggot ang popularity rating. Ito’y napaka-ingay at ayaw madikit sa dating amo gayong nanalo sa tiket nito.

Thursday, February 5, 2009

feb 5 2009 abante tonite

Blacklisted si Mang Gimo!
Rey Marfil


Hindi pa nakakapag-hello si retired General Tirzo Danga, mala-Hello Garci ang pag-iingay ng iba’t ibang kontratista sa National Printing Office (NPO). Ang nakakatawa lang, mismong kumpanyang ipina-blacklist ang numero unong nagmamagaling, alinsunod sa naglalabasang news report, partikular ang Ready Forms Inc. -- ang kumpanyang nakakorner sa P33 million contract ng Land Transportation Office (LTO) noong Hunyo 17, 2008 at pagmamay-ari ni Guillermo Sylianteng Jr.
Kundi nagkakamali ang Spy, hindi lamang P33 million printing contract sa LTO ang nakorner ng Ready Forms Inc., maliban kung itatanggi ng Philippine National Police (PNP), Pag-IBIG, at iba pang major pro­vinces nito. Sa kuwenta ng mga kurimaw, humigit-kumulang P200 milyon ang nadagit ng kumpanya ni Mang Gimo noong 2008. Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘super storm’ ang arrive ng Ready Forms sa Office of the Press Secretary (OPS), ma­ging sa Office of the President (OP) kaya’t mabibilang sa daliri ang kontratistang nababahagingan ng project.
Balikan natin ang pagkakasibak ni NPO chief Enrique Agana na inakusahang manyakis ng kanyang anak-anakan, hindi ba’t si Mang Gimo ang unang ‘naglaglag’ at nag-iingay sa illegal transaction ng opisyal gayung suspendido ng isang taon ang sariling kumpanya? Nasaan ang pagmamalinis ni Mang Gimo sa printing contract kung isang taong sinuspinde at ipina-blacklist, simu­la Disyembre 22, 2008? Kahit sinong rugby boys, naiintindihang ‘ban’ o hindi makakasali si Mang Gimo sa alinmang printing contract ng NPO sa buong 2009, mali­ban kung mawi-waive ang pagkaka-suspinde ngayong uupo si Lolo Pip, as in Tirzo Danga sa NPO?
***
Napag-uusapan ang pag-upo ni Lolo Pip, pinakamagandang gawin ng retiradong heneral ang magbagong-bihis at ibangon ang pagiging “Hello Garci general”, ka­tulad ng pagsasampa ng kasong kriminal kay Mang Gimo. Malinaw sa report ni NPO-Bids and Awards Commitee chairman Miguel Arcadio ang falsification of do­cuments ma kinasasangkutan ng Ready Forms, as in sablay ang isinumiteng 2007 financial statement sa Securities and Exchange Commission (SEC) at 2007 Income Tax Return. Ibig sabihin, panloloko sa 80 milyong Pi­lipino ang pagkakorner sa multi-milyong printing contract pinasok nito!
Kung mga naglipanang kurimaw sa NPO hallway ang tatanungin, hindi sapat ang 1-year ban sa kumpanya ni Mang Gimo bilang kabayaran sa pamemeke ng dokumento, bagkus habambuhay tatanggalan ng karapatang magnegosyo para wala ng magoyo. Teka lang, bakit hindi imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lahat ng isinusumiteng dokumento ng Ready Forms para malaman kung meron pang dispalinghadong dokumentong isinumite si Mang Gimo, maliban kung lehitimong magkumpare ang dalawa, katulad ng mga kuwentuhan sa iba’t ibang coffee shops at media forum?
Maliban sa kumpanya ni Mang Gimo, dapat ding imbestigahan ni Lolo Pip ang alegasyong isang ‘Atty. Sim’ ang itinuturong ‘taga-kamada’ sa mga bidding ng NPO. Ang ipinagtataka ng mga empleyado, kung bakit ‘umi-epal’ sa bidding si “Atty. 10%” gayong legal officer ang job description nito sa Philippine Postal Office (PPO). Mantakin niyo, sobrang layo ng Postal sa NPO, as in nasa Maynila ang pinapasukang office subalit nakakarating sa NPO headquarters na nasa EDSA, Quezon City. Sabagay, bagong Toyota Fortuner ang service vehicle ni “Atty. 10%” at balewala ang traffic, maging ang konsumo sa gasolina kung multi-milyon ang printing contract ay nakokorner ng kanyang kliyente sa NPO building. Ang nakakasuka sa lahat, gusto pang mag-appoint bilang NPO chief ni “Atty. 10%” at nagpapa-endorse kay Idol, as in senador Bong Revilla, maging kay Senate President Johnny Enrile. Ang tanong lamang: Ito’y double job at sabit si “Atty. 10%” kapag merong rumekta sa Civil Service Commission! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, February 4, 2009

feb 4 2009 abante tonite

Solon tumakbo sa away!
(Rey Marfil)

Kahit pakainin ng dog food, sadyang lalabas ang tunay na breed ng isang tao, patunay ang pagkabahag ng buntot isang mestisuhing miyembro ng Kongreso taliwas sa naunang pagmamatapang nito.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nabuhusan ng malamig na tubig ang umuusok na tainga at namumulang labi ng mestisuhing solon, as in nabahag ang buntot, animo’y asong kalyeng (askal) tinadyakan ni Mang Gusting dahil pakalat-kalat sa harapan ng bahay nito.
Bago nabahag ang buntot ng mestisuhing solon, unang nakipag-upakan sa isa pang hardliner solon ang kasamahang mambabatas tungkol sa pinagtatalunang legal issue sa floor.
Halos ilang minutong nagpapalitan ng opinyon sa legal issues ang dalawang solon at mistulang kinurot ng konsensya ang mestisuhing solon matapos magmukhang guilty sa naging patutsada ng kalabang paksyon patungkol sa paglalahong parang bula sa session hall ang mga ito.
Naging kaugalian ng mestisuhing solon ang magpa-check lamang ng attendance pagsapit ng alas-tres ng hapon at kasing-benta ng mga balut at penoy sa Pateros na nawawala, as in umi-eskapo sa session hall ang mokong.
Dahil tinamaan sa patutsada ng isa sa miyembro ng kalabang paksyon kahit isa sa hardliner ang kadebate sa floor, biglang sumulpot sa session hall ang mestisuhing solon at mabilis na tumayo para makipag-away dito.
Nang tumayo ang mestisuhing solon para makipag-upakan sa isang miyembro ng kalabang paksyon, kaagad nabaling ang atensyon ng media sa dalawa, kalakip ang paniniwalang nangangamoy-away at mabubuhay ang itinatagong alitan ng kanilang grupo.
Kung anong tapang nang tumayo sa session, animo’y asong naglalaway bunga ng matinding pagka-ulol, biglang natiyope ang mestisuhing solon nang pagbabateryahin ng kalabang paksyon at sungalngalin ang maling pagkakaintindi sa pinupuntuhang isyu nito.
Halos maglupasay sa katatatawa ang mga naglipanang kurimaw sa session hall matapos magbago ng tono ang mestisuhing solon kung saan biglaang naging ‘bass tone’ gayong mapa-Luciano Pavarotti ang taas ng boses nang tumayo para makipag-upakan sa kalabang paksyon, sabay upo sa designated seat nito.
Clue: Saksakan ng balimbing at walang kinikilalang kaibigan ang mestisuhing solon habang dating magkatropa ang isa sa miyembro ng kalabang paskyon at hardliner solon subalit mas pinili ng huli na sumama sa grupo ng una. Kung senador ang mestisuhing solon, ipagtanong kay Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, February 3, 2009

feb 3 2009 abante tonite

Ibang klase sina Bentot at Janet!
Rey Marfil


Ngayong naisara ang fertilizer probe, ni sa panaginip ayokong isiping ‘aksaya-laway’ lamang ang deklarasyon ni Wow Dick Gordon na ipatawag ang lahat ng supplier, katulad sa napakaraming laway na sinayang sa public hearing. Mantakin n’yo, tanging may-ari ng Feshan Philip­pines -- si Julie Gregorio ang naisalang sa hot seat at ibi­naon sa limot ang isa pang supplier ng liquid fertilizer -- si Janet Napoles gayong malaki ang nakuhang fertilizer fund sa Department of Agriculture (DA) noong 2004 election, maliban kung turo ni Ferdie Maglalang na nagsisilbing guwardiya, as in ‘tagabukas at tagasara ng pintuan’ sa opisina ni Gordon ang pag-etsapuwera rito?
Noong nakaraang Disyembre, makailang-beses naglabas ng press release si Wow Dick at nagbantang ipapaaresto si Napoles dahil inisnab ang Senate blue ribbon hea­ring subalit naisarang lahat, hindi man lamang nai­salang si Napoles sa hot seat at puro pagmumukha nina Gregorio, Maritess Aytona, Marilyn Araos at Jimmy Paule ang naka­balandra sa komite. Take note: December 22 2008, nagbanta pa si Wow Dick na ipapaaresto si Napoles dahil pinagtatawanan lamang ang Senate hearing subalit kahit lubid na ipantatali, hindi man lamang naka­bili si Wow Dick para mabitbit si Napoles patungong Senate building.
Maliban sa Feshan Philippines, isa ang kumpanya ni Napoles sa kasapakat nina Mr. Suave, as in Jimmy Paule at Marites Aytona, as in pinagkunan ng liquid fertilizer na ‘minadyik’ naman ni JocJoc Bolante at ginawang pera para tustusan ang kandidatura ni Mrs. Arroyo noong 2004 election. Kaya’t nakakapagtakang nawala sa eksena si Napoles at hindi nagawa pang ipatawag sa public hearing gayong paulit-ulit ang bantang kakasuhan at ipapaaresto, maliban kung sadyang nakaugalian ang mag-aksaya ng laway sa hearing o meron din ‘nagmamadyik’ sa office ni Wow Dick tungkol sa listahan ng mga isasalang sa hot seat lalo pa’t milyones ang kinita ni Napoles?
***
Bago magkaubusan ng miyembro, bakit hindi isakri­pisyo ni dating Insurance Commission (IC) President Ben Santos ang sarili, sa pamamagitan ng pag-resign sa Rotary Club, aba’y hindi pa nakakaupong Presidente, mara­ming nababastusan at pinagsisihan kung bakit ibinoto ang dating opisyal, maliban kung absent si Bentot nang pag-aralan ang good manners and right conduct (GMRC) sa Grade 1 o kaya’y nagkamali ng turo ang titser tungkol sa kagandahang-asal kaya’t matatalas ang salitang lumalabas sa bunganga?
Sa ngayon, animo’y buhok na nakakalbo ang member­ship ng Rotary Club, as in simula nang manalong Pre­sidente si Bentot, panipis ng panipis ang organisasyon -- ito’y napakalayo sa diskarte ng dating amo sa Department of Finance (DOF) si ex-Secretary Cesar Purisima.
Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: paano napagtiyagaan ni Purisima na makasama sa meeting si Bentot sa panahong naglilingkod kay Mrs. Arroyo? Sabagay, kamuntikan pang umarkila ng banda ang mga empleyado ng Insurance Commission (IC) at pinagpiyesta ang araw ng lumayas si Bentot sa kanilang opisina.
Kundi nagkakamali ang Spy, mula sa 320, ngayo’y 270 miyembro ang natitira sa Rotary Club at asahan pang magkakaroon ng ‘mass resignation’ kapag tuluyang naka­upo si Bentot ngayong Hulyo lalo pa’t brusko at matalas ang bunganga, katulad ng reklamong natanggap ng inyong lingkod. Mabuti lang nagkaroon ng katapat si Bentot noong nakaraang linggo at nasampolan ang pag-astang Presidente sa Rotary Club gayong hindi pa naman nakakaupo ito. Hindi pa huli ang lahat upang ayusin ni Bentot ang kanyang bunganga, maliban kung sadyang kinalakihan ang pagiging bastos sa kasamahan? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, February 2, 2009

feb 2 2009 abante tonite

Napahiyang solon bumawi, namudmod ng P500 load
(Rey Marfil)

Sa harap ng natikmang kantiyaw matapos mauwi sa ‘pasaload center’ ang Christmas Party noong nakaraang Disyembre, nagpakitang-gilas ang isang miyembro ng Kongreso at mistulang nagbabagong-bihis sa mata ng mediamen ngayong nalalapit ang eleksyon.
Nasaksihan ng TONITE Spy ang pagbabagong-anyo ng solon, katulad din sa pagkakabansag bilang numero unong hunyango sa pulitika at pagiging ‘balimbing’ o baliktarin ang pag-uugali sa mga kaibigang pinagkakautangan ng loob subalit iisa pa rin ang estilo dahil dinagdagan lamang ang halaga ng load na ipina-raffle nito.
Ang rason, nagpaka-galante ang solon sa harap ng mga reporter matapos mag-sponsor ng dinner taliwas sa mala-belekoy na handa noong nakaraang Pasko.
Hangaring makabawi ng solon at makaiwas sa intrigang hindi matanggap ang kamalasang sinapit ng kanilang grupo kaya’t nagmamaktol at nagmukmok sa isang tabi ito, humirit ng party ang kumag at nakatulong ang naglabasang blind item upang maging galante at ilabas ang mga naunang kinita sa pork barrel nito.
Tanging nakakatawang eksenang napansin ng mga kurimaw, hindi pa rin nagbago ng estilo ang solon matapos magpa-raffle ng load at lumalabas pang inisponsoran ng dalawang (2) higanteng telecommunications companies ang party, katulad din sa naunang Christmas Party ibinigay sa mga mediamen nito.
Bagama’t nagbabagong-anyo ang solon, katakut-takot pa rin na kantiyaw ang natikman sa hanay ng mga kurimaw dahil napaka-obsessed sa libreng load at nadagdagan lamang ng P200.00 ang naunang P300.00 load na ipina-raffle noong nakaraang Pasko.
Noong nakaraang Pasko, pawang tig-P300 load ang ipina-raffle ng solon at nagsilbing grand prize ang isang “pipitsuging kalan” na mabibili sa kanto kung saan kailangan pang magpakuha ng litrato, kasama ang sinuman sa staff para mabigyang katwiran ang panalo ng isang reporter dahil absent sa sariling Christmas Party ang mokong.
Matapos makantiyawan sa inihandang pa-raffle nang nakaraang Pasko, katulad ng mahiwagang kalan na nabili, mistulang napahiya ang solon kaya’t nagbigay ng ‘Pre-Valentine party’ sa mga reporter kahit dalawang linggo pa lamang ang nalalagas sa buwan ng Enero ngayong taon.
Sa pagkakataong ito, wala nang photo ops sa sinumang reporter na mananalo ng P500 load at hindi rin nagkaroon ng raffle dahil nakadikit sa ilalim ng upuan ang mapapanalunan ng mga ito. Higit sa lahat, tumaas ang level ng mambabatas dahil branded ang isang television set bilang grand prize taliwas sa naunang telebisyon na mukhang second hand mula Japan.
Clue: Kinakagat ng solon ang lahat ng mga naging kaibigan at nakatulong sa buhay kaya’t malapit nang madale ng ‘rabies’ ang kasakuluyang kinakasama sa pulitika. Kung senador o kongresista, ito’y kawangis ng utol ni Lotlot nagbida sa pelikulang “Halimaw sa Banga”. (www.mgakurimaw.blogspot.com)