Kaysa balutin ng pagmumukha ng ‘bayaning isinusuka ng vendors’ ang buong Metro Manila na si Bayani Fernando, maging ang buong kapuluan kahit labas sa charter ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pumasok ng probinsiya, mas makakabuting aksyunan ang reklamong natatanggap. Malay n’yo, isa ang email sender sa matanong ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia. At least hindi ‘zero’ sa presidential race si Chairman! “Kami po na mga driver na bumibiyahe sa rutang Novaliches-SM/MRT ay nananawagan na sana ay tulungan ninyo kami dahil sobrang naaapektuhan na po ang aming paghahanapbuhay dahil sa ginagawa ng mga tiwaling MMDA officials. Ang MMDA po ang namamahala sa aming terminal sa MRT North Station pero sa halip na kaming mga mahihirap na mga driver ay tulungan, kami pa ang kinokotongan. Pinag-a-apply nila kami uli ng permit para makapasok at makapagsakay sa loob ng MRT Loading kasabay ang paghingi sa amin ng Traffic Assessment na sila raw ang gagawa at babayaran namin ng P10,000. Ang nangyayari po ay kung sino ang may pera, siya lang ang makakapila sa MRT. Pati po iyong namamahala sa Central Terminal ay nanghihingi rin ng P1,000 sa bawat asosasyon na nagti-terminal doon eh, kami po ay nagbabayad na ng terminal fee pero kinokotongan pa rin kami. Sana po ay maiparating ninyo kay Chairman BF ang ginagawa ng kanyang mga tauhan sa amin na mga driver. Maaari po ninyo kaming makausap sa aming pilahan sa MRT Station o sa Central Terminal sa may EDSA malapit sa stasyon ng MRT at Quezon Avenue. Sender: villaliz@ymail.com *** Napag-usapan ang raket ng MMDA, saludo ang mga kurimaw sa pagpa-imbestiga ni Cong. Ompong Plaza sa multi-bilyon pisong kontrata ng Stradcom dahil barya lamang ang ZTE-NBN scandal na unang natunton sa opisina ni DOTC Sec. Larry Mendoza. Mantakin n’yo, simula nang mapasakamay ang database contract na nangangasiwa sa 4 milyong sasakyan at 12 milyong driver, animo’y Stradcom ang nagpapatakbo sa Land Transportation Office (LTO). At kahit sino pang Pontio Pilato at Hudas Escariote ang maupo sa LTO, ito’y sunod-sunuran sa mga taga-Stradcom, ewan lang kung merong ‘balls’ si LTO chief Tom Lantion? Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa LTO headquarters na sangkot ang Stradcom sa smuggling at carnapping, aba’y paano nga naman maipapasok sa LTO database ang mga carnap at smuggled vehicles kung walang bendisyon nito? Sa kasulukuyang sistema ng bayaran sa LTO -- walang ibang kumakamal ng mahigit P2 bilyon kada taon kundi Stradcom gayong bulok at paputul-putol ang sistema. At pagkatapos, Stradcom din ang itinuturong nakikinabang sa P400 milyong interconnectivity projects gayong dapat ito’y diretso sa LTO. Take note: meron pang alegasyong nagbibigay lamang ng 3% hanggang 6% ang Stradcom sa LTO gayong pag-aari ng LTO ang database na pinagkukunan sa validation. Hindi kaya inaabuso ng Stradcom ang posisyon bilang nagmamay-ari ng computer at IT facilities upang kontrolin ang lahat ng puwedeng pagkakitaan sa LTO? Maging ang planong takeover ng GSIS sa CTPL Insurance, walang ibang itinuturong promotor kundi Stradcom upang mamanipula ang buong operasyon ng LTO at maging inutil ang ahensiya lalo pa’t malapit nang mapaso ang kanilang kontrata sa 2010. Ibig sabihin, mapipilitan nga naman ang LTO na i-renew ang Stradcom ngayon pang matunog sa mga coffee shops bilang ‘broker’ sa negosasyon at mangongolekta sa bilyong kikitain bilang preparasyon ng MalacaƱang sa 2010 election. (www.mgakurimaw.blogspot.com). |
2 comments:
Ang problema din naman dyan sa mga jeepney drivers na yan ay hindi marunong sumunod sa batas. Masyado ng malala ang problema sa kanila. Dapat lahat yan ay kumuha uli ng exam dahil sa no loading and unloading ay dun magbababa ng pasahero at pag may isang jeepney driver na nakaparada sa may bus stop ay dun sa tabi nun din magpark kaya naking double parking natuloy. Tapos pag nahuli ay sisisihin ang nanghuhuli. Hindi ko kinakampihan ang mga taga MMDA. Ito ay experience ko at nagtataka nga ako bakit minsan may MMDA traffice enforcer na ay hindi pa hinuhuli. tsk tsk tsk tapos ngayon ang lakas ng loob na magreklamo nila.
yeezy boost 350
adidas yeezy
longchamp handbags
hermes
jordan retro
air jordan
kenzo hoodie
lebron 18
golden goose outlet
jordan 11
Post a Comment