Wednesday, October 8, 2008

oct 8 2008 abante tonite issue

Senador nilayasan ni misis
(Rey Marfil)

Taliwas sa ipinapakitang ‘ka-sweetan’ sa harap ng camera, katulad ng mala-langgam na pagmamahalan kapag maraming mapanu­ring-mata, tuluyang nilayasan ng kanyang misis ang isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at nagkatotoo ang matagal nang hinala ng lahat.
Maliban sa isyung may na-asembolang bebot ang kunyong senador, nadiskubre ng TONITE Spy na lumalim ang hidwaan ng mag-asawa sa lumala­king gastusin ng pamilya kung saan hindi magawang maglabas ng sariling pera ng mambabatas kaya’t nag-alsa-balutan ang misis nito.
Noong nakaraang Oktubre 6, araw ng Lunes, halos maghuramentado at nagwawala sa galit ang misis ng kunyong senador kung kaya’t nagdesisyong hiwalayan ang mambabatas, kasabay din ang paglalayas sakay ng evening flight patungong Hong Kong.
Naka-iskedyul sana ang misis ng kunyong senador na dumalo sa party ng mga miyembro ng Upper House kagabi (Martes) subalit sinabayan nito ng layas patungong Hong Kong, kasama ang alalay at anak nito.
Isa ang misis ng kunyong senador sa nakalistang guest kagabi sa Senate party na ginanap sa Manila Hotel, ganap alas-7:00 ng gabi su­balit hindi dumalo ang babae maging ang senador.
Ang nakakatawa sa lahat, meron pang titulong “One Family and Evening with Senators and Family’ ang pagtitipon ng Senate Spouses at mga senador sa Manila Hotel subalit kabaliktaran ang pangyayari sa sinapit ng kunyong senador dahil inabandona ito ni misis.
Bagama’t maraming ari-arian ang misis ng kun­yong senador at barya-barya lamang ang kinikita ng mambabatas, mistulang pelikulang ‘Kapag Puno na ang Salop’ na pinagbidahan ng namayapang si Fernando Poe Jr., ang ginawa ng kanyang misis.
Ang malaking sampal sa kunyong senador, to’y tuluyang nilayasan ng kanyang misis, bitbit ang kanilang anak dahil sa sobrang kunat, as in super belekoy kung saan hindi nito magawang magpakawala ng sariling pera dahil sinosolo ng mambabatas ang kinikita.
Unang nagkahiwalay sa panahon ng kampanya ang mag-asawa noong 2007 election subalit gumitna ang mga kapatid ng kunyong senador kaya’t napigilan ang pagkasira ng kanilang pamilya.
Matagal nang nabisto ni misis ang pagkakaroon ng karelasyon na naanakan pa ng kunyong senador subalit lumala ang hidwaan ng mag-asawa dahil sa pera.
Clue: Saksakan ng kunat ang senador at ikinagulat ng publiko kung bakit nagustuhan ito ng kanyang misis. Kung reeleksyunista o nangangarap tumakbong Vice President sa 2010 ang senador, abangan kung kaninong paksyon sasama ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: