Friday, October 3, 2008

oct 3 2008 abante issue

Ex-Palace official ‘kinotongan’ ng BMW

Kabaliktaran sa imaheng ‘maka-bayan at maka-mahirap’ kapag nagsasalita sa mga maralitang taga-lungsod, siyang dupang sa pera ng isang adviser ni ex-Pa­lace official, patunay ang lantarang ‘pambubukol’ kaya’t nakabili ng bagong modelo ng sasakyang BMW.


Hindi maitago ni Mang Teban ang matinding pagkadismaya matapos madiskubreng nakabili ng bagong modelo ng sasakyang BMW ang isang nagpapakila­lang lider ng militanteng grupo, sa pamamagitan ng ‘pa­ngongotong’ at ‘pambubukol’ sa pondo ng tanggapan ng kaniyang amo.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi man lamang nakitaan ng konting kahihiyan o delicadeza sa katawan ang dating lider ng militanteng grupo dahil harap-harapan pang ipinaparada ang bagong modelo ng BMW sa kanyang amo.


Nang minsang ipinatawag ang dating lider ng militanteng grupo sa bahay ni ex-Palace official, hindi nakapagpigil ang kanyang amo at diretsahang ibinulong sa ibang bisita na siya mismo ang bumili ng service vehicle ng una.


Sa pag-aakalang iniregalo ang bagong sasakyan sa kanyang adviser, ang kulay itim na X-5 BMW nakaparada sa kanilang harapan, napa-Wow ang kausap at pinuri ang pagiging galante ni ex-Palace official.


Subalit nang malaman nito ang katotohanan, kaagad kumambiyo si ex-Palace official at laking gulat ng ma­laman nitong nakabili ng bagong X-5 BMW ang da­ting lider ng militanteng grupo na tumatayong adviser ng una dahil sa ‘pambubukol’, as in ‘tinitira’ ang salaping ibinibigay ng kanyang amo o campaign donation para sa mga local officials.


Pintahan n’yo na: Nagbabalak pang makabalik sa poder si ex-Palace official kahit limitado ang termino habang ang dating lider ng militanteng grupo na tumatayong adviser nito’y meron letrang ‘C.R’, as in Corrupt at Raket ang bumili ng mga ralliyista.

No comments: