Kapag nagkataon, si Manny Villar ang ‘1st Senate President’ na nakasuhan sa committee on ethics, simula nang makamtan ng Pilipinas ang kasarinlan sa kamay ng mga Amerikano - ito’y malaking dagok sa imahe ng mister ni Maam Cynthia na nangangarap sa trono ng mister ni Jose Pidal. Nagkataon o sinadya, halos magkapareho ang eskandalong kinasasangkutan ni ex-President Manuel Quezon bilang Senate President noong 1933- ito’y may kinalaman sa real state. Kaya’t ipanalangin ng mga supporters ni Lolo Manny, ito’y ma-absuwelto sa committee on ethics kundi maagang mana-knock out (KO) sa presidential derby ngayong pang meron sumusungkit sa Senate Presidency. Umiikot lamang ang nangyayari sa pulitika at ‘sila-sila rin ang nagkikita sa finals’. Hindi ba’t si senador Joker Arroyo ang ‘No. 1 contender’ bilang Speaker of the House subalit ibinigay ni ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada kay Villar ang ‘go signal’? Si Lolo Joker din ang ‘No.1 mortal enemy’ ni Villar sa Lower House at nag-akusa ng corruption at conflict of interest sa mga ‘propriedad’ pero ngayo’y ‘No.1 Defender’ sa Upper House at magka-tropa sa Wednesday Club, as in nakalimutan humigit-kumulang 20-pages privilege speech noong August 17, 1998 sa Lower House? Si Lolo Joker din ang ‘No.1 mortal enemy’ ni Erap sa impeachment trial at nagpasakit ng ulo bilang prosecutor kaya’t meron Clarissa Ocampo at walk out na naganap pero ngayon katabi ng upuan at ka-jamming sa meeting ng majority bloc si senate pro-tempore Jinggoy Estrada na anak ni Erap, plus Villar na nag-akyat ng impeachment complaint sa Upper House at si senador Prancaceus Pangilinan, alyas Mr. Noted nagbulag-bulagan sa reklamong dayaan ng kampo ni Da King, as in Fernando Poe Jr., sa presidential canvassing sa Batasan? *** Napag-usapan ang ethics committee, animo’y nagkataon din ex-wife ni Atty. Ariben Sebastian - si Juliana Pilar ‘Pia’ Cayetano ang nakaupong chairperson ng komite - ito’y Ate ng katukayo ni Joselito Cayetano-si Alan Peter na ‘No.1 chatterbox’ ni Villar sa isyu ng double insertion o tongpats ng P200 milyong C-5 Road project gayong ‘No.1 best friend’ ni opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson noong May 2007 election at ‘buddy-buddy’ sa anti-corruption kontra Jose Pidal at kampon ni Mrs. Arroyo. Pero ngayon, ‘mala-Halimaw sa Banga’, ika ni Aling Matet ang katagang lumalabas sa bunganga ni Boy Watusi laban kay Lacson. Dito masusubukan si Ate! Ama nina Pia at Alan Peter ang huling nasampahan ng complaint sa ethics committee - ang namayapang si senador Renato ‘Compañero’ Cayetano na isinangkot sa P80 milyon sa BW Resources scandal gayong laway lang ang kapital sa kumpanya ni Dante Tan. Take note: Isa si Compañero, kasama ang namayapang si senador Robert Barbers sa ‘No.1 mortal enemy’ ni Lacson noong 12th Congress nang akusahang kidnapper, money launderer, drug trafficker at kung anu-ano pang kasong nilikha ng Palasyo, gamit si Ador Mawanay at Rosebud, a.k.a Mary Ong subalit ito’y kinalimutan ni Lacson at tinulungan si Boy Watusi sa kanyang laban kontra sa kanyang Tito Mike. Anyway, iisa ang track record ng mag-amang Cayetano, parehong na-ethics dahil sa pera at kasinungalingan at ngayo’y kapamilya ang timon sa imbestigasyon ng tongpats. Ang mister ni megastar Sharon Cuneta - si Mr. Noted ang chairman ng ethics committee at ‘No. 1 nagkula’ sa BW resources scandal ni Compañero na ngayo’y ka-tropa sa Wednesday Club ni Villar at ka-berks sa majority bloc nina Pia at Alan. Take note: Si Mr. Noted ang abogado nina SPO2 Ed Delos Reyes at SPO2 Dela Cruz - ang whistleblower sa Kuratong Baleleng na nagsabing shootout. At si Mr. Noted din ang nanawagang ‘ceasefire’ sa Lacson-Villar war, as in kalimutan ang double entry. Ang tanong lang, meron bang ipinanalong kaso si Pangilinan? Ang dating spokesman ni Erap - si Boying Remulla, ngayo’y Congressman ng Cavite ang ‘author’ ng reklamo laban kay Compañero at nagpatalsik kay Pangilinan sa fraternity pero ngayo’y ‘happy together’ at nagtatawagan pang ‘brod’ nina Lolo Joker at Dick Gordon. Hindi lang iyan, kapartido rin ngayon nina Villar at Boy Watusi si Cong. Boying habang ang nakakabatang kapatid-si ex-Cong. Gilbert Remulla ang spokesman ng Nacionalista Party (NP) na dating kasama ni Lacson noong 2004. Maging si Iloilo Vice Governor Rolex Suplico na taga-hawak sa mapa ng C-5 Road nang magpagtawag ng press conference, ito’y nagsilbing campaign manager ni Lacson sa Visayas at Mindanao region pero ngayo’y NP member. Talagang ‘Onli in da Pilipins! (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment