Mistulang nagkaroon ng domino effect ang nauusong paglalayas ng mga misis, kasunod ang pagkakadiskubreng nag-alsa balutan ang isa sa anak ng isang miyembro ng Upper House dahil hindi matagalan ang masamang pag-uugali ng ama. Sa report na nakalap ng TONITE, nag-alsa balutan, as in naglayas ang anak ng misis ng senador upang ipakita ang matinding pagkadismaya sa masamang pag-uugali ng ama bilang suporta sa madalas na pagdaing ng kanyang ina. Dati-rati’y kinakampihan ng anak ang senador kapag nagsusumbatan sa pera o nag-aaway ang mag-asawa subalit iba ngayon ang sitwasyon kung saan nagawang sumali sa away ng una at umiral ang pagiging makaina. Ang masamang pag-uugali ang malululutong na kadahilanan kung bakit sukdulan hanggang Central Luzon ang pagkabad-trip sa senador ng mga ‘kapamilya at kapuso’ ng napangasawa nito. Mismong naglipanang kurimaw sa Upper House ay dismayado sa pagiging belekoy ng senador kaya’t naiintindihan ng mga ito kung bakit nag-aalimpuyos sa galit ang mga kapamilya ng misis. Ang kagandahan lamang sa paglalayas ng anak ng makunat na senador, ito’y hindi napariwara, katulad ng mga eksena sa pelikula kung saan nalululong sa masamang bisyo at gawain ang mga ‘stow-away’ dahil dumiretso sa bahay ng kanyang mga pinsan. Sa kabilang banda, ikinatuwa ng mga kamag-anakan ng misis ng senador ang pag-alsa balutan ng panganay nitong anak dahil magsisilbing leksyon ang paglalayas para tumino ang ama. Mayaman ang angkan ng napangasawa ng kunyong senador, partikular ang isang public official na tinakbuhan ngayon ng kanyang anak, as in kayang ampunin ang buong pamilya ng mambabatas kapag nagdesisyong hiwalayan ang kumag. Clue: Kasing-kunat ng singaw na kornik ang kunyong senador at kalaban sa pulitika sa panahong magkasama sa ‘local level’ ang public official na tinutuluyan ng anak nito. Abangan ang susunod na kabanata. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment