Tuesday, October 7, 2008

oct 7 2008 abante tonite issue

Ma-artista o pulitiko, walang patawad!
Rey Marfil


Kahit saang coffee shops, usap-usapan ang pagbubuntis ng ex-television lady reporter at walang ibang itinuturong ‘suspetsado’ kundi ang kilalang ex-Palace official. Ang pinaka-latest report, ito’y ipinagtatayo ng mansion ni ex-Palace offi­cial. Hindi lang malinaw kung saang lupalop ng Metro Manila. Ang masakit sa panig ng lehitimong pamilya, tuluyang ‘nag-evacuate’ ang kanilang ina at tumira sa bahay ng isang anak sa Corinthians. Sino ba naman ang hindi mag-aalsa balu­tan kung madiskubreng ‘naglaro ang mga daga habang wala ang pusa’ nang magbakasyon sa Europa ang legal wife? Teka lang, nang minsan ipatawag ni ex-Palace official ang isa sa kaibigang reporter sa kanyang bahay, kasunod nitong lumabas sa kuwarto at nagpapatuyo ng buhok ang bebot, animo’y katatapos lamang mag-love making.
Kundi nagkakamali ang Spy, unang kinuhang secretary ni ex-Palace official ang ex-television lady reporter at binitbit sa Amerika pero ngayo’y astang-misis sa mismong bahay ng legal wife. Hindi nakakapagtakang natipuhan ni ex-Palace official ang bebot -- ito’y ‘kasing-height’ ng isa sa nakarelasyong singer at kahawig ng isa pang naasembolang starlet. Nang unang makita ng isang ex-general ang ex-television lady reporter, isa lang ang namutawi sa kanyang labi ‘mag-usap tayo pagkatapos ng tatlong buwan, hindi secretary ang magiging papel niyan’. Naganap ang prediksyon ni ex-general dahil ‘four months preggy’ ngayon ang bebot at puro statement ni ex-Palace official ang laman ng kanyang blog. Ganyan kalupit si ex-Palace official!
***
Maliban kay ex-Palace official, isa pang ‘House leader’ ang mala-Rea Rubbing Alcohol ang ‘motto’, aba’y sinamantala ang pakikipag-break ng isang ‘teenage actress’ mula sa Kapuso network sa kanyang politician boyfriend. Nang mabalitaang ‘cool off’ ang mag-dyowa, kaagad inimbitahan ng dinner date ni Congressman B ang young actress via text sa pag-aakalang pumapatol sa kahit sinong pulitiko at makukuha sa ‘pera-pera’ ang bebot. Ang nakakasuka at nakakadiri sa lahat, halos ‘apo sa tuhod’ ni Congressman B ang young actress pero gustong tikman.
Lingid sa kaalaman ni Congressman B, nakarating sa kaala­man ng ex-boyfriend ng young actress ang ‘dinner date’ na ino-offer. Hindi pa nakuntento si Congressman B, aba’y personal pang tinawagan sa cellular phone ang young actress at tinanong kung interesado sa dinner date subalit barado ang mga hirit. Ang nakakatawa lamang, nai-forward ng young actress sa ex-boyfriend politician ang text messages kaya’t pinagtatawanan ngayon ang ‘House leader’, hindi lamang ng mga taga-showbiz industry kundi mismong ‘politician friends’ lalo pa’t madalas mainterbyu sa television si Congressman B. Anyway, wala ring patawad sa ‘tsiks’ si Congressman B at ‘weakness’ ang magagandang lady reporter kaya’t nagkasabit-sabit!
***
Ang pinakamalupit nadiskubre ng Spy, hindi lang mga pulitiko at businessmen ang tambay sa kilalang massage parlor sa Binondo Maynila. Mantakin n’yo, pati taga-showbiz, katulad ng mga kilalang matinee idol at tinaguriang ‘hunk’, animo’y naubusan ng ‘pagpapalipasan ng init’ dahil numero unong parokyano at walang paltos kada linggo kung duma­law sa ‘katayan’. Huwag nating banggitin kung anong massage parlor ang nag-o-offer ng ‘extra services’ sa Binondo subalit kinagulat ng mga kurimaw ang pangalan ng isang talunang senatoriable ng Team Unity (TU) -- si ‘Veggie’, aba’y bukambibig at kilalang-kilala ng mga masahista ang kanyang surname at given name. Mabuti na lang, ‘masama ang pagkakadilig’ kaya’t hindi yumabong noong 2007!
Maliban kay ‘Veggie’, parokyano at tambay din ng massage parlor ang guwapito at kilalang Vice Mayor ng Metro Manila, maging ang ‘mortal enemy’ nitong ex-councilor na natalo sa pagka-congressman, ‘center player’ ng PBA Team na tinaguriang ‘Fil-Sham’ at komedyante na ‘mainstay’ sa kilalang noontime show. Ang isa pang ikinagulat ng mga kurimaw, ang isang multi-talented young actor ng Kapa­milya network, aba’y ‘kasing-blockbuster’ ng huling pinagbidahang pelikula kung ‘pumasyal’ sa sauna. Sabagay, may katandaan ang syota ng young actor at hindi nakakapagtakang maghanap ng batang masahista. Ang pinaka-latest na naispatan ng nakaraang linggo, walang iba kundi ang isang hunk at bida sa mga soap opera mula sa Kapuso network -- si Actor W! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: