Wednesday, October 15, 2008

oct 15 2008 abante tonite issue

City mayor nangbalasubas ng mga kontratista
(Rey Marfil)

Kung meron pinaka-balasubas sa lahat, wala nang tatalo sa isang city mayor ng Metro Manila, kasunod ang pagkakadiskubreng pinagkakitaan ang mga kontratista subalit hindi magawang bayaran ang pagkakautang nito.
Sa reklamong natanggap ng TONITE Spy, pinagkakitaan ni City Ma­yor ang kontrata subalit nang magkasingilan, ito’y nagawang pagtaguan ng alkalde kung saan ilang taon nang tinatakbuhan ang atraso sa mga contractor.
Isa sa misis ng mga kontratistang binalasubas ni City Mayor ang nagkumpirmang nagsasa-Palos ang opis­yal kapag oras ng singilan, patunay ang pag-iwas sa kanyang opisina sa tuwing bibisitahin sa City Hall, maging ng ilan pang pinagkakakautangan nito.
Ang matinding reve­lation sa lahat, gustong maki­parte ni City Mayor sa kukubrahing balanse ng contractor kung saan handang bayaran ng City Hall ang kabuuang pagkakautang subalit kailangang hati sa makokolekta, as in 50% ng collectibles ang mapapasakamay ng kumag.
Sa loob ng dala­wang taon, halos napudpod ang sapatos ng kontratista para maningil sa City Hall, as in pinabalik-balik ni City Mayor at pinapangakuang babayaran ang natitirang balanse sa ipinatayong gusali subalit nauwi sa laway ang lahat ng pag-uusap nito.
Clue: Saksakan ng dupang si City Ma­yor, hindi lamang sa pera kundi sa bebot, patunay ang pagkikipagrelas­yon sa isang personalidad at naglipanang guest relation officer (GRO). Ito’y meron letrang ‘R’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in mala-Total Recall. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: