Wednesday, October 22, 2008

oct 22 2008 abante tonite issue

Ex-mayor ginawang ‘aso’ ni Mayor
(Rey Marfil)

(Last Part)
Hindi nagtatapos ang kuwento sa paglilimahid ng isang ex-mayor matapos madiskubreng pinagkakitaan ni incumbent mayor ang kaibigan sa panahong namamayagpag sa kapangyarihan subalit ngayo’y hindi magawang tulungan at itinuturing pang utusan.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, ipinagkatiwala ni ex-Mayor kay incumbent Mayor ang lahat ng mga salaping kinita, maging ang mga ari-ariang naipundar sa pangongo­misyon sa iba’t ibang proyekto sa panahong nasa rurok ng kapangyarihan at tagumpay sa pulitika.
Nang matalo si ex-Ma­yor, ito’y naghirap kaya’t naibenta ang karamihan sa mga lupain at ari-arian, kabilang ang nasa panga­ngalaga ni incumbent mayor na nauna nitong ipinagkatiwala kung saan nadiskubre pang kumpanya rin ng nabanggit ang bumili rito.
Ang masakit sa lahat, naisahan din si ex-mayor dahil hindi lahat ng mga naipundar o ari-ariang ipinagkatiwala kay incumbent mayor, ito’y nakuha at li­ngid din sa kanyang kaalaman ay nai-divert sa mga kumpanyang pag-aari ng kaibigang opisyal.
Hindi maiwasang kaawaan ng mga kurimaw ang dating tinitingalang hari ng City Hall sa Metro Manila lalo pa’t mistulang asong bumubuntot kay Incumbent Mayor gayong kaparte sa salaping ginagastos ng kinikilalang kaibigan ang mga ‘kinita’ sa panahong ito’y nasa kapangyarihan.
Nang minsan kumakain si incumbent mayor sa kila­lang restaurant, kasama ang ilang kaibigan, isa rito’y nagtanong kung bakit hindi isinama sa kanilang lamesa si ex-mayor gayong abot-tanaw lamang sa labas ng pintuan at nagmumukhang tanga dahil walang kausap.
Sa halip imbitahan ay inutusan ang waiter na tawagin si Ex-Mayor sa kanilang lamesa, isang maanghang na salita ang lumabas sa bunganga ni Incumbent Mayor, kabuntot ang litanyang ‘Binigyan ko na, ayaw pa umalis’ kung saan ikinagulat ng kausap lalo pa’t nalalaman nitong sanggang-dikit ang dalawa sa panahong namamayagpag sa kapangyarihan ang dating opisyal.
Pintahan n’yo na: Ka­sing-labo ng mga lumang pelikula sa Sampaguita Compound kung makaka­balik sa City Hall si Ex-Mayor kung saan meron letrang ‘R’ as in nakalusot sa Recall habang mahilig pumapel si Incumbent Mayor kahit wala naman posisyon sa Arroyo government. Ito’y meron letrang ‘P’, as in kasing-tunog ng Pilantod ang surname. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: