Kundi lang anak ng gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mapagkakamalang ‘carnapper’ ang pamilya ng opisyal matapos ‘ikumander’ ang sasakyan ng mga mamamahayag na nagko-cover sa kanyang departamento. Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, sobrang dupang sa kapangyarihan at uhaw sa libreng serbisyo ang bagong saltang gabinete ni Mrs. Arroyo, patunay ang pagkumander sa mga service vehicles ng mga mediamen. Bago napasok sa MalacaƱang ang aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo limang service vehicles ang naka-assigned sa mga mediamen upang magamit sa coverage subalit nagbago ang lahat makaraang makatuntong ng presidential garden ang kumag. Ang rason, pina-recall ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo ang lahat ng service vehicles sa motorpool partikular ang mga naka-assigned sa mga reporter dahil walang magamit ang anak nito. Mula sa limang service vehicles nagsisilbing ‘press bus’ ng mga mamamahayag sa coverage, naging apat ang sasakyan ng mga mediamen at pinakabagong modelo ang pina-recall ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo hanggang nauwi sa dalawang unit. Makaraang ipagamit ang bagong Toyota Revo sa kanyang anak, ipina-recall din ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo ang bagong Mitsubishi Adventure bilang service vehicle ng kanyang chief of staff na nagkataong pamangkin nito at isa pang Toyota Revo na ipinapagamit naman sa mga staff. Ang nakakalungkot, dalawang kakarag-karag ang sasakyang natira sa motorpool bilang service vehicles ng mga mediamen kung kaya’t siksikan ang mga reporter sa press bus lalo pa’t humigit-kumulang dalawampu ang regular passenger dito. Habang siksikan at pinagpapawisan ang mga mediamen sa coverage, sakay ng press bus, pakuya-kuyakoy sa malamig na bagong modelo ng sasakyan ang anak, pamangkin at iba pang staff na binitbit ng aroganteng gabinete. Ang masakit sa panig ng mga mediamen, ginagamit lamang sa paglalakwatsa ng anak ng aroganteng gabinete ang bagong modelo ng sasakyan na naunang naka-assigned sa media coverage habang naka-standby lamang sa parking lot ang dalawa pang kinumander ng mga pamangkin at staff nito. Clue: Pangprobinsya lamang ang diskarte ng gabinete ni Mrs. Arroyo at nagkaroon ng ‘war shock’ matapos dalhin sa Metro kung saan napakabanal ng surname subalit arogante sa press conference. Ito’y kapangalan ng makatang tauhan ng First Family at meron letrang ‘S’, as in Santo Santito sa palasyo. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment