Sandamakmak ang nagsisilbing bodyguard ng isang aroganteng kampon ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, animo’y meron itong sariling private army at laging nasa giyera kapag pumapasok ng opisina. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, walang binatbat si Executive Secretary Eduardo Ermita, maging ang ilan pang gabinete ni Mrs. Arroyo na nakalinya sa defense department at national security agencies sa asta ng aroganteng gabinete. Ang rason, kasing-dami ng mga langgam sa presidential garden ang nagsisilbing bodyguard at security ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo, hindi pa kabilang ang sangkaterbang back-up vehicles, na animo’y susugod sa giyera ang opisyal. Ang nakakasukang nadiskubre ng mga naglipanang kurimaw sa presidential palace, na-triple ang gastusin ng opisina ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo simula nang maupo ito sa departamento kumpara sa mga pinalitang opisyal dahil animo’y ‘tubig’ kung magpakarga ng gasolina at ‘sinasagad’ ang gas allowance na ibinibigay ng pamahalaan. Bagama’t walang kinalaman sa national security ang papel sa MalacaƱang, dalawang tauhan ng Philippine National Police-Traffic Management Group (PNP-TMG) ang nagsisilbing hagad, sakay ng tig-isang motorsiklo, ng aroganteng gabinete. Maliban sa dalawang uniform PNP-TMG personnel, dalawa pang tauhang nakasakay ng motorsiklong naka-Enduro ang nagsisilbing ‘sweeper’, as in civilian clothed subalit parehong armado ng de-kalibreng baril. Ang malupit sa lahat, lima hanggang anim pang back-up vehicles o convoy ang nakabuntot sa service vehicle ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo, kinabibilangan ng mga de-otsong makina na sasakyan. Dahil ipinagbawal ang pagkakaroon ng maraming convoy at security, itinatago ng aroganteng gabinete ni Mrs. Arroyo ang mga nagsisilbing private armies, as in isang hagad at back-up vehicle lamang ang pinapapasok sa parking lot kapag pumapasok ng MalacaƱang. Clue: Astang-hari sa kalsada ang aroganteng gabinete at madaling maglaho kahit takip-silim. Ito’y ex-member ng Lower House kung kaya’t nangangarap makarating ng Upper House at mahilig sa katagang ‘nationwide’ sa press conference. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment