Kung nakakapasa at nakakasugat lamang ang bawat katagang kumalat sa text joke laban sa isang arogateng lady solon sa malamang nagmukhang bida sa maagang Senakulo ang mambabatas kahit napakalayo ng Semana Santa matapos paglaruan ng mga kalaban at sariling kasamahan ang kahibangan nito. Ang rason, lumalatay ang mga katagang nakapaloob sa text joke laban sa lady solon, katulad ang pagbabalik-tanaw sa kanyang kahibangan at makailang-beses na pagluwag ng turnilyo, as in ipinaalala ng mga kaaway ang kapraningan ng mambabatas sa nagdaang panahon. Sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Kongreso sa isang napakalaking eskandalo, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano pinaglaruan sa text ang pagkatao ng lady solon kung saan sentro ng katatawanan ang mga katagang binibitawan ng mambabatas at paulit-ulit nitong pagsisinungaling tuwing makukunan ng sound bite sa interbyu. Bagama’t hindi malinaw kung kampo ng kalaban sa pulitika ang mastermind sa pagpapakalat ng malisyosong text joke, maging ilang kagawad ng media hindi maiwasang magbigay ng komento sa ‘kapraningan’ ng lady solon at ipasa sa mga kapwa-mediaman ang mga nalalamang kahibangan ng mambabatas. Kapag sineryoso ang mga katagang nakapaloob sa text messages, ito’y lumalatay sa pagkatao ng lady solon subalit nauuwi lamang sa katatawanan sa hanay ng mga mediaman na nakakatanggap ng malisyosong mensahe dahil lantad sa kaalaman ng mga itong ‘may tama’ ang nabanggit. Hindi naman magawang sisihin ng mga kurimaw ang mga nagpapakalat ng text joke laban sa lady solon dahil naging ‘trademark’ ng mambabatas ang magsinungaling sa publiko, katulad ang paulit-ulit nitong pagbawi sa mga deklarasyon. Clue: Paulit-ulit nagbanta ang lady solon sa kanyang buhay at kalaban sa pulitika subalit paulit-ulit din nagsinungaling. Ito’y merong letrang ‘S’ sa kabuuan ng surname, as in Sala sa init at Sala sa lamig sa bawat isyu. Kung senadora o congresswoman, abangan kung magre-reelection sa 2010. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment