Katulad ng kasabihang ‘good cop, bad cop’, hindi matanggap ng isang matandang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaroon ng ‘arrive’ ng bagong saltang gabinete kaya’t matinding pagka-bad trip ang nararamdaman nito. Sa report nakalap ng Tonite Spy, ‘hindi feel’ ng matandang gabinete ni Mrs. Arroyo ang bagong saltang gabinete sa kabila ng mahabang pinagsamahan sa legislative body bago napunta sa Palasyo. Ang rason, mala-animalistic ang arrive ng bagong saltang gabinete, as in ‘may dating’ ang mga katagang lumabas sa bibig kumpara sa lahat ng mga presidential appointees na hindi makabasag pinggan kapag kaharap si Mrs. Arroyo. Bago pa man nakarating ng MalacaƱang, likas sa bagong saltang gabinete ang pagiging prangka sa kausap at mala-tambay sa kanto ang mga katagang lumalabas sa bunganga kaya’t madalas inaakusahang sanggano at bastos ito. Dahil may pagka-barumbado magsalita sa press conference at madalas mambara ng reporter ang bagong saltang gabinete, ito’y ikinukumpara sa mga government officials na kanyang pinalitan sa trono kung saan napakalamya at expertise ang mambola ng sagot. Ang ipinagtataka lamang ng mga kurimaw sa presidential garden kung bakit ngayon lamang umangal ang matandang gabinete sa ‘mala-maginoo subalit bastos’ na diskarte ng bagong saltang gabinete gayong matagal na nakasama sa isang sangay ng gobyerno. Maliban dito, makailang-beses din nagkasama sa iba pang departamento ang dalawang (2) gabinete at palaging ‘nag-i-exchange notes’, as in hindi bago ang nangyaring ‘reunion’ sa presidential garden kung saan konektado ang kanilang trabaho. Sa kabilang banda, hindi rin masisi ang bagong saltang gabinete na mag-astang sanggano at bastos dahil saksakan ng bolero ang mga pinalitan sa puwesto, animo’y araw-araw nagtitinda ng ‘keso de bola’ para makumbinse ang mga mediamen kausap nito. Clue: Mula sa malayong lalawigan ang bagong saltang gabinete at nagpalipat-lipat ng ahensiya bago tuluyang nakarating sa presidential garden kung saan meron letrang ‘J’, as in Jihad habang meron letrang ‘T’ sa surname ang matandang gabinete, as in Tulo-laway sa isang may edad na bebot at nataranta dahil kamuntikan pang na-privilege speech sa Senate. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment