Ngayong inaabangan ang pagbitbit kay Jocjoc Bolante ng US Marshalls, hindi maiwasang maungkat ang 2007 report ng Commission on Audit (COA) laban sa Department of Agriculture (DA) -- ang pagkukumpara ng programang Ginintuang Masaganang Ani (GMA) sa fertilizer scandal, sa pamamagitan ng municipal agriculture officers (MAOs). In fairness kay Agriculture Sec. Art Yap, ito’y kaagad lumikha ng fact-finding committee at naisumite ang resulta ng imbestigasyon kay Asec. Eduardo Nolasco nakaraang Setyembre at isa sa repormang ipinatupad ang monitoring sa farm productivity projects sa mga lalawigan.
Sa bagong sistema at guidelines inilabas ni Yap, lumikha ng national at regional team ang departamento para bantayan ang daloy ng pondo sa pagitan ng program partners, katulad ng non-government organizations (NGOs) at people’s organizations (POs), ito ang magsisilbing internal audit system upang masukat ang progreso ng ‘GMA initiatives’ at masigurong nakakarating sa mga magsasaka at mangingisda ang ‘intervention measures’. At least napakasensitibo ni Art Yap sa mga banat, hindi katulad ng ilang kampon ni Mrs. Arroyo, aba’y mala-adobe ang balat at abot-tainga pa ang ngiti kapag naiinterbyu ng media!
Sadyang mainit ang silya ni Art Yap dahil lahat ng naupo sa departmento, hindi lang sinalanta at binagyo ng eskandalo kundi ‘napeste’ ng mga intriga subalit ‘di hamak mas maayos ang pangangasiwa sa estudyante ng esmi ni Jose Pidal, aba’y nalagpasan ang pinakamalaking delubyo sa Pilipinas -- ang rice crsis, as in umakyat sa 4.7%, mas mataas sa 3.7% kahit tinamaan ng global food crisis ang buong mundo at tumaas ang farm production cost na nagpapahina sa ani. Ika nga ni Aling Matet habang nagtatakal ng bigas, kahit paano, napalago ni Art Yap ang sektor ng agrikultura at personal na kinakausap ang mga magsasaka, hindi puro raid at photo ops upang magpa-cute sa media.
***
Sa mahabang listahang ipina-subpoena ni Miriam Santiago ngayong araw, nangunguna ang 20 police at immigration officers na umangkas sa 77th Interpol General Assembly sa Moscow, Russia. Tanging sina Generals Eliseo dela Plaz, plus asawa, Rolando Garcia, Emmanuel Carta plus asawa, Ismael Rafanan, Romeo Ricardo, Silverio Alarcio Jr., Silverio Doria, at Jaime Caringal plus asawa, Supt. Elmer Pellobelo at esmi ni PNP chief Jesus Verzosa -- si Cynthia ang nasentro sa ‘Russia scandal’ gayong mas maraming kampon si ‘Sir Raul’, as in DOJ Sec Raul Gonzalez ang sumawsaw sa biyahe, katulad nina BID chief Marcelino Libanan, NBI Director Nestor Mantaring, Atty. Reynaldo Esmiralda (NBI), Atty. Claro de Castro (NBI), Arnel Dalumpines (NBI), Atty. Norman Tansinco (BI), Atty. Floro Balato Jr., (BI), at Atty. Joysli Tabajonda (DOJ). Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy at ex-PTA chief Nixon Kua!
Isang mali ni Lola Miriam sa listahang ipina-subpoena, hindi taga-NBI kundi reporter ng Standard Today si Romy Evangelista, katulad ng inilabas sa media. Kung susuriing mabuti ang 120,000 euros nasita sa mag-asawang Dela Paz -- ito’y barya lamang kung ikukumpara sa kabuuang ginastos ng Philippine government sa ipinadalang delagasyon sa Moscow kapag pinagsama ang mga kampon ni Libanan at ‘Euro Generals’ lalo pa’t karamihan dito’y nagbitbit ng asawa at kapamilya. Kahit nagkalat ang ‘Russian beauties’ naglalabasan ang buhok sa kili-kili at bagsak-presyo sa kalye, kalokohan kung walang nagdala ng ‘yaya’, as in yayariin sa Russia, katulad ni Mr. M, animo’y nilasap ang mala-Russia na pagkakalaya sa diktaturyang asawa!
Kundi nagkakamali ang Spy, wala sa kalahati ng listahan ang hawak ni Lola Miriam, as in humigit-kumulang 100 ang delegasyon dahil kung sinu-sinong kamag-anak ang binitbit ng mga opisyal at wala rin sa listahan ng lady solon kung sinong public official at numero unong delegado ang nagbitbit ng ‘yaya’. Sa halip, misis o kaya’y anak ang isama sa biyahe, kinasangkapan ni Mr. M ang Interpol General Assembly para makapaglaro ng apoy, animo’y gutom na gutom sa laman, aba’y dalawang ‘sandwich’ ang baon. Take note: pawang guest relation officers (GRO) mula sa kilalang nightclub ang pinaglaruan sa kuwarto. Ang sistema, hindi isinama sa delegation list ni Mr. M ang dalawang bebot -- ito’y kasabay lamang sa pag-check in sa hotel subalit ibang upuan sa eroplano at hiwalay ang entry sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumaan sa immigration officer para iwas-eskandalo. Kung sino ang walang natutunan sa Interpol Assembly, iyon si Mr. M, as in ‘Mambubutas’ dahil habulan at taguan sa kumot ang inatupag sa loob ng hotel.