Wednesday, August 6, 2008

hulaan blues aug 6 2008 1 issue abante tonite


Gabinete nagkamot ng ‘betlog’ sa presscon
Rey Marfil

Kung nabansagang ‘Boy Kulangot’ ang isang dating senador noong 12th Congress dahil nakahiligan ang mangulangot sa press conference, mas malupit at kadiri ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil nagkalkal ng itlog sa harap ng mediamen.
Sa isang ambush interview pagkatapos dumalo sa public hearing sa Upper House muntikang masuka ang Tonite Spy sampu ng naglipanang kurimaw sa Senator Claro M. Recto Room matapos masaksihan ang pagkakamot ng itlog ng gabinete ni Mrs. Arroyo.
Sa unang tingin, mapagkakamalan pang ‘bunihin’ ang singit o kaya’y pinamumugaran ng kuto at lisa ang ‘barangay tanod’ ng gabinete ni Mrs. Arroyo dahil walang patumanggang nagkakamot kahit mara­ming mediamen ang nakakapansin dito.
Bago nagkakamot ng itlog ang gabinete ni Mrs. Arroyo, ito’y matiyagang nagpa-ambush interview sa ilang mediamen na nasa kabilang bahagi ng committee room kung saan nakatago sa dalawang bulsa ang mga kamay nito.
Sa kasagsagan ng interbyu, hindi na magawa pang itago ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang pangangati ng itlog matapos pagkalkalin ang kanyang hinaharap at hindi man lamang inalintana ang mga babaing kagawad ng media nasa harapan ng mokong.
Ang matinding revelation sa lahat, dalawang lady reporter ang naka-pronta sa ambush interbyu at lu­malabas pang nagpapatigas o naghihimas ng kanyang ‘barangay tanod’ ang gabinete ni Mrs. Arroyo.
Hindi magawang lumayo ng dalawang lady repor­ter habang nagkakaskas at nagkakamot ng kanyang singit ang gabinete ni Mrs. Arroyo dahil mawawala sa isyu at napaka-importante ang interbyu sa kumag.
Walang nagawa ang dalawang lady reporter kundi dedmahin sa loob ng humigit-kumulang sampung minuto, as in patay malisya sa pagkakamot ng gabinete ni Mrs. Arroyo hanggang matapos ang ambush interview dito.
Clue: Hindi magawang bitawan ni Mrs. Arroyo ang gabinete dahil sukdulan hanggang Tipu-tipo at Maguindanao ang pagkakautang noong 2004 election. Ito’y meron letrang ‘SP’ sa kabuuan ng apel­yido, as in ‘Super Power’ sa dayaan kung kaya’t nabigyan ng panibagong puwesto. (www.mgakurimaw.blogspot.com).