Monday, August 25, 2008

aug 24 2008 abante tonite issue

Lady broadcaster gustong tikman ng gabinete sa abroad
Rey Marfil

Bagamat ‘local product’ ang gustong i-kama, handang gumastos ng milyones ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa abroad para lamang matikman ang maganda at morenang broadcaster na matagal nang kinakabaliwan at pinagpapantansyahan sa panaginip ng opisyal.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang ‘nagwater-water’ bagkus tulo-laway ang isang gabinete ni Mrs. Arroyo sa maganda at morenang broadcaster, patunay ang walang katapusang pag-alok ng libreng biyahe sa abroad upang maisakatuparan ang matagal nang pagnananasang naglalaro sa isipan nito.
Bagama’t meron sariling programa sa isang telebisyon, dating ‘umi-ekstra’ lamang sa news break o taga-hatid ng hourly news sa isang radio station ang morenang broadcaster kung saan naispatan ng gabinete ni Mrs. Arroyo na isang block timer kaya’t ginawa nitong regular sa kanyang weekly program.
Bago naging mag-partner sa weekly program, makailang-beses pang inalok ng malaking suweldo ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit tinanggihan ng bebot, kalakip ang pangambang mamanyakin lamang ng opisyal lalo pa’t kilalang babaero at maraming ikinakama ito.
Sa bandang huli, napilitan ang morenang broadcaster na tanggapin ang alok ng gabinete ni Mrs. Arroyo kahit hindi kailangan ang malaking suweldo dahil may kaya ang pamilya nito bagkus sa pakiusap ng mga big boss sa radio station pinagta-trabahuan nito.
Sa paniniwalang makukuha sa ‘pera-pera’ at isa sa kaladkaring babae ang morenang broadcaster, katakut-takot na pangungumbinse ang ginawa ng gabinete ni Mrs. Arroyo para maisama sa biyahe o foreign trip ang bebot subalit bistado ang pagiging ‘SMB’ ng opisyal, as in Style Mo’y Bulok.
Makailang-beses inimbitahan at tinangkang isama sa abroad ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit wala rin katapusang sumi-semplang ang opisyal, maging sa loob ng radio booth lantaran ang pagpapalipad-hangin ng kumag tuwing magkikita sa weekly program.
Ang nakakalungkot lamang, madalas nauuwi sa malalaswang pananalita ang lumalabas sa bunganga ng gabinete ni Mrs. Arroyo, animo’y bagsak sa GMRC class, as in pula ang grado sa good manners and right conduct dahil nagiging bastos ang opisyal sa sobrang pagka-obsess sa morenang broadcaster.
Clue: May kamukhang senador ang gabinete ni Mrs. Arroyo at kasing-hilig din manungkit ng lady broadcaster nito. Kung sino ang opisyal at morenang broadcaster, abangan sa Miyerkules ang karugtong at alamin kung anong bansa huling inimbitahan ang bebot. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: