Friday, August 8, 2008

kartada 5 aug 8 2008 abante issue

Asawa ng senador, nag-angas sa session hall

Kung anong angas ng matandang senador sa mga debate, interpellation at media interview, ganito rin ang pag-uugali ng kanyang asawa matapos magyabang sa session hall at palayasin sa designated seats ang mga staff ng mga kasamahang mambabatas.


Hindi maitago ni Mang Teban ang matinding pagkadismaya matapos masaksihan kung paano nag-angas sa session hall at palayasin sa kanilang upuan ng asawa ng isang matandang senador ang mga kawawang legal staff ng minority bloc, animo’y untouchable at hari ito.


Bagamat merong nakalaang upuan sa mga bisita sa VIP gallery, mas piniling umupo ng asawa ng senador sa ‘box staff’ ng mino­rity bloc na kinalalag­yan ng mga tauhan o legal staff ng mga opposition senators.


Naging komposisyon o polisiya sa Upper House ang pagkakaroon ng designated seats sa lahat ng mga legal staff ng mga senador, katabi ng barandilyas upang mabilis makausap ng kanilang amo kapag merong itatanong ang mga ito.


Nang pakiusapan ang asawa ng matandang senador na lumipat sa VIP gallery na sadyang nakalaan sa mga bisita, nag-angas at nagawa pang singhalan ang mga legal staff ng pitong (7) opposition senator, gamit ang katagang ‘Eh gusto ko dito’.


Ang malupit sa lahat, nagawa pang magtawag ng mga kasama ang asawa ng matandang senador kaya’t napuno ang kanang bahagi ng gallery na nakalaan sa box staff o legal staff ng opposition senators.


Higit sa lahat, nasa kabilang bahagi ng gallery ang upuan para sa mga staff ng asawa ng matandang senador subalit hindi nagawa nitong ukupahan bagkus nang-agaw ng puwesto.


Pintahan n’yo na: Baliktarin sa pulitika ang asawa ng matandang senador. Ito’y nagsilbi din sa panahon ni Estrada. Kung bebot o kelot ang solon, abangan kung hihirit ng re-election.

No comments: