Bagamat ‘nagmantika ang nguso’                      sa sangkaterbang pork barrel na pinagkakitaan sa mahabang                      panahon ng panunungkulan sa Upper House, sadyang walang pagbabago                      ang pag-uugali ng dating senador dahil saksakan ng kunat                      at sobrang damot sa abuloy.                                          Ang nakakasukang nadiskubre ni Mang Teban, manhid sa anumang                      kritisismo ang dating senador at binabalewala ang                      mga akusasyong masama ang pag-uugali at napakakuripot dahil                      nagawa pang pagdamutan ng abuloy ang mga tauhang namatayan                      ng kamag-anak, partikular sa bagong opisinang pinaglilingkuran                      nito.                                         Ang pinakamalupit sa lahat, pinakikialaman din ng dating senador                      ang nakaugaliang ‘pagpatak-patak’ ng abuloy o                      pagpapaikot ng sobre ng mga tauhan kapag meron kasamahan sa                      opisina ang namamatayan ng kamag-anak dahil wala naman burial                      assistance na ibinibigay ang mambabatas.                                         Sa halip magbigay ng konting abuloy sa tauhang namatayan ng                      kamag-anak, ipinagbawal pa ng dating senador ang pagpapaikot                      ng sobre, as in ipinag-utos sa buong opisina na iwasan ang                      ganitong sistema, gamit ang rasong mamimihasa at masasanay                      ang mga itong manghingi ng donasyon.                                         Hindi naman maitago ng mga staff ang matinding pagkadismaya                      sa dating senador dahil hindi na nga nagawang magbigay kahit                      singkong duling na abuloy sa namatayang tauhan, inuutusan                      pang maging maramot at gayahin ang masamang pag-uugali nito                      gayong bukal naman sa kalooban ang ginagawa ng mga ito.                                         Pintahan n’yo na: Nangangarap bumalik sa Upper House                      ang dating senador kaya’t matitinding pag-atake ang                      ipinupukol sa administrasyon para ma-recall ang apelyido.
  | 
No comments:
Post a Comment