Bagamat paulit-ulit na tinabla ang imbitasyon, sadyang walang kadala-dala ang isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mas nanaig ang matinding pagnanasa sa morenang broadcaster, kalakip ang paniniwala nitong makukuha sa sipag at tiyaga ang pangunumbinse sa bebot. Sa report nakalap ng Tonite Spy, dalawang beses inimbitahan ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster na manood sa laban ni Peoples Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Las Vegas , hindi kabilang ang nauna pang imbitasyong magbakasyon sa Europa. Kung mahina ang ‘corazon’ ng morenang broadcaster, ito’y matagal nang bumigay lalo pa’t magagandang lugar ang biyaheng inaalok ng gabinete ni Mrs. Arroyo tuwing magkikita sa radio booth at makasama sa weekly program subalit matinong bebot ang nakatapat ng kumag. Sa mga naunang laban ni Pacquiao, makailang-beses inalok ng ringside ticket ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit tinanggihan ang US trip dahil abot ng kanyang kaisipan ang masamang binabalak ng opisyal, as in gusto itong isahan at gagawing palusot lamang ang biyahe. Kahit napahiya sa dalawang beses pag-alok ng libreng ticket sa laban ni Pacquiao, kasama ang hotel accommodation sa magarang hotel sa Las Vegas at pasahe sa eroplano, hindi pa rin tinantanan ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster, pinakahuli sa laban nina Pacman at Mexican boxer David Diaz. Sa loob ng radio booth, direktang kinausap ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster at inalok ng ticket sa ringside subalit nagbiro ang bebot na walang matutuluyan sa Amerika kung saan kasing-bilis din ng kidlat nag-offer ang opisyal sa Mandalay Hotel. Lingid sa kaalaman ng gabinete ni Mrs. Arroyo, ito’y ‘pinapasakay’ lamang ng morenang broadcaster tungkol sa kahandaang manood ng laban nina Pacquiao at Diaz dahil pinagsabihan ng bebot ang opisyal na ibigay ang ringside ticket sa live-in partner nitong ex-Congresswoman. Clue: Maliban sa pagiging kamukha ng isang senador, meron kinakasamang ex-congresswoman ang gabinete ni Mrs. Arroyo. Ito’y nasangkot sa isang eskandalo at meron letrang ‘SL’ sa pangalan at apelyido, as in saksakan ng libog habang nagbabalita sa government station ang morenang broadcaster na kaapelyido ng isang dating aktres at natalong senatoriable. (www.mgakurimaw.blogspot.com). |
No comments:
Post a Comment