Thursday, August 21, 2008

aug 21 2008 abante tonite issue

Malinaw ang survey!
Rey Marfil


Anuman ang resulta ng Game 7, malinaw ang pagiging ‘crowd favorite’ ng Barangay Ginebra at pinaka-unpopular ang Air21 sa Philippine Basketball Association (PBA), alinsunod sa Social Weather Station (SWS) Sports Survey na isi­nagawa noong Marso 30 hanggang Abril 2. Ang nakakagulat, hindi ‘solo liderato’ ang Baranggay Ginebra, katulad sa inisip ng sports fanatic, aba’y ka-tabla ang Purefoods bilang most favorite team, kasunod ang Magnolia (21%), as in sosyo sa 31% ang Purefoods Team nina James Yap at Gin Kings ni Mark Ca­guioa. Tanging National Capital Region (50%) at Luzon (39%) malakas ang Ginebra at nilamon ng Purefoods sa Visayas (36%) at Mindanao (29%). Nangangahulugang, mas malaki ang kikitain ng PBA kung Ginebra vs Purefoods o kaya’y Magnolia vs Ginebra sa finals.
In fairness sa Air21, ito’y hindi nag-iisa bilang unpo­pular team sa PBA dahil kasosyo sa 1% ang Coca-Cola, isa pang sister-team ng Purefoods, Ginebra at Magnolia, kasunod ang Alaska (13%), Sta. Lucia (5%), Red Bull (4%) at Talk and Text (3%). Ibig sabihin, walang kalalagyan sa Ultra, Araneta at Cuneta ang sinumang mag-iingay kontra Brgy. Ginebra, maging sa dalawa (2) pang PBA team nasa kontrol ng San Miguel Corporation (SMC). Iyon nga lang, bilog ang mundo, katulad ng Ginebra commercial at nasa puso ang pagsu-shoot ng bola. Kaya’t hindi sagot ni Tempo reporter Rolly Carandang ang padala n’yo, sinuman ang manalo sa Air21 at Ginebra lalo pa’t ito’y maka-Magnolia.
***
Napag-usapan ang SWS, pinakamagandang ‘showing’ sa 2nd quarter presidential survey sina SP Manny Villar Jr., at opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil parehong umangat kumpara sa pagbagsak nina Vice President Noli De Castro Jr., at kaibigang matalik ni senador Edong Angara -si senadora Loren Legarda-Le­viste. Mula 17% umakyat sa 25% si Villar habang si Lacson (16%) inukupahan ang No. 4 spot - ito’y malayo sa 12% noong Marso at 13% noong Disyembre, as in partida pa iyan, hindi umiikot ng proninsiya. Ibig sabihin, malaki ang tsansang umangat ni Lacson lalo pa’t napakalayo ang 2010.
Sa huling presidential survey, natapyasan ng 4% si De Castro (31%), maging si Loren Sinta (26%) bumagsak ang popularity rating. Take note: 44% ang pinakamataas ng ex-wife ni murder suspect Tony Leviste noong Set­yembre 2007, maging boypren ni Korina Sanchez - ito’y ‘na-s­paghetti pababa’, katumbas ang 3%, as in pababa ng pababa si Mar Ro­xas dahil pinakamataas ang 20% noong Disyembre subalit lumagapak sa 16% noong Marso, pinakahuli ang 13% nga­yong Hunyo. Ang tanong ng mga kurimaw: Anong demolition job at dirty tricks ang ilulunsad ni ex-Usec Bobby Capco na inaakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Ro­bert Rivero sa Senate hearing upang masira ang imahe ng mga kalabang pre­sidentiables ng bagong amo, katulad ng natikman ni Lacson sa mahabang panahon, alinsunod sa exposé ni Blanquita Pelaez.
Ang nakakadismaya lang, hindi pa rin maalis ng SWS ang ‘subong tanong’ o guided question sa pagsagawa ng survey, aba’y tatlong (3) pangalan ng presidentiable ang hinihihi­nging kapalit ni Mrs. Arroyo sa 2010, eh wala naman Deputy President for Visayas, Mindanao at Luzon, maliban kung nahawa kay ex-House Speaker De Venecia Jr., si Mahar Ma­ngahas, katulad ng pinauso sa Lo­wer House? Ang kagandahan lang, tila naintindihan ng respondents ang one-term policy sa Presidency dahil No.7 si da­ting Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada (11%).
Ang katotohanan, mas makakabuting kalimutan ng ‘ba­yaning isinusuka ng mga vendor’ - si MMDA chairman Ba­yani Fernando ang pagtakbong pangulo ng Pilipinas, ma­ging sina Makati Mayor Jojo Binay at senador Dick Gordon, aba’y hindi man lamang nabanggit sa ‘ot­hers’ kahit isang letra ng kanilang pangalan at hindi rin napansin ng 1,200 respondents ang naglipanang sticker ni Fernando sa EDSA, maging sa labas ng Metro Manila, maliban kung walang na-survey taga-Marikina. Teka lang, bakit hindi ibinigay ni Ma­ngahas kay Fernando ang 15% nakalistang ‘Don’t Know’ at 8% sa ‘None’, aba’y sayang ang bumabahang sticker at tarpaulin sa buong Pilipinas. Mabuti pa nga ang mister ni Sharon Cuneta, ‘na-noted’ ng respondents ang presensiya. Iyon lang, hindi na consistent si Dick sa 2% dahil napalitan ni Mr. Noted Prancaceus Francis Pangilinan.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: