Kung nabansagang ‘Boy Kulangot’ ang isang dating senador noong 12th Congress dahil nakahiligan ang mangulangot sa press conference, mas malupit at kadiri ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil nagkalkal ng itlog sa harap ng mediamen. Sa isang ambush interview pagkatapos dumalo sa public hearing sa Upper House muntikang masuka ang Tonite Spy sampu ng naglipanang kurimaw sa Senator Claro M. Recto Room matapos masaksihan ang pagkakamot ng itlog ng gabinete ni Mrs. Arroyo. Sa unang tingin, mapagkakamalan pang ‘bunihin’ ang singit o kaya’y pinamumugaran ng kuto at lisa ang ‘barangay tanod’ ng gabinete ni Mrs. Arroyo dahil walang patumanggang nagkakamot kahit maraming mediamen ang nakakapansin dito. Bago nagkakamot ng itlog ang gabinete ni Mrs. Arroyo, ito’y matiyagang nagpa-ambush interview sa ilang mediamen na nasa kabilang bahagi ng committee room kung saan nakatago sa dalawang bulsa ang mga kamay nito. Sa kasagsagan ng interbyu, hindi na magawa pang itago ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang pangangati ng itlog matapos pagkalkalin ang kanyang hinaharap at hindi man lamang inalintana ang mga babaing kagawad ng media nasa harapan ng mokong. Ang matinding revelation sa lahat, dalawang lady reporter ang naka-pronta sa ambush interbyu at lumalabas pang nagpapatigas o naghihimas ng kanyang ‘barangay tanod’ ang gabinete ni Mrs. Arroyo. Hindi magawang lumayo ng dalawang lady reporter habang nagkakaskas at nagkakamot ng kanyang singit ang gabinete ni Mrs. Arroyo dahil mawawala sa isyu at napaka-importante ang interbyu sa kumag. Walang nagawa ang dalawang lady reporter kundi dedmahin sa loob ng humigit-kumulang sampung minuto, as in patay malisya sa pagkakamot ng gabinete ni Mrs. Arroyo hanggang matapos ang ambush interview dito. Clue: Hindi magawang bitawan ni Mrs. Arroyo ang gabinete dahil sukdulan hanggang Tipu-tipo at Maguindanao ang pagkakautang noong 2004 election. Ito’y meron letrang ‘SP’ sa kabuuan ng apelyido, as in ‘Super Power’ sa dayaan kung kaya’t nabigyan ng panibagong puwesto. (www.mgakurimaw.blogspot.com). |
3 comments:
as in nangamot ng betlog? baka gumagawa ng pandesal?
nike shox for women
nike air max
balenciaga
nike epic react flyknit
yeezy boost 350 v2
balenciaga speed
air max
jordan shoes
michael kors handbags sale
yeezy 500
b9s41a6v27 o7s73w3m65 f7s33j7c44 q0g14b6r23 d8j52n6t86 k4p67g9b99
Post a Comment