Tuesday, August 19, 2008

aug 119 2008 abante tonite issue

Mukha ng MalacaƱang
Rey Marfil


Hanggang ngayon, palaisipan kung ano ang papel ni Atty. Camilo ‘Bong’ Montesa sa buhay ng mga taga-Liberal Party (LP) lalo pa’t napakadaling mag-leave bilang director general at isang pindot lang sa computer, mag-iiba ang petsa. Kaya’t hindi nakakagulat kung magkasamaan ng loob sina Big Brother Frank Drilon at senador Mar Roxas II, mali­ban kung ‘drama’ ang paghahain ng hiwalay na petisyon sa Korte Suprema para walang makapag-isip ng resbak nga­yon pang bagsak ang rating ng boypren ni Ate Korina sa presidential at senatorial. Hindi ba kayo nagtataka, naturingang natio­nal chairman ng Liberal si Frank, aba’y si Atty. Adel Tamano ng United Opposition (UNO) ang ‘chaperon’ sa pagpa-file habang si Roxas, mas piniling ka-jamming si Vice Governor Manny Pinol!
Kahit sinong lumagay sa koral ni Drilon, ito’y mapipikon sa diskarte ni Roxas. Porke’t wala nga naman sa poder si Lolo Frank, animo’y tinataguan ng impormasyon ni Mr. Palengke gayong karapatan bilang national chairman ang malaman kung anong nangyayari sa organisasyon. Ni sa panaginip, ayo­kong isiping itinago kay Lolo Frank ang pag-upong legal adviser on peace process ni Montesa at kundi pa sumabog ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), hindi madidiskubreng policy adviser of the Institute for Autonomy and Governance (IAG) ang kasamahan.
Sa ilang media interview bago nagkabistuhan sa MOA, ipinangangalandakan ni Montesa ang pagkilala sa Bangsamoro bilang ‘distinct from the rest of national communities’, nangangahulugang bibigyan ng ‘distinct territory’ at sari­ling gobyerno ang MILF. Ang tanong ng mga kurimaw: ito’y ba’y ikinunsulta ni Montesa kay Roxas, maliban kung si ex-Cabinet Secretary Silvestre ‘Yoyong’ Afable ang kinikilalang amo at Presidente ng Liberal? Take note: si Afable ang ‘utusan’ ng mga gabinete ni Mrs. Arroyo sa Malacanang bago nag-transfer kay Roxas bilang think tank.
***
Napag-usapan si Roxas, ito’y nagsilbing kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ni Mrs. Arroyo at nanalong senador noong 2001 election sa ilalim ng administration ticket- ang People Power Coalition (PPC). Kalokohan kung walang ‘contact’ sina Roxas at Afable sa Malacanang, maliban kung tuluyan ng isinantabi ang ambisyong makuha ang suporta ni Mrs. Arroyo sa 2010 election? Kaya’t masakit kay dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada ang pagtawid ni Roxas noong Edsa Dos gayong hindi lamang DTI Secretary ang turing kundi ‘anak-anakan’ nito.
Pansinin ang Liberal, iisang mukha ang nakapaligid kay Roxas, as in pawang alipores ng Malacanang, katulad ni Montesa-ito’y nagsilbing Assistant Secretary (Asec) for Legal Affairs ng DepEd sa panahon ni ex-Sec Butch Abad- isa pang opisyal ng Liberal. Take note: si Montesa ang spokesperson ng DepEd at promotor sa pilot testing ng ‘Madrasah program’ sa selected public elementary schools ng Metro Manila . Hindi lang iyan, anak ni Abad ang nagsisilbing chief of staff (COS) ni senador Noynoy Aquino na isa pang Li­beral. Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘Liberal is for Li­beral’. At si Drilon, hindi ba’t naupong Senate President sa tulong ni Mrs. Arroyo at ngayo’y nagpapatakbo sa ACCRA Law firm ni senador Edong Angara?
Kundi nagkakamali ang Spy, nakaladkad din ang pangalan ni Montesa sa P3.5 bilyong text book scandal ng Vibal Group naunang pinaimbistigahan ni senador Panfilo “ Ping ‘ Lacson. Hindi lang malinaw kung bakit pinalagan nina Montesa at ex-Asec Macur Marohombsar ang inter-agency Resolution No. 001-2006-A nina Asec Eduardo Opida, chairman ng bid and awards committee, Cirila Botor, Lourdes Santiago at Estanislao Granados sa textbooks contract napasakamay ng Vibal Group, ilang taon ang nakakaraan.
Maliban kay Montesa na natalong Congressman sa 1st district ng Cagayan de Oro City noong May 2007 election laban kay Congressman Rolando Uy- si Afable din ang nag-recruit kay ex-Press Usec Bobby Capco bilang communication group chief na inakusahang ‘adik’ ni ex-PSCO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing. Anyway, 6,569 votes lang nakuha ni Montesa sa congressional race, siguro walang kinalaman ang pagkatalo kaya’t ipinamigay ang Iligan City sa MILF na katabing-lungsod ng Cagayan De Oro City, katulad sa nilalaman ng MOA! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: