Bagama’t napaso ang termino at humigit-kumulang dalawang taon nang tambay, patuloy pa rin naglalaway sa multi-milyong pork barrel ang isang dating miyembro ng Upper House at umaastang incumbent official. Sa report nakalap ng TONITE Spy, hindi mabitawan ng isang dating senador ang annual pork barrel nagkakahalaga ng humigit-kumulang P200 milyon, patunay ang pangongolekta sa naiwang pondo bago magretiro ito. Nang mapaso ang termino ng dating senador, ito’y nakapag-iwan ng multi-milyon pisong alokasyon sa iba’t ibang proyekto, kabilang ang medical assistance at ilan pang hard project na pinondohan ng iba’t ibang departamento. Dahil nakapangalan sa dating senador ang naiwang pork barrel sa loob ng isang taon, hindi binitawan ng kumag ang proyektong pinapondohan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd), as in kinubra ang mga komisyon. Ang matinding rebelasyon sa lahat, ipinangangalandakan ng dating senador sa bagong opisinang pinaglilingkuran, partikular sa kanyang mga tauhan ang pagkakaroon ng multi-milyon pisong pork barrel allocation sa iba’t ibang ospital at ipinagmamalaking mabibigyan ng medical assistance ang mga ito. Bagama’t maganda ang hangarin ng dating senador sa medical assistance, labis naman ikinadismaya ng mga kurimaw ang pagkakadiskubreng patuloy itong nangongolekta ng komisyon sa nakabinbing pork barrel allocation. Hindi maiwasang masuka ng mga kurimaw sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) dahil mismong tauhan ng dating senador ang nagpa-follow up sa mga nakabinbing proyekto gayong maaring ipaubaya sa implementing agencies o ipasa sa senador na pumalit sa kanyang puwesto ito. Clue: Nangangarap bumalik sa Upper House ngayong 2010 national election ang dating senador kaya’t matitinding propaganda at pag-atake sa MalacaƱang ang ginagawa para bumango ang imahe. Ito’y meron letrang ‘N at L’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Napaka-iyakin sa infomercial at Luhaan sa pag-anti Gloria gayong napa-damulag ng porma. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment