Friday, August 29, 2008

august 29 2008 abante issue

Senador, nag-iipon para sa karelasyon

Sa halip paghandaan ang pagreretiro sa pulitika, katulad ng pag-iimpok ng pera para sa kinabukasan ng buong angkan hanggang 5th generation, mas prayoridad ng isang matandang senador ang paghandaan ang political career ng karelasyon.


Kunsabagay ay marami nang naipong ari-arian ang matandang senador, kabilang ang pagpapalawak ng emperyo sa kanyang lalawigan, pangongomisyon sa pork barrel at pagbebenta ng kandidato noong 2004 election, ito’y naunang inilaan ng matandang senador sa kanyang mga anak at apo.


Higit sa lahat, lantad sa kaalaman ng buong pamilya ang mga naipon ng matandang senador kaya’t naghahanap ng ibang paraan ang mam­babatas upang makapag-impok at matulungan ang ambisyosang karelasyon.


Dahil mataas ang ambisyon sa pulitika ng karelas­yon, matinding ‘pag-iipon’ ang ginagawa ngayon ng matandang senador, kabilang ang ‘pangbabakal’ sa mga proyekto ng gobyerno para matustusan ang pangangailangang pi­nan­syal ng kanyang bebot.


Hindi maitago ni Mang Teban ang pagkadismaya matapos ‘raketin’ ng matandang senador ang pingangasiwaang komite sa Upper House, patunay ang pag-create ng mga programa para maisubi ang multi-milyon pisong allocation dito.


Ang rason, puwedeng i-divert ng matandang senador ang matitipid ni­tong pondo at maaaring ipagamit sa karelasyon bi­lang preparasyon sa mas mataas na political ambition ng bebot.


Humigit-kumulang P2 bilyon ang pondong pinupuntirya ng matandang senador kaya’t takot itong mawalan ng komite dahil madidiskaril ang political ambition ng kanyang karelas­yon.


Pintahan n’yo na: Balimbing ang senador na ito dahil nasamahan ng lahat ng mga partido habang saksakan ng plastic ang karelasyon.

No comments: