Thursday, August 14, 2008

spy on the job aug 14 2008 issue abante tonite

Sina Bernabe at Dragon Lady!
Rey Marfil


Sa nangyaring suhulan sa Court of Appeals (CA), nakaladkad ang pamilya ni ‘Dragon Lady’ -- si ex-Presidential Management Staff (PMS) Leonora ‘Lenny’ De Jesus, aba’y mismong kapatid -- si CA Presiding Justice Condrado Vasquez Jr., kinumpirma sa 3-man inves­igating panel ng Supreme Court (SC) ang dalawang anak sa opisina ni Mang Inton, as in Government Service Insurance System (GSIS) President Winston Garcia na nangangarap maupong senador sa 2010. Take note: Dating GSIS Trustee at nanatiling consultant ni Garcia si Dragon Lady.
Kung mala-”Warner Brothers” sina PCGG chairman Camilo Sabio at CA Justice Jose Sabio at inaming nag-usap ang dalawa sa kaso ng Meralco, mismong si Vazquez inaming anak si Maria Ruth Almira Vasquez nasa sa Office of the Corporate Secretary ni Mang Inton, maging si Maria Agnes Rosario ‘Jinky’ G. Vasquez- isang dentista sa GSIS-Medical Department. Teka lang, hindi ba’t anak ni Dragon Lady si Luisa J. Hernandez naka-assign sa Treasury ng Office of the Vice President (OVP). Ibig sabihin, ito’y pamangkin ni Justice Vasquez!
Sa nakalimot kung sino si Dragon Lady, balikan natin ang ‘controversial Christmas card’ na ipinamudmod sa Malacañang Press Corps (MPC), kasama si ex-Deve­lopment Bank of the Philippines (DBP) President Ramon ‘Mon’ Abad, animo’y “bagong kasal” sa larawan -- ito’y pinaimbestigahan sa panahon ni Estrada at walang ibang nakakaalam sa findings kundi si Cavite Cong. Boying Remulla na nagsilbing PMS deputy ng ex-lady official.
***
Napaka-agang mamulitika ng kampo ni Parañaque City Mayor Florencio ‘Jun’ Bernabe at walang ibang biktima kundi mga mediamen nagko-cover sa Southern, patunay ang pang-iipit sa negosyo ng isang kasamahan sa industriya, as in pinagbibintangang kakampi ni Cong. Ed Zialcita at kasapi ng grupong ‘777’ o radio group nakabangga. Mantakin n’yo, kumpleto ng kaukulang dokumento para makakuha ng business permit noong Enero, ito’y pinaikot-ikot ng Office of the Mayor, maliban kung meron lang nagsipsip at nagpapauto naman si Bernabe sa mga ito?
Ang masakit sa panig ni Senate reporter Jojo Sicat, ito’y nagbayad ng buwis at aprubado ang zoning noong Abril subalit makalipas ang walong (8) buwan, hindi pa rin pinipirmahan ni Bernabe ang business permit. Ang palusot ng mga kampon ni Mang Jun, kaila­ngang ipa- asses ang tax declaration ng kasera o nagpapa-upa gayong nakapagbayad naman ng taunang amilyar sa lupa. Hindi lang iyan, gusto pang taasan ni Bernabe ang binabayarang a­milyar at walang ibang gusto nitong mag-asikaso kundi ang mamamahayag. Ni sa pana­ginip, ayokong isiping ‘row four’ at malapit sa basura­han ang mga kampon ni Bernabe, aba’y gustong gawing ahente ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Jojo Sicat sa pani­ningil ng buwis.
Ang nakakadismaya sa lahat, nagbanta ang opisina ni Bernabe, hindi pipirmahan ang business permit ni Jojo Sicat kapag nabigong masingil ang karagdagang amilyar ng kasera, malinaw ang panggigipit at ipinasa ang kanilang trabaho sa reporter, aba’y saksakan naman yata ng tamad ang empleyado ang Office of the Mayor at puro pagkakamot ang inaatupag sa City Hall pagkatapos ng flag ceremony? Kung ganitong klase ang nakaupong alkalde, ‘di hamak may karapatan si Ed Zialcita na ‘maghari’ sa Parañaque sa 2010. At hindi rin ikagugulat ng mga kurimaw sa Tambo at Baclaran kung makabalik si ex-Mayor Joey Marquez kahit mahilig sa walis!
Binabati natin sa kanyang ikadalawang taong kaa­ra­wan si Aaron B. Rivera ng Julian Felipe, Caloocan City.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: