Monday, August 4, 2008

hulaan blues aug 4 2008 abante tonite issue


Solon ginagawang ‘puppet’ sa floor!
(Rey Marfil)

Bagama’t natupad ang ambisyon sa pulitika, pinagbabayaran ng isang mestisuhing solon ang nagawang kasalanan sa sambayanan, maging sa Lumikha dahil ginagawa itong katawa-tawa, katulad ng puppet sa mga umpukan at kuwentuhan ng mga mambabatas.
Sa loob ng isang taong panunungkulan bilang mambabatas, nasaksihan ng Tonite Spy na walang sumi-seryoso sa mestisuhing solon sa mga debate at interpellation, as in madalas itong binabaterya ng mga kausap sa floor, maging sa umpukan ng mga mediamen.
Ang masakit sa panig ng mestisuhing solon, ito’y madalas pang ga­wing katawa-tawa sa kuwentuhan ng mga kasamahang mambabatas, kabilang ang pangbabaterya sa dayaang kinasasangkutan at posibleng kaharapin kapag naiba ang resulta sa election protest.
Mas lalo pang napapahamak ang mestisuhing solon sa madalas nitong pagsingit sa kuwentuhan ng ilang mediamen bago magsimula ang sesyon kung saan naroon ang isang kasamahan sa organisasyon na numero unong alaskador.
Nagiging routine ng kasamahang mambabatas ang mang-inis at bateryahin sa kuwentuhan ang mestisuhing solon, katulad ang pananakot ditong masisibak sa posisyon at paulit-ulit itong tinatanong kung naghain ng counter-election protest kahit wala pang final conviction sa kaso.
Bagama’t hindi pa tapos ang isyu sa electoral fraud at nananatiling nakaupo sa puwesto ang mestisuhing solon, ang katagang ‘counter protest’ ang pang-inis ng isang kasamahang mambabatas dito.
Kapag naririnig ng mestisuhing solon ang katagang ‘counter protest’, animo’y bagong pitas na bunga ng kamatis ang balat o pagmumukha ng mambabatas at halos maupos na kandila ang kumag, sabay smile at labas ng kanyang dimple bilang pagtanggap sa kantiyaw ng kasamahan.
Ang rason, hiyang-hiya ang mestisuhing solon kapag pa-kantiyaw na kinakamusta ng kasamahang mambabatas ang ‘counter-protest’ laban sa naghahabol sa kanyang silya dahil mistulang ipinamumukha ang ginawang pandaraya.
Clue: Hindi matatawaran ang kabaitan ng mestisuhinh solon at makailang-beses nang na-bembang sa debate at interpellation dahil sa pagmamagaling sa floor. Ito’y meron letrang ‘M’, as in Malambot kahit tigasin ang name. Kung kongresista o senador, abangan kung makakaupo ang kapalit ngayong taon. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: