“Section 3, Article XVII of the ARMM law provides that “any amendment to or revision shall become effective only when approved by a majority of the vote in a plebiscite called for the purpose.” Ibig sabihin, kailangang amyendahan ang Organic Act na lumikha sa ARMM at hindi ordinaryong idadaan sa pagpasa ng batas. At kapag inamyendahan ang Organic Act, ito’y kailangang dumaan sa plebisito. Ika nga ni Congw. Darlene Antonino: ‘Pagbaboy’ sa proseso ng demokratikong sistema ng halalan ang postponement na inanunsiyo ng palasyo. Ang nakakatakot sa lahat, katulad ng ibinunyag nina ex-Senate President Frank Drilon at UNO Spokesman Adel Tamano ang term extension ni Mrs. Arroyo. Kapag natuloy ang signing ng GRP-MILF Agreement on Ancestral Domain, mabubuksan ang Charter Change (Cha-Cha) o pag-amyenda sa Kontistusyon, as in ‘anything goes’ pati ang term limits ng Pangulo at posibleng ‘santo-sawa’ si Mrs. Arroyo sa palasyo hanggat gusto nito. Pagkatandaan: Sangkaterba ang anomalya at eskandalo ni Mrs. Arroyo, kalokohan kundi iniisip ang resbak ng oposisyon kapag napaso ang termino lalo pa’t ipinakulong si Erap ng ilang taon! Ang masakit lamang, wala naman katiyakang tatahimik ang Mindanao kapag inurong ang ARMM polls bagkus lalawak ang kaguluhan dahil tinanggalan ng karapatan ang mamamayang bomoto at mamuno. Sabagay, mas maraming gulo, mas malaking budget sa giyera, mas maraming sundalo sa Mindanao at mas malaking allowance sa mga sundalo na pwedeng ‘itongpats’ ng mga heneral at palace officials. Kung nag-iisip ang mga nakaupong opisyal ng ARMM, ano naman ang katiyakang itatalaga ni Mrs. Arroyo para sa “hold-over” capacity? Hindi lang iyan, meron pang report na ‘bad trip’ ang MalacaƱang kay Gov. Ampatuan at iba ang minamanok sa Aug. 11 elections. Ang problema, sadyang malakas ang suporta ng lokal kay Ampatuan kaya’t nagkaroon ng kasunduan ang Lakas-CMD at KAMPI na gawin itong common candidate. Hindi kaya kasama sa game plan ng ‘No ARMM polls’ ang pagsipa kay Ampatuan sa puwesto? Ang tanong ng mga kurimaw kay Gov. Ampatuan: Kaya ba nitong pagkatiwalaan si Hermogenes Esperon bilang peace adviser ni Gloria, eh expertise ang gumawa ng script at mag-drama para protektahan ang kanyang Mam? Mantakin n’yo, inapura ng Upper House si Lolo Jose Melo sa automated polls at pinondohan ng P500 milyon ang Comelec sa modernong sistema ng eleksyon. At ngayong handa ng lahat, mismong si Mrs. Arroyo ang humaharang sa pilot test ng automation, maliban kung plano ng MalacaƱang mandaya sa 2010 election lalo pa’t walang pag-asang lumusot ang kanilang manok, katulad nangyari noong 2004 at 2007 election. Tiyak magwawala si Dick Gordon kapag naudlot ang automation lalo pa’t obsession ng senador ang pumindot-pindot at humimas sa machine! Sabagay, nakasanayan ni Mrs. Arroyo ang tumawag ng telepono at magsabi nang, “Hello Garci, hindi ba mababawasan ang aking isang milyon” kaya’t hindi nakakapagtaka kung allergic sa poll automation ang misis ni Jose Pidal, aba’y mahirap nga naman mandaya sa machine, maliban kung meron sariling program si Garci. Take note: Si Esperon ang peace adviser ngayon ni Mrs. Arroyo at ‘lead star’ sa mala-Phone Booth film ni Garcillano noong 2004! (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment