Kapag nagkataon, minu-minutong magmumura ang ‘husband-to-be’ ni Ate Korina, aba’y luma lakas ang ‘Noynoy mania’ bilang standard bearer ng Liberal Party. In fairness, hindi kailangang magpraktis ni Mar Roxas sa pagsigaw ng ‘P…I’ -- ito’y nasubukan sa kanto ng Ayala.
Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: ‘Ramdam’ din kaya ni Roxas ang pag-slide down, lalo pa’t hindi umaangat sa survey at mas marami ang nakikisigaw sa bayaw ni James Yap?
Take note: Halos pumantay si Roxas kay XP Manny Villar sa premature campaig ning, alangang singilin kay Noynoy Aquino ang multi-milyon pisong winaldas sa TV ads gayong aksidente lamang ang paglutang ng kanyang pangalan bilang presidential wannabe?
Ayokong isiping aatras si Roxas sa presidential derby, mapa-Presidente o Vice President at puntir yahin ang pagiging Senate President kung magtutuluy-tuloy ang pag-angat ni Kuya Noynoy sa survey.
Sabagay, mas ramdam ng boyren ni Ate Koring ang panalo sa re-election bid, ito’y No. 2 sa huling sena torial survey kum para sa presidential survey dahil kulelat si Mr. Palengke, kabuntot ang mga ‘never heard’.
At bago sumapit ang November 30 deadline ng Comelec, sa malamang maabutan ng ‘baya ning isinusuka ng mga vendor’ -- si MMDA chairman Bayani Fernando ang po pularity rating ni Roxas kahit pupugak-pugak sa 1%.
Kung magpapakapraktikal si Roxas at ramdam ang matinding kahihiyan, hindi malayong i-take over ni Kuya Noynoy ang pre sidential bid at maghanap ng ibang running mate -- ito ang magbubukas ng pintuan sa isa pang taga-‘kapamilya network’ na miyembro ng Liberal Party -- si Mr. Noted, as in Francis Pangilinan bilang vice presidential candidate.
Kahit matalo, meron pa ring babalikang silya sa Se nate ang utol ni Kris at mister ni Ate Shawie dahil naupo noong 2007, kabaliktaran sa boypren ni Ate Koring, ito’y ‘bakasyon-grande’ ng tatlong taon bago makatakbong senador sa 2013.
***
Napag-uusapan ang 2010, biruan sa mga coffee shop kung sino ang ikakasal bago mag-November 30, lalo pa’t napakahalaga sa Presidente ang pagkakaroon ng First Lady.
Mantakin niyo, pati ‘Kasalang Bayan’ nina Roxas at Ate Koring, ito’y pinagpipiyesta han sa mga media ga therings, katulad ang espe kulasyong walang wedding rites sa Oktubre 23 dahil mauuwi sa tele-ser yeng “Tayong Da lawa” ang boypren ni Ate Koring.
Hindi ba’t umatras sa araw ng kasal ang karak ter ni Jake Cuenca gayong kontodo-bihis ang lahat ng ‘participante’? Kaya’t ang tanong ng bayan: Kaka yanin bang ‘mag-Audrey’ ni Ate Koring kapag nagdesisyon ang kanyang fiancé na huwag nang tumakbong Pre sidente at mag-back out sa wedding ceremony, katulad ng karakter ni Kim Chiu sa teleserye?
Take note: Bukas sa publiko na nakarelasyon ni Ate Koring sina Kuya Noynoy at Bunsong Mar, nauna nga lang ang utol ni Kris!
At dahil ‘Sukob’ nga yong taon ang pagpanaw ni Tita Cory, katulad ng horror movie ni Kris Aquino, puwedeng pakasalan ni Kuya Noynoy si Valen zuela Councilor Shalani Soledad bago mag-May 10, 2010, maliban kung type ang presidential wedding sa presidential garden?
Kung mahusay ang ‘handler’ ni Kuya Noynoy, pinaka-da best magpakasal, tatlo o da lawang linggo bago ang ‘Big Day’ dahil walang ibang laman ng peryodiko kundi ang pagkikipag-isang dibdib. Kapag nangyari ito, daig pang tinamaan ng suntok ni Pacman ang lahat ng presidential wannabes! (mgakurimaw.blogspot.com)
3 comments:
comment,comment
news find out Full Report Dolabuy Gucci Our site high end replica bags
image source https://www.dolabuy.co view website Dolabuy Valentino find bag replica high quality
Post a Comment