Thursday, September 24, 2009

sept 24 2009 abante tonite issue

Sino ang tunay naka-yellow!
Rey Marfil


May ilang bakas na naiwan sa Le Cirque Restaurant, aba’y usap-usapan sa mga barberya at coffee shop ang alegasyong ‘reward’ sa kabayanihan ni Leyte Cong. Martin Romualdez ang appointment ng kanyang best friend -- si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larazabal.

Mantakin n’yo, sa edad 37, naitalaga si Gorio bilang Comelec Commissioner, kapalit ng namayapang si Romeo Brawner. Ganyan ka­lakas si Martin sa First Family.

Kundi nagkakamali ang Spy, ‘super close’ sina Gorio at Martin dahil nagsilbing regional director ng Comelec Region 8 ang bagong komis­yuner. Katarantaduhan kundi kilala ni Gorio si Garci?

Kahit itanong n’yo kina Senador Bong Revilla, Tempo reporter Rolly Carandang at dzBB radio reporter Nimfa Ravelo na nagdiriwang ng kaarawan!

Kung walang kinalaman ang ‘pagpa-hero effect’ ni Martin sa New York kahit batid ng mga nakikain sa magarbong dinner na isang babaing presidential aide ni Mrs. Arroyo ang nagbayad ng restaurant bill, bakit na-appoint si Gorio sa Comelec, ilang araw makaraang makabalik ang misis ni Jose Pidal mula US?

Take note: Walang inatupag si Martin kundi bumuntot sa foreign trip at magpa-picture kapag kasama ang First Family, maging sa Batasan Complex, hindi pinapalagpas ni Martin ang mga nakakasalubong sa hallway para palaba­sing napaka-busy kapag working days. Subukan n’yong basahin ang pag-aaring newspaper, hindi ba puro mukha ang nakabalandra sa front page?
***
Habang papalapit ang November 30 deadline ng Comelec, iba’t ibang gimik ang palutang ng mga presidential wannabes, pinakahuli si Mr. C-5, as in Manny Villar, pati si Wowo-Willie Revillame puntiryang running mate.

Kapag nangyari ito, sa itikan ang bagsak ng mister ni C-V, as in Cynthia Villar, siguradong magmumulto ang mga biktima ng Ultra stampede, maging ang isyung pandaraya sa game show. Take note: Maraming numerong ‘na-magic’ si Willie kapag hindi kursunada ang player, ma­liban kung sadyang idol si Villar, katulad ng double entry sa C-5 project?

Ang nakakatawa lang, alaskado si Willie sa pagbabalik-telebisyon noong nakaraang Lunes, aba’y ‘pasalubong’ ng Eat Bulaga ang “Fantastic 4” bilang gamer, animo’y binuhay ang pambabastos sa funeral march ni Cory!

Sa paglutang ni Willie bilang running mate ni Mr. C-5, malinaw ang katotohanang walang makuhang vice pre­sidential bet ang Nacionalista Party (NP). Ang problema, makailang-beses inanunsyo ni Vice President Noli De Castro ang kawalang interes sa ‘second term’ kaya’t posibleng ipahinga ang political career at bumalik sa ABS-CBN.

At kundi nagkakamali ang Spy, pinagsabihan si Uncle Noli ng ABS-CBN management na walang suporta kapag tumakbong Presidente dahil ‘naka-todo’ ang pusta kay Noynoy.

Kaya’t huwag ikagulat kung nauwi sa pulitika ang showbiz program ni Kris Aquino at palitan ng “Senator Noynoy News” ang Showbiz News Ngayon (SNN). Ang nakakalungkot, ganito na lang ba palagi ang sistema ng pulitika sa Pilipinas, kung sino ang dadalhin ng isang istasyon ang dapat mamuno ng bansa?
***
Napag-usapan ang pulitika, maagang pinag-aaway sina Noynoy at Chiz Escudero, ito’y malinaw sa sticker na ipi­namudmod sa Senate media, gamit ang katagang ‘Ang Tunay na Yellow, Keso’.

In fairness, magaling ang nagpakulo, aba’y lahat ng presidentiables suspek sa propaganda dahil magkaibigan ang dalawa at puwedeng pinag-aaway ito.

Ang malinaw lang, hindi naman dilaw ang Liberal Party (LP) kundi asul, nagkataong nakamatayan lamang ni Tita Cory ang pagsuot ng yellow kaya’t nakiuso ang tropa ni Frank Drilon. Kapag binalikan ang history ng Nationa­list People’s Coalition (NPC), sad­yang yellow ang original color nito.

Ang tanong ng mga kurimaw: Sino nga ba ang tunay na Yellow at simbolo ng pagbabago kung pala­ging anak ng Pangulo ang iuupo sa palasyo, eh hindi naman ‘oro’ o mana na salin-lahi ito? (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: