Wednesday, September 2, 2009

september 2 2009 abante tonite

Palace girl, niregaluhan ng P450M lupain!
(Rey Marfil)

Sadyang masidhi ang obsession ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa alindog ng kauring palace official matapos regaluhan ng milyon pisong halaga ng lupain sa Metro Manila.


Napakalaking palai sipan ngayon sa hanay ng mga kurimaw, sa pangu nguna ng Tonite Spy kung saan kumuha ng multi-milyon pisong ipinambayad sa humigit-kumulang 3,0000 ektaryang lupain sa Global City ang isang palace girl

.
Hindi biro ang halaga ng lupain sa Fort Bonifacio, Global City sa Taguig dahil P150,000 kada metriko kuwadrado suba lit nagawang makabili ng 3,000 ektarya ni Palace girl, malinaw ang katotohanang P450 milyon ang halaga nito.

Bagama’t hindi maituturing na mahirap ang pa milya ni Palace girl, maging ang dating asawa nito, ikinagulat ng naglipanang kurimaw sa presidential garden, sampu ng tambay sa Global City kung paano na kabili ng P450M halaga ng lupain ang bebot lalo pa’t simpleng presidential adviser ang papel kay Mrs. Arroyo.

Sa kabilang banda, lumutang ang senar yong ‘regalo’ ng gabinete ang P450M lupain dahil karelasyon ni Palace girl ang opisyal at matindi ang obsession sa bebot dahil ‘bagyo’ ang arrive nito sa kabuuan ng aura kahit nagkaka-edad ito.

Simula ng maging ka relasyon ng gabinete si Palace girl, halos lahat ng malalaking kontratang nasa pangangasiwa ng opisyal, partikular ang mga ahensyang kontrolado ay pinagkakakitaan ng bebot kaya’t lalo pang lumutang ang senaryong regalo ang P450M lupain mula sa naipong komis yon ng mga ito.

Ang matinding revelation sa lahat, mismong si Palace girl ang nagya yabang sa mga kaibi gan kung magkano ang ha laga ng lupaing nabili sa Global City.

Naging laman ng intriga, mapa-coffee shops at iba pang media forum ang pakikipagrelasyon ni Palace girl sa tigasing gabinete dahil napabalitang sinugod ng ‘commander-in-chief’ ng opisyal, kasama ang babaing anak matapos ma­diskubreng kinakalantari ang kanyang mister.

Clue: Binansagang ‘Romeo’ ang tiga sing ga-binete dahil natu ringang senior citizen, ito’y tsikboy pa rin habang si Palace girl ay simpleng adviser at miyembro ng isang ahensyang nagtutulak sa Charter Change. Ito’y meron letrang “BR” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Bebot ni Romeo. (mgakurimaw.blogspot.com)