Wednesday, September 30, 2009

sept 30 2009 abante tonite

2 militanteng senatoriables namamangka sa 3-ilog
(Rey Marfil)

Kabaliktaran sa pagi ging radikal, tuluyang kinain ng sistema ang dalawang militanteng senatoriables, patunay ang pagpapagamit sa ilang presidentiable at lantarang pamamangka sa tatlong ilog.

Nasaksihan ng TONITE Spy ang ‘pamamangka sa tatlong ilog’ ng dalawang militanteng senatoriables, kalakip ang hangaring makasiguro ng upuan sa Senado.

Kung literal na humihingi ng bangka ang mga biktima ng bagyong Ondoy, ibang pamamangka sa ilog ang ginawa ng dalawang militanteng senatoriables dahil kinakausap ang lahat ng presidentiables na puwedeng pagsiksikan sa 2010 national election.

Unang nakipag-usap ang dalawang militanteng senatoriable sa kampo ng mayamang presidentiable kung saan binigyan ng ‘100% assurance’ na mapapabilang sa senatorial slate.

Subalit naiba ang ihip ng hangin nang gumawa ng ingay sa pulitika ang isang nakakalbong presidentiable kaya’t naghanap ng koneksyon ang dalawang militanteng senatoriables subalit may nauna nang natanguang kauri nitong kandidato ang mga tumatayong timon kaya’t malamig ang pagtanggap sa mga ito.

Dahil dito gustong sumiksik sa senatorial ticket ng guwapitong presidentiable ng dalawang militante subalit wala rin nagkakainteres sa mga ito.

Sa ngayon, mistulang water lily sa Ilog Pasig at Marikina River na lulutang-lutang ang senatorial bid ng dalawang militanteng senatoriables dahil walang gustong kumuha sa kanilang serbisyo.

Clue: Napakaingay ng dalawang militanteng senatoriable at Napaka-busy sa lahat ng rally. Kung kongresista o senador, ito’y meron letrang “S” at “L”, as in Sigaw at Laway ang puhunan sa kalye kaya’t naging honorable.(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: