Wednesday, September 23, 2009

september 23 2009 abante tonite

Bugnuting lady solon, nagpaimportante sa eroplano
(Rey Marfil)

Kahit anong higpit ang gawin, sadyang maluwag ang turnilyo sa ulo ng isang miyembro ng Kongreso matapos maantala ang lipad ng eroplano patungong probinsya dahil sa pagpapaimportante nito.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nag-inarte at nagpaimpor tante ang isang lady solon matapos umangkas, as in sumabit sa out of town trip ng isang ambisyosong presidentiable na naghahanda sa 2010 national election.

Halos tatlumpung (30) minutong na-delayed ang flight o pag-take off ng eroplano sa domestic airport dahil nagpaimportante ang bugnuting lady solon, as in late kung kaya’t nag-init ang ulo ng mga pasahero.

Sa tindi ng pagka-bad trip ng mga pasahero dahil atrasado ang biyahe at ilang minuto nang nag-iinit ang upuan sa kahihintay ng paglipad, matatalim ang tingin ng bawat isa sa pintuan ng eroplano at matamang binabantayan kung sino ang salarin.

Dahil maraming pasahero ang naiinip at nag-iinit ng ulo sa pagka-delay ng flight, inanunsiyo ng flight attendant ang paghihintay sa tatlong (3) pasahero at hindi sukat-akalain ng mga itong isa ang bugnuting lady solon sa nagpaimportante.

Nang pumasok ang unang pasaherong na-late, ito’y namula matapos hiyain at sigawan ng ‘boooo’ ng mga naiinip na pasahero, katulad din ng ikalawang pasahero.

Kulang na lamang pumikit at takpan ng dalawang atrasadong pasahero ang kanilang mukha at tainga para makaiwas sa kahihiyang inabot.

Taliwas sa natikmang pangbu-booo at panghihiya sa dalawang naunang pasaway na pasahero, natahimik at natulala ang lahat ng pumasok ang bugnuting lady solon, as in wala kahit isa ang sumigaw, animo’y nakakita ng multo, dala ng matinding takot sa mambabatas lalo pa’t kilalang mataray at ‘one of a kind’ ang pag-ugali nito.

Clue: Saksakan ng sinungaling ang bugnuting lady solon, patunay ang kabiguang tuparin ang lahat ng mga sinumpaang pangako at deklarasyon. Ito’y meron letrang “M” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in May tuleleng. Kung kongresista o senador, itanong sa mga taga-Mental Hospital. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: