Kung bakit mainit ang ulo ni Miriam Santiago sa TV ads, ito’y kasing-li naw ng mga turnilyong ibi nebenta sa hardware ang katotohanang naririndi ang tainga ng lady solon kapag naririnig ang katagang ‘Kapag maganda ang Puno, maganda ang bunga’.
At sa malamang, hindi nanonood ng ‘May Bukas Pa’ ang mi sis ni Manong Jun Santiago, aba’y theme song sa TV ads ni DILG Sec. Ronnie Puno ang original composition ni Rico J. Puno, animo’y sinasadya kung bakit puro ‘Puno’ ang nakikita ng lady solon, simula pagkagising sa umaga hanggang pagpasok ng Senado, maliban kung ipinakalbo ni Lola Miriam ang buong garden at ipinaputol ang mga puno sa kanilang subdibisyon?
Aminin o hindi ni Lola Miriam, si Puno lamang ang target sa TV ads probe. Mantakin n’yo, halos 17-taon ang nakalipas, hindi pa rin makalimutan ang pagkatalo kay Fidel Ramos noong 1992. Sabagay, mas nakabuti ang pagkapanalo ni Tabako keysa iba ang naupo sa palasyo.
Kung matapang si Lola Miriam at walang kinikilingan o pinuprotektahan, as in serbisyong totoo lamang, katulad ng imaheng ipinu-project sa media, bakit hindi sampolan si XP Manny Villar, hindi ba’t bilyones ang ginagastos sa pre-campaign ads at No. 1, hindi lamang sa sariling survey kundi No. 1 highest spender sa commercial, maliban kung tumatanaw pa rin ng utang na loob dahil naambunan ng campaign fund ito?
Aba’y ayaw ni Bro ng ganyan!
***
Nangyari ang prediksyon ng Spy at naging pangarap ng fiancé ni Ate Koring ang makarating ng Malacañang, katulad ng nakapaloob sa ‘Padyak commercial’. Kawawang Nene, hanggang pangarap ang pag-aartista, maging ang pagsi-seaman ni Boy.
Kaya’t ang malaking tanong ng mga kurimaw: Magiging pangarap din lang ba ni Ate Koring ang makasal nga yong umatras si Mar? Hindi lang iyan, paano babawiin ng pa milya Araneta-Ro xas ang multi-milyon pisong winaldas sa TV ads, alangang i-reimburse kay Kuya Noynoy.
Kaya’t abangan ang bagong TV ads ni Roxas, hindi na “Lala ban Tayo” kundi “Atras Tayo”, sabay bigkas ng ‘Anak, itabi mo, baba Ako, si Noynoy ang dapat sakay mo’ at huwag din ikagulat magsabing ‘Ramdam ko kayo pero si Noynoy na ang pambato’!
Sa malamang, balde-baldeng luha ang umagos sa mata ng mga kapamilya ni Roxas, sampu ng mga staff na nangangarap makatapak ng presidential garden.
Anyway, walang masama kung iyakan ni Ate Koring ang pag-atras ni Bunsong Mar, aba’y mahirap magpigil sa pag luha dahil kapag tumigas, ito’y nagiging muta.
Ngayong naudlot ang pagiging First Lady ni Ate Koring, siguradong balik-dzMM ang broadcaster -- iyan ang malaking tinik sa sinumang presidential wannabes, alangang manahimik si Ate Koring?
Higit sa lahat, meron magandang pinagsamahan sina Kuya Noynoy at Ate Koring, ala ngang pabayaan ang kanyang ‘ex-boyfriend’?
Ni sa panaginip, ayokong isiping sinisisi ng mga alipores ni Roxas si Tita Cory dahil kundi nga naman pumanaw ang ina ni Kuya Noynoy, hindi magkakaroon ng subs titution.
Ang pinakamasakit sa lahat, maagang nagbalimbingan ang tinaguriang ‘shadow cabinet’ ni Roxas, as in iniwanan at ibinigay ang suporta kay Kuya Noynoy nang makitang sadsad sa survey ito.
Ang tanong ng mga kurimaw: Sino ang may balat sa puwet o malas sa kampo ni Roxas, ala ngang si ex-Usec Bobby Capco? Ang tanong: Graceful exit o na-kudeta si Mar?
Kaya’t malaking hamon kay Kuya Noynoy bilang presidential bet, paano isu-sustain ang “Cory’s magic” hanggang May 10, 2010 lalo pa’t 3-months lang nagtatagal ang ‘awa effect’, kahit itanong n’yo kay Ms. Susan Roces? (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
hula,hula
Post a Comment