Wednesday, September 16, 2009

september 16 2009 abante tonite

Esmi ng presidentiable, nagtanggal ng tartar sa harap ng bisita
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap maituwid ang matandang sanga’, mas lalo pang lumutang ang pagi ging dugyot ng ‘commander-in-chief’ ng isang presidentiable matapos magtanggal ng tartar sa harap ng mga piling bisita.

Nasaksihan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy kung paano nagpakadugyot ang misis ng presidentiable, patunay ang ginawang ‘pagtitinga’ habang kausap ang mga bisita at iba pang mamamahayag.

Sa dinaluhang pagtitipon, hindi sukat akalain ng mga bisita, sampu ng mediamen na naimbitahan sa gatherings na magkakalat ang misis ng ambisyosong presidentiable, partikular ang kawalan ng etiquette, as in good manners and right conduct (GMRC).

Dahil kainan ang ending sa dinaluhang pagtitipon, masasarap ang mga inihain sa lamesa ng tumayong host, kabilang ang mga pagkaing nag-iiwan ng tinga sa bawat ngipin ng isang tao.

Pagkatapos kumain ng dessert, biglaang humugot ng toothpick ang misis ng presidentiable, sabay sundot sa kanyang mga ngipin para tanggalin ang mga naiwang himulmol.

Bagama’t wala sa loob ng isang dental clinic, animo’y nagtatanggal ng tartar sa harap ng dentista ang misis ng presidentiable kaya’t hindi maiwasang masuka ng mga bisitang kausap at ka-jamming sa lamesa nito.

Ang pinakanakakasuka sa lahat, hindi man lamang nagtakip ng panyo at tissue o kaya’y’ napkin ang misis ng presidentiable para itago sa mga kausap ang ginawang pagtatanggal ng tinga pagkatapos kumain nito.

Hindi maiwasang mapangiwi ng mga bisitang kasama sa lamesa ng mi sis ng presidentiable dahil sa matinding pandidiri at ilan dito’y nawalan ng ganang kumain nang makitang walang etetika ang nabanggit.

Clue: Puro takbo ang diskarte ng presidentiable para makaiwas sa eskandalo. Kung gabinete o senador, ipagtanong kay ‘Matet’ ng Senado, ma ging sa naglipanang askal at itik sa Taguig at Pateros. (mgakurimaw.blogspot.com)