Monday, August 31, 2009

august 31 2009 abante tonite

Senador, nang-agaw ng presscon
(Rey Marfil)

Mistulang asong nang-agaw ng buto ang isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos makipag-unahan sa pagpapatawag ng press conference at media interview.


Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang-asong nanggigil sa buto ang isang mestisu hing senador nang mang-agaw ng eksena at unahan sa press conference ang kalabang senador.

Bago ‘nakipagbalya han’ sa press conference ang mestisuhing senador, umaga pa lamang ay ipina-iskedyul na ng media relation officer (MRO) ng daldalerong senador ang pagsalang sa media interview, partikular sa Public Relation and Information Bureau (PRIB).

Dahil kilalang ‘the late senator’ ang daldalerong senador, inasahang aabutin ng siyam-siyam ang pagpapatawag nito ng press conference kung saan numero unong agenda ang isang mahalagang isyung dinesis yunan ng Ombudsman.

Pasado ala-una ng hapon, hindi pa rin dumarating ang daldalerong senador at atrasado sa ipinangakong oras ng kanyang MRO kaya’t nakarating sa kaalaman ng mestisuhing senador, sa pamamagitan ng hindi kagandang MRO nito.

Sa pagkakataong ito, nakaisip ng diskarte ang hindi kagandahang MRO ng mestisuhing senador upang makapagpapogi sa kanyang amo, lalo pa’t mortal enemy ang naka-iskedyul magpatawag ng press conference sa PIMRO.

Kaagad tinimbrehan ng hindi kagandahang MRO ang amo at nakiusap sa mga reporter na kung puwedeng isalang sa presscon ang senador habang hinihintay ang daldalerong senador.

Wala namang choice ang mga reporter kundi pagbigyan ang ‘special request’ na isalang sa press conference ang mestusihung senador, lalo pa’t nag-imbitang mag-night out kinagabihan ito.


Makaraan ang humigit-kumulang 30-minutong press conference, dumating ang daldalerong senador at muntik pang nagpang-abot kundi natimbrehan ng mga staff nito.

Clue: Parehong bumubula ang bibig ng dalawang senador at pareho ring mahilig magsalita sa mikropono, tanging pagkakaiba, binansagang Mulaway ang daldalerong senador habang napagkamalang bida sa pelikulang Halimaw sa Banga, as in tinanguriang “Matet” ang mestisuhing senador. (mgakurimaw.blogspot.com)