Friday, September 25, 2009

september 25 2009 abante

4 senador, nagpiyesta sa Ping expose

Kung may taong sobrang saya sa expose ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson laban sa mag-amang sina Senate pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ at dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, walang iba kundi ang isang maaksyong senador at tatlo pang kasamahan nito.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos masaksihan sa loob ng session hall ang paglulukso sa sobrang kagalakan at saya ng isang maaksyong senador dahil nakaganti ito sa mag-amang Estrada.


Habang kainitan ng talumpati ni Lacson, halos idikit ng maaksyong senador ang kanyang tainga sa sound system upang marinig ang lahat ng banat ng kasamahang mambabatas sa mag-amang Estrada.


Sa tuwing magpapa kawala ng bomba si Lacson laban sa mag-amang Estrada, wala ring katapusan ang ‘pag-thumbs up’ ng senador bilang pagpapakita ng suporta at pagsang-ayon sa ginawang paghuhubad ng kasamahang mambabatas sa karakter ng dating Pangulo.


Maliban sa maaksyong senador, tatlo pang kasamahang senador ang halos ‘palakpak-tainga’ tuwing babanggitin ni Lacson ang kakaibang karakter ni Estrada, patunay ang pasimpleng pagkikindatan ng bawat isa, sabay thumbs up at papuri sa opposition senator pagkatapos ng privilege speech dahil walang katulad ang katapangan nito.


Pintahan n’yo na: Gustong magbalik-probinsya ng maaksyong senador habang ang tatlong kasamahang mambabatas ay parehong nasa kabilang bakuran at kilalang anti-Erap noong impeachment trial.

No comments: