Kalunus-lunos at karima-rimarim ang mga eksenang iniwan ni Ondoy at nakakalungkot isiping walang magawa ang gobyerno para agarang isalba ang buhay ng isang tao, animo’y pelikula ang video footage ng isang pamilyang inaanod at nakasakay sa bubong.
Sa nangyaring delubyo sa Metro Manila, isa lang ang malinaw -- lahat survival. Gustuhin mang makatulong, hindi rin maiabot ang kamay dahil parehong nanganganib ang buhay.
Kung magpapatuloy ang pangba-baboy sa kapaligiran, at pagnanakaw sa multi-bilyon pisong road users’ tax (RUT) na nakalaan sa kontruksyon ng kalsada at paglilinis ng mga imburnal, asahang marami pang buhay at ari-arian ang mawawasak.
Masakit pakinggan subalit nawa’y magsilbing salamin sa bawat isa ang ngitngit ni Ondoy, mapa-ordinaryong tao at pulitiko, hindi nakaligtas. Balikan ang sentro ng pagbaha, hindi ba’t village ng mayayaman sa Marikina at kabahayang malapit sa Pasig River na ginawang tapunan ng basura ang biktima, patunay lamang na pantay-pantay ang bawat isa sa mundong ibabaw kapag ‘araw ng singilan’.
Sa natitirang ilang buwan ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo, bakit hindi mag-ala Nora Aunor -- ito’y gumawa ng “Himala”, pagsisibakin ang mga walang kuwentang tauhan. Kundi ngayon kikilos ang gobyerno para protektahan ang kalikasan at linisin ang sariling bakuran para mawala ang mga kawatan, aba’y simulan ng bawat isa ang gumawa ng arko at mag-ala Noah!
***
Napag-usapan ang baha, aba’y pasiklaban din ang dalawang (2) presidentiables kung paano makapagpa-pogi sa media -- sina Manny Villar at Noynoy Aquino, nevermind ang boypren ni Ate Korina dahil sadyang nakahiligan ni Mar Roxas ang sumawsaw sa malalaking isyu kahit sa panahong hindi pa umaatras sa laban, mapa-noodles o lugaw.
Talagang ganyan ang buhay kapag malapit ang halalan, kailangang gumawa ng gimik upang pag-usapan at marami ang nagiging maka-mahirap, as in kulang na lamang makipag-contest sa pahirapan ng buhay para makakuha ng simpatiya.
In fairness, maganda ang aksyon ni Villar -- ito’y nag-dispatch ng 26-truck sa Metro Manila para sa ‘libreng sakay’. Ang ikinairita lang ng kapitbahay ni Moymoy, paulit-ulit ipinapa-anunsiyo ang pagkakawanggawa. Kahit saang radio station, ipinangangalandakan ng anchor ang tulong ni Villar.
At tila nahawa si Noynoy, aba’y sangkatutak din ang press release ng Liberal Party (LP) dahil ‘isinakripisyo daw’ ang nakolektang barya ng “Piso para kay Noynoy”.
Kung pagkakawanggawa ang misyon ni Noynoy, bakit si Kristo, matindi ang tagubilin sa mga bingi at bulag na itikom ang kanilang bibig at huwag ipagkakalat ang ginawang milagro?
Mantakin n’yo, hindi lang isang beses pinadalhan ng press release ang Spy sa email ng Liberal Party (LP) kundi tatlong (3) beses, animo’y ipinagpipilitang gawin ang pagpapa-hero effect ni Noynoy sa mga tinamaan ni Ondoy.
Take note: nasa Davao at Tagum City pa si Noynoy nang ianunsiyo ng LP ang pag-donate sa nakolektang campaign fund nito. Lingid sa kaalaman ng mga inarkilang spin doctor ng Liberal, araw ng Sabado ang day-off ng inyong lingkod kaya’t nagsa yang lang ng oras ang mga ito.
At kinabukasan, meron panibagong pakulo ang kampo ni Noynoy -- ang Operation Tulong Ba yan. Take note: tatlong (3) beses din ipinadala sa email ang pagpapa-hero ng senador. Kung sinsero sa pagkakawang-gawa sina Nonoy at Mar, bakit hindi sariling pera ang i-donate, hindi iyong baryang naipon mula sa kanilang supporters.
Kaya’t asahang headline sa ABS-CBN at Inquirer ang pagpapaka-‘bayani daw’ ni Noynoy, maliban kung mali ang text brigade sa mind conditioning at trending? (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment