Wednesday, September 9, 2009

september 9 2009 abante tonite

Senatoriable ‘ready-made’ ang iyak
(Rey Marfil)

Kung nagkataong ka-henerasyon ng mga young actor, malamang malaking banta sa movie career nina Je richo Rosales at John Llyod Cruz ang isang ambisyosong senatoriable kung pag-arte ang pag-uusapan kapag naiilawan ng camera ito.

Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pa ngunguna ng TONITE Spy tuwing makakasalubong ang ambisyosong senatoriable sa mga political gatherings, maging sa iba pang media event dahil napakaiyakin ng kumag gayong wala naman dapat ikalungkot.

Ang malinaw lamang, ‘di hamak mas mahusay ang ambisyosong senatoriable sa pag-arte kumpara sa mga multi-ta lented young actor dahil hindi kaila ngan pang sigawan ng ‘action’ ng director, ito’y awtomatikong umiiyak kahit konting ilaw lamang ang tumatagos sa mukha mula sa camera.

Sa nagdaang ilang buwan, nakahiligan ng ambisyosong senatoriable ang umiyak sa bawat interbyu, kalakip ang hangaring makakuha ng media mileage at suporta ng mga botante bilang preparasyon sa posibleng pagtakbo sa 2010 national election, animo’y me ron gripo sa magkabilang mata na binubuksan lamang kapag ginustong lumuha nito.

Kahit hindi ‘kaiyak-iyak’ ang mga tanong, ma ging ang isyung pinag-uusapan sa mga media interview, animo’y may baong ‘eye drops’ o Eye Mo ang ambis yosong senatoriable dahil kasing-lakas ng ulan dulot ng bagyong Labuyo ang mga luhang umaagos at pumapatak sa magkabilang mata nito.

Kapag pinag-aralan ang pag-arte ng ambisyosong senatoriable, animo’y ‘ready-made’ ang mga pag-iyak, partikular ang pag-agos ng kanyang luha tuwing maiinterbyu ng mga reporter upang magmukhang kawawa kahit nagbubuhay-hari sa piling ng mga kaibigan.

Sa kabilang banda, ikinatuwa rin ng mga kurimaw ang pag-iyak ng ambisyosong senatoriable dahil kapag pinigil ang pagluha, ito’y posibleng mauwi sa napakalaking muta at tulu yang magsara ang magkabilang mata ng kumag lalo pa’t balde-balde ang iniluluha nito.

Clue: Napakahunyango ng ambisyosong senatoriable, patunay ang pagkunyaring hirap sa buhay at matuwid gayong buhay-hari at sangkot sa imoralidad. Ito’y meron letrang “L” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Laman ng kumbento. (mgakurimaw.blogspot.com)